#07

18.2K 498 30
                                    



RILEY

   
      Umayos ako ng higa. Bwiset talaga yung babaeng yun! Tss, ang yabang yabang tsk! Teka nga bakit ko ba siya inaalala?! Pake ko ba dun sana madapa yun nakakabwiset eh. Ang kapal hindi ata alam ang salitang 'Respeto'. TEKA NGA BAT KO BA INAALALA KASI YUNG BABAENG YUN?! Naputol ang pag iisip ko ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Riley kakain na daw." rinig kong sabi ni Sui

"Sige bababa na." sabi ko naman at bumangon naman na ako mula sa kama 

Simula nang nangyari yung kahapon gumulo ang utak ko. Ano bang meron sa Danielle Zyther na yun?! Damn hindi na nga ako nakatulog ng maayos simula makalabas ako ng clinic eh.
Tapos syempre hindi ko kinain yung binigay niyang Crystal Fruit baka may lason pa eh. Nag ayos muna ako syempre at hilamos. Napatulala ako habang nakatingin sa salamin.

'Ano bang meron kay Danielle Zyther bakit kaya mainit ung hangin na parang apoy... hindi naman siya isang Fire Handler at ako lang yun... Kalahati lang ang kapangyarihan ko dahil sa Elemental Guardian talaga may hawak hawak ng ming kapangyarihan.'

Napatingin ako sa kamay ko naiyukom ko ito. I hate to think about this stuff. Mabuti na nga lang ay wala sa book of prophecy na ibibigay namin ang natitirang kapangyarihang ipinagkaloob samin ng Elemental Guardian

'Malapit nanaman pala ang rituals'

Naghilamos ulit ako then nang matapos bumaba na ako. Mababaliw na ako kakaisip kung anong meron sa babaeng yon eh. Masyado siyang misteryoso para sakin may pagkainosente ang mukha nito pero panigurado akong marami siyang itinatago.

"Goodmorning ayos na ba pakiramdam mo Riley?" bati ni Justin habang nag hahain para sa amin

Binigyan ko lang siya ng bored look tiyaka tumango. Sanay naman na sila sa ugali ko. Magkakabata naman kaming apat kaya hindi na bago sa kanila ang pagsusungit ko. Walang pumapasok sa utak ko kung hindi yung laban namin ni Danielle Zyther na yun. Shit ayan nanaman! Tsk kalimutan mo na yang bwiset na yan sakit lang sa ulo ang dala niyan. Pangungumbinse ko sa sarili ko. Buti pa sila Sui hindi man lang nabobothered sa mga nangyayari o sadyang wala silang pake sa babaeng yun. So ano yun may pake ako? Ew. No, no. Erase. 

"Sabi ni Headmaster may makakasama na daw tayo simula sa araw na ito sino kaya yun?" excited na tanong ni Sui

"Tsk bakit kailangan pang dumagdag ng kung sino man na yun?" asar kong sabi

Because seriously wala naman ng ibang kwarto dito. May kanya kanya kaming kwarto pero sakto lang samaing apat yun. Oo malaki ang room namin kumpara sa ibang mga kwarto sa mga dorminatoryo pero may makikidagdag pa dito?

Tsk.

"Sa sofa nalang siya dahil makikisiksik lang naman siya dito." sabi naman ni Ian

May living room din kami at game room ganun kalaki pero apat na kwarto na may kanya kanyang banyo din. Sumangayon ako sa sinabi ni Ian. Sabi nila di nagkakasundo ang Apoy sa Yelo diba? Pero kami ang patunay dun na nagkakasundo ang apoy sa yelo.. Dahil siguro na din sa personalities namin 

Kung ako mainitin ang ulo at palaging galit, siya malamig ang ekspresyon at kung magsalita parang yelo din at Short tempered pa. Perfect buddies kami eh parehas din ng ugali.

Nang matapos kami kumain napabuntong nalang ako sa isip ko. Ano kayang gagawin? Sabado ngayon kaya ang boring. Wala kaming mga klase kaya kadalasan tuwing Sabado ay humihingi ng mga permiso ang mga estudyanteng nasa Mystique Academy upang makalabas at makauwi muna pansamantala sa kani-kanilang mga tirahan. Unless, katulad namin na mga may dugong maharlika ay hindi kami gaanong pinapalabas sa paaralan. Mahirap na baka may mga rebelde ng Altherianavi ang sumubok na mag espiya sa paaralan namin. Kung kaya't hindi kami maaaring umalis basta basta sa paaralan. Lalo na kaming apat may mabigat kaming responsibilidad sa paarlang ito.

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon