"I hate this kind of feeling. . . It's like I'm in a world where no one can hear me. I was alone and. . It was like I was falling to an endless dark abyss.. And then I was alone in that dark place once again that no one could even reach out and SAVE me."
3RD PERSON
SA isang silid kung saan nagtipon tipon ang bawat Hari at Reyna ng bawat kaharian.. Lahat ng mga ito ay seryosong naguusap habang ang kanilang mga anak ay binabantayan ang kanya kanyang kaharian. Ilang oras ang lumipas matapos ang usapan kahit ang Opisyales ng mga Lights ay nakisama sa importanteng usapan. Kumilos na rin ang bawat Kaharian upang protektahan ang kanilang mga nasasakupan. Malaki na ang napabagsak ng mga Darks at hindi nila pwedeng hayaan na marami pang buhay ang mawala at mga lugar na pwedeng mawasak. Kahit ang mga natitirang paaralang kung saan ay hinahasa ang mga pinakamalakas na Elemental Controlers ay sumasabak na rin upang paslangin ang mga Darks. .
"Mahal na Hari.. Tuluyan nang nawasak ang Seal na kumokonekta sa lagusan ng Altherianavi at Underworld! Naglalabas pasok na ang mga Darks at nakipag sanib pwersa ang mga Darks sa iba't ibang kaharian sa kailaliman. Pati sa mundo ng mga Witch at Wizards ay nag kakagulo na. Ang Air Kingdom naman ang pinupuntirya nila." Nakaluhod na sabi ni Eros habang sinasambit ang mga katagang ito ay nanginginig siya hindi sa takot kung hindi sa walang kapatawarang pinagagagawa ng mga Darks.
Napatayo sa trono ang hari ng Light Kingdom. Napayukom palad ito "Hindi ko na mapapalagpas ang mga ito! Nawawala ang aking anak at hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung laban ang gusto nila ay LALABANAN natin sila! Ipakalat mo Eros ang sasabihin ko. Wag na silang magdalawang isip na pumaslang dahil ito ang gusto ng mga Darks at ating ibibigay ang kagustuhan nila! Magkamatayan na kung magkamatayan! Ang buhay kapalit ng isang buhay! PABAGSAKIN ANG MGA DARKS!"
***
Nakangiting pinagmamasdan ni Luna ang Prinsipe niya walang bakas ang pagaalinlangan neto habang sinusunod ang LAHAT ng ipaguutos niya. Nababantayan niya ang bawat galaw ni Kayden gamit ang isang magical item ng kanilang kaharian. Nag iisang magical item nalang ito ng mga Dark, ito ay nasa kaanyuan ng maliit na salamin. Parang noon lamang ay palaging nakamasid si Luna gamit ang magical item na ito, hindi niya akalain na may ibang purpose din ang salamin na ito.
Nakita ni Luna na nasa tapat na sila Kayden at mga Darks sa Kaharian ng Air Kingdom at dahil gusto niyang makita ang kapangyarihang pinagkaloob niya sa kanyang mahal ay gusto niyang makita kung papaano neto kakalabanin ang Hari ng Air Kingdom. Habang ang mga ibang mga kasamahan ni Kayden ay nakikipag laban sa mga kawal ng Air Kingdom.
"MAHAL NA HARI! Nandito na ang mga DARKS!" Hinihingal na sabi ng isa sa mga kawal ng kaharian nanatili naman sa kanyang kinauupuan ang Hari hinihintay niya talaga ang pagdating ng mga Darks nasa ligtas na lugar ang kanyang Asawa maging ang dalawang anak na babae kaya wala itong aalalahanin habang nakikipaglaban isa sa mga Darks
Maya maya't lamang ay nagkaroon ng isang napakalakas na pagsabog. Bumukas ng pagkalakas lakas ang napakalaking pintuan patungo sa isang silid kung nasaan ang tronong kinauupuan ng Hari ng Air Kingdom walang mga malay ang ibang mga nakabantay na nasa labas ng kwarto kung nasaan ang trono ng Hari at Reyna at agad na napatayo ang hari ng makita niya kung sino ang lapastangang nakaabot kung nasaan siya.
"Prinsipe K-Kayden?"
Sino ang hindi makakakilala sa kanya? Kahit bata palang si Kayden ng huling nasilayan ng Hari ay kilala niya ang binatang nasa hindi kalayuan. Malaki ang pagbabago neto maging ang mga tingin ay alam ng hari.. Ay napasakamay ng mga Darks si Kayden.
Halos hindi makapaniwala ang hari sa kaniyang nakita. Hindi siya pwedeng magkamali. Sinubukan niyang kausapin si Kayden ngunit walang mabasa ang Hari sa isip ng kaniyang anak. Papaano nangyari ito? Tila wala ito sa sariling katinuan.. May kakaibang marka si Kayden sa kaliwang leeg, kung hindi nagkakamali ang hari ay isa itong klase ng pinakamalakas na ‘cursed-seal’, hindi akalain ng hari na mangyayari ang araw na ito…
“Kayden, gumising ka. Labanan mo ang kasamaan na nananalatay sa iyong katawan.” Ani ng Hari nakakatakot ang mga tingin ni Kayden at bigla itong tumawa. Ang cursed-seal na iyon ay magiging epektibo lamang kapag ang isang Altherian Being ay binalot na ng puno ng galit ang puso nito.
Kinakailangan malaman ng Hari ng Light Kingdom ang tungkol rito.. ngunit papaano? Mabuti na lamang ay agad naisipan ng Hari ng Air Kingdom na ilikas ang kaniyang Reyna at mga anak..
Wala ito sa propetang isinaad ng matandang babailan, noong araw na nag tipon-tipon ang mga hari at reyna ng bawat kaharian.. Maraming kawal ang nakapalibot kay Kayden. Lahat ay tutok na tutok, hindi nila dapat maliitin ang taong nasa harapan nila kahit na ito'y nag iisa.
Maaring isa ito sa mga plano ng mga Dark. Kasabay ng pag ngiti ni Kayden ay may malaking itim na dragon ang lumabas mula sa kapangyarihan ni Kayden
Hudyat ng simula na ang labanan.
***
SAMANTALANG, ang Mystique Academy naman ay pinalakas ang kanilang depensa. Nagtipon tipon ang mga estudyante ayon sa kanilang abilidad at kanilang kapagyarihan. Sila Riley at Sui, ang mamamahala sa mga estudyante na may kapangyarihan na may element ng fire at water. Sila Justin at Ian naman sa kanilang kapwa mag-aaral na may element ng Air at Ice. Malaki ang tiwala na ibinigay ng headmaster sa kanila, kinakailangan ni Rainier na pumunta sa Light Kingdom. Naiwan naman si Knight sa Mystique Academy upang gabayan ang lahat.
Lahat ng estudyante ng Mystique ay iisa lamang ang dasal. Ang protektahan ang paaralan at ang bawat isa. Mukha lamang na normal ang pamumuhay ng bawat mag-aaral rito, ngunit palihim na silang ineensayo sa oras na dumating ang digmaan. Matagal na nilang hinihintay ang araw na ito.
May mga kani-kaniyang station ang mga estudyante na pinamumunuan nila Riley sa labas ng paaralan ng Mystique. Malaki ang lupaing ito kung kaya't maraming posibleng lugar ang pasukin ng mga Dark. Maging si Shiori ay naglakas loob na mamuno din sa kaniyang mga kapwa mag-aaral.
SHIORI POV
Matagal na namin itong pinaghandaan. Ganoon na katagal din ang pagkawala ni Kayden. Walang nakakaalam kung nasaan na siya, maging ang lagusan patungo sa Dark Kingdom ay walang nakapasok. Kung kaya't hindi man kami payag duon, ay wala kaming nagawa kung hindi sundin ang utos ng opisyales mula sa Lights, dahil sila ang nasusunod. Mas maigi muna raw na paghandaan ang papalapit na digmaan. Kung kaya't iyon ang ginawa ng bawat kaharian.Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong magkikita kaming muli. Sana ay ligtas si Kayden.. maging ang aking mga kasamahan na natitira mula sa Earth Kingdom, na kasalukuyan ay may misyon na bantayan at protektahan ang mundo ng mga tao.
"Shiori.. huwag ka munang mag isip. Mas maiging pagtuonan natin ang digmaan." Napalingon naman ako kay Kuya, hindi ko maiwasan.. pero tama siya. Kailangan kong magfocus.
Sumama si Kuya Shou sa Altherianavi. Kinakailangan niya na kasing magpakita sa hari at reyna ng Light Kingdom pag nag karuon ng pagkakataon.. Kailangan namin ipaalam ang dahilan kung bakit nawala ng tuluyan ang aming kaharian..
***
AUTHOR'S NOTE:
OMYGHASSH!!! Hi guys! Long time no see ano? HAHAHA. Kahit ako naloloka ako sa sobrang tagal ng storyang ito. 4 years na walang update? Anyare?
Labis akong nagpapasalamat kung isa ka sa mga mula noon ay talaga namang sumubaybay sa kwento na ito at talagang inulit pang basahin muli. Sorry kung natagalan sa pag revise para maintindihan lalo ng mga mambabasa ang daloy ng kwentong ito. Ngayon na may lakas loob na ulit akong sumulat, sinisigurado ko na matatapos ko ang kwentong ito :))
Abangan ang susunod na kabanata. ;) (Di ko na kayo paghihintayin pa ng apat na taon. HAHAHA)
052220 💕
![](https://img.wattpad.com/cover/24507897-288-k7671.jpg)
BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasiAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...