#30

6K 211 52
                                    

KAYDEN POV

    Napatakip ako ng tenga ng makarinig ng isang malakas na ungol ng mahinto na ito ay agad kong inihanda si Kamito. Ito na pala ang Legendary Beast halos napakalaki nito merong matatalas na ngipin, mabalbon at merong aurang nakakatakot nakatingin yung dalawang Legendary Beast na parang gusto akong sakmalin

"Anong ginagawa mo rito bata?"

What the? Nag sasalita sila?!

"Oo nagsasalita kami wala kang pake sino ka at bakit ka napaparito?" galit na sabi nung isa

Ayos to ah... pero di ko iniba ang seryoso kong ekspresyon

"Ako si Prinsipe Kayden Nexus Astria ang nag iisang elemental guardian at prinsipe ng Light Kingdom." pag papakilala ko nagtawanan lang sila problema nila?

"Oo kilala ka namin..." sabi nung isa eh kilala naman pala ako eh bakit pa ako tinatanong?

"Huhulaan namin bata... nandito ka para talunin kami at pagkatapos kailangan mo pang dumaan sa pagsubok na ibibigay sayo ng pinakamalakas na elemental spirit of light tama ba?"

Napakunot noo ako napakadaldal naman nila. "Alam niyo naman pala eh edi tapusin na natin!!!" agad akong umatake

Umiwas naman yung dalawa at yung kulay red na legendary beast ay biglang humaba ang kuko nito at inatake ako hinintay ko lang makalapit ung kuko nito at...

*Slash!!*

Biglang napaungol ito sa sakit tangina anong akala niya sa akin mahina? Nakalimutan na ata nilang PRINSIPE ako wala ba sa kanila ang salitang RESPETO? Tumalon ako sa braso nito at tumakbo papaitaas ang bagay sa kanya ay putulan ng ulo bigla namang nagpupumiglas itong legendary beast na ito humawak ako sa kanya para hindi mahulog

Yung isa naman ay umatake din sa akin agad kong pinalabas ang kapangyarihan ko at gumawa ng Ice Chain agad kong ipinulupot ito sa isa para di makagalaw. Ngayon naman...tumalon ako ng pagkataas taas at umikot ako sa ere bago bumagsak sa batok nung legendary beast at syemprenag ala Levi ako na parang pumapatay lang ng titan (Shingeki no Kyojin xD)

Pinugutan ko ito ng ulo hinding hindi ako magpapatalo!!

3RD PERSON POV

Nakita nila Sui at Ian kung papaano talunin ni Kayden ang 2 Legendary Beast hindi nila maiwasang mamangha sa kagalingan ni Kayden. Unang una ay namangha sila sa angking bilis ni Kayden na kahit ilang beses itong atakihin ng kalaban ay parang wala lang sa kanya ang pag iwas para siyang nadaloy sa hangin na kung mortal na tao ang makakakita nito ay baka akalaing bampira ang binata

Nang matapos ang laban halos maligo si Kayden sa dugo ng mga Legendary beast ngayon ay ngiting ngiti ito na parang may sayad halatang gustong gusto pa ng laban. Mahahalata mo talagang sanay ito sa pakikipaglabanan at hindi basta basta lang matatalo.

"Napaka blood thirsty naman ni Kayden" nakasimangot na sabi ni Sui

Pumasok nanaman si Kayden sa lagusan kung saan duon nakalantay ang lugar ng kanyang malakas na legendary Light Dragon. Sumunod ang dalawa kay Kayden... isang panibagong lugar nanaman ang bumungad sa kanila at ito ay isang gubat kung saan ang mga dahon ng puno ay kulay puti.

"Bahagi ito nuon ng light forest kaso ipinasarado na ang lagusan at matagal nang nabaon nandito lang banda panigurado ang elemental spirit mo Kayden." Seryosong saad ni Ian

Nagpalinga linga sila huminga ng malalim si Kayden at pumikit. Nararamdaman niyang napakalapit lang ng elemental spirit niya..
Na parang nakabantay lang ito sa kanya.

Habang..

Isang babae ang nagtatago sa mga sanga ng puno at nag aalalang tumingin sa tatlong binata..

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon