DANIELLE
"Danielle!!!"
Hindi ako makadilat sa sobrang sakit ng ulo ko. Tila may mga senaryo akong nakikita sa isipan ko. At kung ano man yon malakas ang hinala kong mga ala ala ko iyon sa nakaraan.
Malabo..
Napakalabo ng mga mukha ng mga taong iyon sa isipan ko pero yung mga kaganapan ay malinaw na malinaw.
Bakit ganon!?
Nakaramdam ako na parang may kumokontrol sa kapangyarihan ko. At sa isang iglapan lumiwanag ang lahat.
"Danielle Zyther.." sabi ng isang babae na may aura ng apoy
May mga katabi ito may babaeng may nakapalibot na water air, light, at ang mas pinagtataka ko pa..
Nasaan ako!?
"Alalahanin mo kung sino ka Danielle malapit na ang oras na magkakagulo sa mundong ito." sabi ng tila isang diwata na tumawag ng pangalan ko. Habang tinitignan ko ang mga taong nasa harapan ko ay alam kong hindi lang sila basta bastang tao o nilalang ng Altherianavi may mga aura itong kakaiba
"P-Pero papaano?" Naguguluhan kong tanong. Hindi mawala wala ang gulo sa damdamin at isipan ko napakadami kong gustong tanungin ngunit hindi ko magawang ibuka ang bibig ko para sabihin kung anong nasa isipan ko.
Lumapit sila sa akin at ang Goddess of Light ay hinaplos ang pisngi ko. Alam kong siya ang diwata ng Light element dahil sa aura na nakapalibot sa kaniya. "Gamitin mo ang puso mo para malaman mo kung sino ka talaga sa ngayon ay takot ka pang malaman ang katotohanan.. kailangan mong tanggapin ang lahat huwag mong takbuhan ang nakaraan." Natigil ako nakaramdam ako ng mabigat sa dibdib ko
"N-Natatakot ako? P-Pero-"
"Makinig ka sa sasabihin ko Danielle Zyther sa oras na malaman mo ang lahat lahat maraming mag babago sa kasalukuyan magkakagulo ang Altherianavi dahil magsisimula nang gumalaw ang mga Darks upang maghiganti sa buong kaharian at sa oras na iyon... dapat handa ka na."
Biglang nagliwanag ulit at sumakit lalo ang ulo ko ngunit tinigilan ko ang pag sigaw nag timpi ako. Pero anong gagawin ko!?
Dahan dahan akong dumilat mukhang may naalala akong kaunti tungkol sa nakaraan ko kaso napakalabo pa bakit ang hirap mawalan ng ala ala?!
Pagmulat ko nakita ko ang lahat ng estudyante dito sa Mystique Academy na nagulat sa nakita bakit? Napakawalan ko ang mga kapangyarihan ko lahat ng tinatago kong kapangyarihan ay biglang nagsilabasan. Hindi ko nakontrol ito dahil sa naalala ko na ang kalahati kung sino ako noon.
"I-Ikaw ang Elemental Guardian?!"
JUSTIN
Nagulat kaming lahat sa napakalakas na sigaw. Kumirot ang puso ko... dahil punong puno ng hinanakit ang boses nito. Nahinto ang lahat sa ginagawa nila yung iba ay napatakip sa tenga ganoon kalakas ang boses ng taong kung sino mang sumisigaw. At ang hinala ko ito na ang simula kung kailan manunumbalik ang mga ala-ala ng aming nag iisang ELEMENTAL GUARDIAN.
Si Kayden.
Huminga ako ng malalim at napahilamos ng mukha at tumingin kila Riley saktong tumingin na din sila Sui at Ian tumango kaming apat sa isa't isa at nagmamadaling sinundan ang boses nito. Please wag sanang mapasabog ni Kayden ang mundong Altherianavi dahil ganoon siya kalakas. Sumakay ako sa Elemental Spirit kong air dragon na si Kazekami sila Riley din ay sumakay sa kanilang mga Dragons.
At pinalipad na namin ito ganon kalaki ang Mystique Academy kailangan pang gumamit ng pegasus o elemental spirit para makarating sa kabilang building. Habang nasa ere kami ay agad naming natukoy kung saan nang gagaling ang boses na iyon. Tumungo kami papuntang quadrangle. Kinabahan ako ng makakita ako ng napakalakas na apoy. Nang makalapit kami ay nagulat kami sa aming nakita hindi ako makapaniwala si Danielle yung sumisigaw. Maski sila Riley ay kitang kita sa kanila ang pagtataka at pagkagulat.
BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasyAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...