#14

17.9K 418 14
                                    

RAINIER

"Ako si Kayden." bulong niya sa akin bago pa siya himatayin. Kaya ayun sinugod muli si Danielle sa clinic. Palakad lakad ako kanina pa nasa loob na ako ng office kasama si Knight na halatang nag iisip din. Anong ibig sabihin niya duon!? Gusto kong maniwala kaso.. bakit parang natatakot akong malaman ang katotohanan?

"Tsk, kailangan nating malaman ang katotohanan Kuya Rain." inip na sabi ni Knight sinabi ko kaagad kay Knight tungkol sa binitawang salita ni Danielle bago pa ito mawalan ng malay.

Ngunit hindi ko naman din makitaan ng dahilan para magsinungaling si Danielle. Pero papaano? Bilang lang din sa kamay ang nakakaalam ng pangalan ng aming kapatid

"Ang ama at ina lang ang makakaalam kung nag sasabi siya ng totoo." seryosong saad ko

"Kung ganoon, hangga't maaga pa kailangan nating mapasama si Danielle Zyther papunta sa ating kaharian."

"Pero nakakapagtaka kung bakit babae ang form niya kung lalaki naman talaga si Kayden?"

Kagaya ko ay alam kong gulong gulo ang isipan ni Knight hindi man halata sa kanyang mukha ay nararamdaman kong pati siya ay naguguluhan na.

"Maaring isang temporary genderbend lang iyon dahil sa pagkakaalam ko nanggaling si Danielle sa pamilyang Krutsarth, mga Class S Wizards na ngayong nakatira sa mundo ng mga tao."

Napaisip ako bigla sana nga Danielle ikaw na ang matagal na naming hinahanap.

KIEV

"Ayos ka na ba talaga Danielle?" Tanong ko tumango naman siya

"Kiev, alam mo na siguro ano?" Tanong niya ngumiti ako ng tipid

"Oo at isisikreto ko tulad ng gusto mo pero sa tingin ko kung sinabi mo na kay Headmaster ay maaring dalhin ka na niya sa kaharian nila. Ayun ang pinakaposibleng mangyari dahil sa pagamin mo."

"Kuya Kiev baka mamaya niyan magbago na ang turing mo sa akin ha?"

"Grabe ka naman ganyan na ba kasama ang tingin mo sa akin?" Nag pout lang siya natawa nalang ako ang cute sana nga babae nalang siya. Nakakapanghinayang lalo na kahanga hanga ang karakter ni Danielle. Kahit nagmumukha siyang mayabang, maldita, suplada sa mata ng lahat ay may ibubuga naman siya hindi lang siya puro pagmamayabang.

"Biro lang. " Sabay pitik niya naman sa noo ko

"Aray ah. Ang sakit non." sarkastik na sabi ko

She este He nalang pala kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa kanya. Alam ko na sa simula pa na lalaki talaga si Danielle dahil nung sinamahan ko siya sa pagshopping ng mga damit nakita kong may kinuha siyang panglalaking damit. At first naguluhan ako kung bakit kailangan niyang bumili ng panglalaking damit kung babae naman siya. Nagpanggap na lamang ako noon na walang napansin habang namimili kami. Tiyaka walang matinong babae ang papayag na may lalaking katabi sa isang King sized bed. Una palang ay nakakapagtaka na. At dahil naikwento ni Danielle na galing siya sa pamilyang Krutsarth duon pa lamang ay napaisip na ako. Sigurado akong may kakayahan ang mga Krutsarth na mag gender change. Ngunit may hangganan lamang ang pag gamit ng genderchange.

Nasagot lahat ng katanungan ko sa pagkatao ni Danielle dahil sa aksidenteng nangyari at talagang nakakahiya kung aalalahanin.

*Flashback*

Maaga palang nagising na ako dahil syempre nauuna akong maligo kesa kay Danielle. Hinanda ko muna ang almusal namin at tiyaka pumunta sa CR. Nagtaka ako kasi wala si Danielle nung pag gising ko..

Pagpihit ko ng doorknob...

I heard someone is using the shower namula ako sa kahihiyan baka kasi si Danielle ang gumagamit

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon