#29

7.4K 231 43
                                        

      Tila magandang paraiso ang sumalubong kila Kayden ng idilat nila ang kanilang mga mata. Halos hindi nila namalayan na hindi na pala sila humihinga dahil sa pagkamangha sa nakikita nila. Hindi naman sila mahihirapan dahil gamit gamit nila ang mga Elemental Spirits nila nakasakay si Kayden as usual kay Ciel isang Water Dragon ito kaya pwedeng pwede siya sa ilalim ng tubig.

"Kung ganito pala ang ating pupuntahan... Aba'y mas gusto ko ng dito ako tumira!!" Pagloloko ni Sui

"Sige dito ka na tumira at huwag ka ng babalik sa Mystique Academy para wala ka ng Alyssa na babalikan." nakangising sabi ni Kayden

Napanguso nalang si Sui habang nasa malalim nanamang pagiisip si Kayden. Nagtataka siya kung anong klaseng ang magiging weapon form ng isang napakalakas na Light Dragon neto ang kailangan niya upang madagdagan ang kaniyang kapangyarihan. Dahil kung ano siya ngayon ay paniguradong mas malakas ang Hari ng kadiliman o tinatawag na Dark Lord. Masasabi nga nating malakas si Kayden na halos nasa kanya na ang lahat pero mas sagad sa pagkakaalam ni Kayden ang kapangyarihan ng Kadiliman ng Dark Lord.

Lalo na iniisip niya si Luna maaring pag ibig nanaman ang ikabulag niya at kailangan niya pang maging mas matigas upang magtagumpay sa darating na labanan. Inihanda ni Kayden ang sarili dahil siya lamang ang maaring makipag laban sa Light Elemental spirit

"Saan tayo makakapasok sa Underwater World? Sui?" tanong ni kayden

Pumikit si Sui at dahil natural power niya ang pagiging Water Manipulator isa sa special abilities niya yung parang kay Kayden na kayang naghanap ng tao gamit ang isip ang pinagkaibahan lamang ng kapangyarihan nila ay ang kay Sui ay pagse-search ng lugar ng mga pasikot sikot sa ilalim ng tubig. Pagdilat niya ay itinuro niya ang malakas na pag bagsak ng tubig ng isang waterfalls

"Duon tayo papasok... may lagusan duon at pagkatapos ay may lalanguyin tayo pailalim at ituturo ko sa inyo ang lungga kung saan natutulog ang makapangyarihang light spirit na may bantay na water wild beast." Seryosong sabi ni Sui

Pumunta na sila at ginawa ang pagkakasabi ni Sui meron nga talagang lagusan sa loob ng waterfalls. Marami silang iba't ibang halaman na nakita ruon tulad nalang ng isang punong may kulay pink na dahon.

"Anong tawag dyan?" Sabay turo ni Kayden sa punong kulay pink ang dahon

Nakakaakit ito lalo na marami pang iba't ibang kulay ng mga ibon ang nasa sanga ng puno.

"Lovers Tree ang tawag dyan karaniwang tumutubo talaga ang mga yan sa malapit sa waterfalls sabi sabi nila na dapat dalhin mo ang mahal mo sa punong unang nakaakit sayo at iuukit niyong dalawa ang pangalan niyo sa puno para maging matatag ang relasyon niyo." pagpapaliwanag ni Sui

"Ang korni naman nyan." komento ni Kayden pero sa totoo lang bigla niyang naisip si Luna...

At si ALLISON.

KIEV POV

       Nasa training kami nila Caleigh ng biglang ng makita namin ang tumatakbo habang umiiyak si Kassandra papunta sa akin. Bigla niya akong inakap at humagulgol ng iyak.

"A-Anong problema?" Nag aalala kong tanong napansin ko ang pamumula ng pisngi niya

"MAG IINGAT KAYO! Nandito ang kakambal kong si Luna! Kikidnapin niya si Kayden!! Kiev ayoko nang maging masama tulungan mo ako!! Ayoko na sa kadiliman!!!" Sigaw nito

"Sino si Luna?" Galit na tanong ni Allison

"Teka nga!!! So totoong isa ka sa mga darks?" Pag mamaang maangan ni Caleigh

"Kassandra Fair sabihin mo ang lahat sa amin para matulungan ka din namin." seryosong sabi ni Riley

"S-Sasabihin ko.." sabi naman niya

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon