#47

382 5 3
                                    

IKALAWANG PARTE (Flashback)

SHIORI POV

Ako si Shiori Ryouta, ikalawang prinsesa ng Earth Kingdom! Ako'y limang taong gulang pa lamang. Palaging pinaiintindi nina Ama at Ina na dapat palagi akong may kamalayan sa bawat kilos at pagsasalita ko kahit na sa murang edad. Sapagkat ay isa akong prinsesa. Ngunit hindi ito nakakahadlang upang ako'y maging malapit sa aming nasasakupan. Tinutukoy ko ang mga tao katulad namin na may elemental power. Hinahayaan ako nila Ama at Ina na lumabas ng palasyo.

Ang pinakahindi ko malilimutan siguro hanggang sa paglaki ko ay ang matatamis na ngiti ng bawat tao sa labas ng aming palasyo! Nararamdaman ko ang pagmamahal nila sa amin maging sa kapwa tao. Ito ang sa tingin ko'y kamahal mahal sa aming taga Earth Kingdom. Ang kakayahang maging malakas at kayang ngumiti pa rin kahit na sa oras na nahihirapan!

"Mahal na prinsesa, oras na para umuwi." Ani ng aking bantay

Kahit na maluwag sila Ama at Ina sa akin ay palagi akong may bantay sa tuwing lalabas ng palasyo. Hindi ko rin naman sila masisisi sapagkat ako ang nag iisang babaeng anak nila. Apat kaming magkakapatid. Ang aking kuya na si Shoutaro ay madalas naman ay nagsasanay sa pag gamit ng sandata at kaniyang kapangyarihan, paminsan ay aking pinapanood kung paano niya ginagamit ang espada. Hindi ko gaano naman kasundo ang iba kong kapatid sapagkat ay iba ang kanilang ina kaysa samin ni Kuya Shoutaro.

Masyado pa raw akong bata kung kaya't hindi pa nila ako maaaring turuan paano humawak ng sandata. At lagi din naman akong binibigyan ng assurance ng aking mga kapatid na pro-protektahan nila ako. Napahagikgik nalang ako habang iniisip sa tuwing sinasabi nila ito.

"Kailangan ko na palang umuwi! Paalam muna, babalik ako bukas, laro ulit tayo ha?" Nakangiting sabi ko naman sa aking mga kalaro

Madalas ay nakikipaglaro ako sa mga batang kaedaran ko sa labas ng palasyo. Tuwang tuwa sila ng marinig nila iyon hindi rin mawala sa aking dibdib ang kasiyahan sa tuwing nakikita ko ang mg taong nasa paligid ko na masaya.

3RD POV

Sa wari ng batang si Shiori, ay makikita niya pang muli ang mga ngiti sa labi ng mga batang kalaro niya. Maging ang mga taong paligid niyo. Hindi niya alam na ang araw na iyon ay ang huling araw na masaya at normal pa ang pamumuhay ng lahat ng taga Earth Kingdom. 

Nagising si Shiori ng kaniyang narinig ang sigawan ng mga taong nasa labas ng kaniyang kwarto. Nagkukusot mata pa siya habang humihikab ng biglang dumating ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Shoutaro. Agad agad naman siyang hinila ni Shoutaro at binihisan si Shiori gamit ang isang itim na damit na may talukbong o tinatawag na hoodie. 'Kailangan naming makaligtas!' isip isip ni Shoutaro. May dalawa ring katiwalang kasama si Shoutaro. Ito'y ang kanilang mga bantay. 

Biglaan na lamang may sumugod sa kanilang palasyo, hindi lamang sa loob ng palasyo kung hindi sa buong nasasakupan ng Earth Kingdom. Hindi akalain ni Shoutaro na ganito pala kalala ang relasyon ng Dark Kingdom at Earth Kingdom. Sigurado siyang Dark Kingdom ang kagagawan ng kaguluhang ito, sapagkat nakwe-kwento ng kanilang Ama at Ina ang mga sitwasyon sa tuwing nagkakaruon ng pagtatagpo ng bawat hari at reyna ng buong Altherianavi, na ang hari at reyna ng Dark Kingdom ay matagal ng may inggit sa relasyon ng Earth Kingdom at ang Light Kingdom. Ngunit masyado ring bata pa si Shoutaro upang maunawaan ng maigi ang lahat. Agad nagtungo si Shoutaro at Shiori sa isang sikretong lagusan paalis ng palasyo. 

"Kuya.. ano bang nangyayari?" Inosenteng tanong ng batang si Shiori. Tinakpan naman ni Shoutaro ang ulo ni Shiori bilang itago ang kanilang pagkatao. Nagdadalawang isip si Shoutaro kung sasabihin ba ni Shoutaro ang lahat kay Shiori. Alam nitong ipinanganak si Shiori na matalino, ngunit kailangan ring isaalang-alang ni Shoutaro na limang taong gulang pa lamang ang prinsesa nila. Pinili na lamang ni Shoutaro na tumahimik habang patuloy pa rin sa paglalakad ng mabilis sa isang lagusan na nakakonekta palayo sa kanilang palasyo. 

"Paano ang ating mga kapatid? Paano sila Ama at Ina?" Tanong pa rin ng batang si Shiori. Halos pabulong niya itong sinabi. Nangingilid ang luha nito sa kaniyang mata ngunit nakakaramdam siya ng takot na kung marinig sila ay maaari silang matagpuan. Base sa mga kilos ng kaniyang nakakatandang kapatid ay may panganib silang kinakaharap.

Sapagkat ang lagusan na tinatahak nila ay ipinaliwanag noon pa man ng kaniyang Ina na kanilang gagamitin lamang ang sikretong lagusan na ito kapag sakaling may sakuna o malaking problema. 

Hindi pa rin sinagot ni Shoutaro ang tanong ni Shiori mahigpit na lamang niya itong inakap at nagdadasal na sana'y maging maayos rin ang lahat. Kinakailangan muna nilang unahin ang sarili nila sapagkat ito ang desisyon ng kanilang mga magulang. Ang dalawa nilang ibang kapatid naman ay inilikas na rin palayo sa kaguluhan. 'Sana'y maging ligtas rin sila.'  dasal ni Shoutaro. 

-------------------------

"Nawa'y patawarin ako ni Ama at Ina. Kung sana lamang ay nakatulong ako ng panahong iyon. Kung sana ay maaga kong nakuha ang kapangyarihan ko." 

Ilang taon na ang nakalipas. Muli nilang binalikan kung saan nakatayo ang kanilang palasyo. Natuklasan nila Shoutaro at Shiori na inubos ng Dark Kingdom ang kanilang lahi. Sila na lamang ang natitirang Earth controllers. Lahat ng kanilang nasasakupan noon ay wala na. Lahat ay sinira ng mga darks. Sinunog nila ang lahat at walang awang kinitil ang buhay na kanilang makikita. Tinapik naman ni Shiori sa balikat ang kaniyang kapatid.

"Wag mong sisihin ang sarili mo kuya. Kailangan natin malaman ang katotohanan. Hangga't nabubuhay tayo, lalabas at lalabas ang katotohanan. Makakamit natin ang hustisya para sa ating bayan." 

Nagtago sila Shiori at nagpanggap na isang normal na Altherianavian. Iniba nila ang kanilang kulay ng buhok at inilihim sa lahat ang kanilang pagkatao. May nakatakdang edad lamang ang mga Earth controllers kung kailan nila makukuha ang kanilang kapangyarihan. Hindi tulad ng ibang elemental controllers na kung saan ay mula ipinanganak sila ay nabiyayaan na sila agad ng kapangyarihan. Kung kaya't alam ni Shiori ang nararamdaman ng kaniyang kapatid. Panigurado'y sa mga gabi ay iniisip-isip nito kung gaano siya kapowerless. Kung sana'y nasa tamang edad si Shoutaro noon. Kung sana ay kaya niya na tumulong sa kanilang Ama at Ina noon. 

Ang dalawang bantay nila na sumama sa kanila noon ay mag asawa. Kung kaya't naging madali ang lahat na itago ang kanilang pagkatao. Kunwari'y anak sila ng mga ito. 

Habang pinagmamasdan ni Shiori ang paligid kung saan nakatayo ang dating Earth Kingdom ay napapikit na lamang siya ng madiin. Bumalik lahat ng ala-ala na mayroon siya noong bata pa siya. Parang naririnig niya ang tunog ng iyakan at kaguluhan ng panahong nagkagulo sa kanilang lugar. 'Ipinapangako ko, makakamit natin ang hustisya.' sa loob loob ni Shiori

-------------------

060622

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon