#09

17.2K 451 42
                                    


   
      Natawa nalang ako these past few days minamalas ako at alam kong sadyaan ang mga pangyayari.. Minsan umuuwi akong sugat sugatan sa dorm o hindi naman kaya may mga bagay akong nawawala o kaya ay nasisira yung mga gamit ko nang hindi ko alam. Ito na ba yon? Ang korni nung tatlong babaeng yun ah almost 2 weeks nang mameet ko sila at pagkatapos nila akong bantaan tiyaka lang lahat nangyari ito. Wala namang ibang pwedeng gumawa sakin ng ganito bukod sa kanilang tatlo. 

"Ganoon ba talaga kayo kasikat?" Tanong ko sa apat. Nandito kami ngayon sa hapagkainan at kumakain na ng dinner. Napakunot noo si Mr.Highblood (Riley) si Mr.Cold (Ian) naman ay parang walang narinig. Ngumiti naman si Mr.Vain (Sui) at naasar pa ako ng hinawakan niya yung kamay ko agad ko naman yong tinabig

"Ngayon mo lang narealize cupcake?" Flirty na sabi niya ano pa bang aasahan mo kay Sui De Montaillo too bad nagdaan din ako sa ganyan kaya alam ko mga galawan ni Sui

"Ha? Abang malay ko sa inyo pati ako nadadamay sa kagaguhan ng fans niyo eh."

Parang maamong tuta naman itong si Mr. Vain tumingin sa akin at parang nag aalala. Ew. Yan nag aalala? Buti pa si Justin eh ayos lang talagang kahit sino maniniwala eh si Sui? Eh heartbreaker yan eh isang malaking PAASA sinong maniniwalang nag aalala yan and worst sa isang babae? Duh. Wala siguro meron.. TANGA lang.

"Gusto mo halikan nalang kita para mawala lahat ng sakit mo?" Tanong niya SEE? Dinadaan sa kamanyakan! Nandiri naman ako as in kadiri talaga sa ngayon pinaka top sa list ng kinaiinisan ko yang si Sui as in!

"Kadiri ka kamo . Ew. Lumayo ka nga sa akin nakakasuka yang pagmumukha mo. Tss, makatulog na nga!" Sabi ko at niligpit ang pinagkakainan ko napatawa naman si Justin

"A-Ang sama mo sugarplums.. Bakit ka ba ganyan sa akin?" Naluluhang tanong ni Mr.Vain. Nakakasuka talaga siya kanina cupcake sunod sugarplums yung totoo cupcake song lang?

Tinakpan ko tenga ko "Wala akong naririnig." sabi ko nalang at ayon pumunta na ako sa sofa. At nagtalukbong na ng kumot baka pagtripan pa ang mukha ko eh..

"Anong nangyari dun sa babaeng yon?" Rinig kong tanong ni Highblood

"Nagaalala ako para sa kanya.. palagi nalang kasing may sugat siya eh." Sabi naman ni Justin

"Kawawa naman si Honey." sabi naman ni Mr. Vain nangilabot naman ako lalo dun

Nakakabanas talaga yang mga endearment niyang nakakasulasok dahil everytime iba iba talaga. Kung hindi honey sweetypie o di naman kaya pumpkins kadiri talaga ayun lang masasabi ko.

"Baka sila Ellis nanaman?" Rinig kong tanong ni Mr.Cold

"Siguro may silbi din pala yong mga yon." naiisip ko na ang itsura ni Highblood na nag eevil laugh ang sadista niya talaga

Natulog nalang ako bahala na nga.

ELLIS

                    Napangisi ako pasalamat yung Danielle na yun at ayon palang ang nangyayari sa kanya. Ilang araw na namin siyang pinahihirapan at lahat ng patibong na ginagawa namin lahat ng yon umuubra kaya palagi siyang sugatan. Sorry but not sorry! Tama lang yon sa kanya isa lang naman siyang baguhang estudyante tapos.. Rank 4 agad? Papaano naman akong Rank 2 at ilang years kong pinaghirapan para lang makaapak sa gantong ranggo?

"Sis ano na? Sugurin na natin mas maganda kung mapapanood tayo ng mga Prince para masaya!" Excited na sabi ni Kleon

"Yeah masyado na nating pinapatagal ang paghihirap." sabi naman ni Quen

"Malapit na,  konting tiis na  lang." sabi ko naman habang pinagmamasdan namin ang likod ng Danielle Zyther na iyon mula sa bintana ng building namin kasama nito yung lalaking taga Class B na isang healer type. Makikita naman kung anong saang klaseng element belong ang bawat estudyante ng MA dahil sa maliit na badge na nakapin sa kwelyo ng polo namin.

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon