DANIELLE
Bumalik na ako sa dorm at pumunta sa room namin. Napansin ko lang ah. IISA LANG ANG KAMA na nandidito! King sized bed naman ayos na rin siguro na may katabi ako kasi seriously ang laki laki kasi ng kwartong ito. May flat screen t.v na malaki pa may sofa dun may mini kitchen sa kaliwa may washroom pa na pagkalaki laki.
Humiga ako sa kama ang lambot di tulad ng hinihigaan namin nila mama at papa noon. . May unan pa apat yun tagdalawang unan kami ni Kuya Kiev.
Teka, ano nga palang pangalan nung Headmaster na yun? Hay, itatanong ko na nga lang kay Kuya Kiev.. Pero unang una kailangan kong hanapin siya.
Pumikit ako. Yes tama ang iniisip niyo hahanapin ko siya gamit ang utak ko. Habang nakapikit hinanap ko na yung building at binggo nanduduon siya sa Class B nakikinig sa teacher. Mabuti nalang at kinabisado ko yung blueprint ng bawat building ng MA at mayroon ding mga blueprints na nakapaskil bago ako makapasok sa dormitoryo, maging sa student handbook ay mayroon ding kopya nito.
"Kuya..." Nahinto siya at tumingin tingin sa paligid nakikita ko siya sa isip ko galing ng powers ko ano? At dahil nakakapagcommunicate ako sa isip niya kung ano yung nakikita niya ay nakikita ko rin.
'Imagination ko siguro yun' isip niya at napakamot ng ulo
'Kuya Kiev si Danielle to!'
Nakita ko sa isip ko na napatayo siya kaya pinagtitinginan siya ng mga kaklase niya nag excuse muna siya sa kanyang guro para lumabas at pumwesto lang siya sa gilid ng pintuan
'Danielle?! Teka, papaano mo ako nakakausap?!' sabi niya sa isip niya
'Kuya Kiev, secret lang natin to okay? Isa ito sa special abilities ko'
'Woah.. di ako talaga makapaniwala na nag uusap tayo sa isip lang!!' manghang mangha nga talaga siya. Mukhang hindi siya gaano nakakaencounter ng may ganitong abilidad ah?
'Kuya Kiev pwede habang nasa klase ka mag usap tayo? Kung may itatanong sayo sasabihin ko nalang ang sagot kung sakaling napansin ng teacher mo na hindi ka nakikinig..' sabi ko naman nakita ko siyang tumango at pumasok sa classroom nila at umupo na
'Sige aacting nalang ako kunwaring nakikinig. Magtataka din yon kapag masyado akong matagal. Strikto pa man din yun.'
'Kuya ano ba pangalan ng Headmaster?' tanong ko
'He's Rainier Nexus Lux Astria he is the first Prince of Light Kingdom. Headmaster Rain ang tawag ng karamihan sa kanya... hindi namin alam kung ano ang special abilities niya basta ang main power niya ay Light element.' pagpapaliwanag niya
'Kilala mo ba yung kapatid niya?' tanong ko naman. I have this feeling lang na kailangan ko itong maitanong agad.
'Yup, kaklase ko siya kaso wala siya ngayon dito pinatawag kasi ni headmaster kanina lang.. Palaging nakahood yun at mahina ang presence niya . He is the second son of the King and Queen. He is Knight Nexus Lux Astria.' napatango tango nalang ako
'Anyway anong section mo?' tanong naman niya
'Class S.' sabi ko naman, ayoko sana ng atensyon dahil bago pa lamang ako dito sa Mystique Academy pero mukhang wala talaga akong kawala.
'T-Talaga?' di makapaniwalang tanong niya. Bukod sa binubuo ng pinakamahuhusay at pinakamagagaling atang estudyante ang Class S pakiramdam ko ay meron pang espesyal sa klase na iyon.
'Oo eh.' sabi ko naman
'Anyway Danielle may sasabihin na rin ako tutal section S ka pala...'
BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasyAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...