#46

133 5 4
                                    

"Sylphy?" halos pabulong na  saad ni Justin. Bigla na lamang sumulpot ang nilalang na ito sa kaniyang harapan. Hindi siya makapaniwala na may ganitong nilalang pa pala ang nage-exist sa kanilang panahon. Bumungisngis nanaman ang nilalang na nasa harapan niya at ngumiti sa kaniya.

"Ako ang makakatulong sayo upang matuluyang ma-iseal ang aming kaibigan." Kaibigan?  Tila nabasa naman ni Sylphy ang nasa isip ni Justin, tumango naman si Sylphy at tinignan ang ancient creature na sa kasalukuyang nilalabanan nila Riley

"Anthalius, ito ang kaniyang ngalan, matagal ng panahon itong nagbabantay sa West Forest ng Altherianavi. Ngunit ilang dekada na rin tila ito'y wala sa sariling katinuan, nakikita mo ba iyong nasa kaniyang noo? Ito'y isang marka na tanging mang gagaling lamang sa kapangyarihan ng Dark Kingdom. Kinakailangan mo iyong mabasag. Sa tingin ko'y pag nabasag natin yon, babalik rin siya sa kanyang katinuan." 

"Ngunit papaano ko masisira ang markang iyon? Hindi sapat ang kapangyarihan ko, ni hindi ko nga man lang madalusan ang katawan nito." Aminado si Justin, sa tingin niya'y walang mangyayari kung siya ang haharap dito, sa una palang ay alam na ni Justin na wala siyang magagawa. Nauubos na ang oras at nasa kamay ng mga Goblins ang mga babaeng estudyante ng Mystique. 

Hinawakan naman ni Sylphy ang kaniyang balikat halos wala siyang naramdaman dahil sa liit ni Sylphy. Umiling iling ito sa kaniya. "Hindi totoo yan, kaya ako nandito dahil itinawag ako ng kapangyarihan na nasa loob mo. Maaaring sa pisikal na kaanyuan ni Anthalius ay mahirap na itong matalo, ngunit lahat ng kalaban ay may kani-kaniyang kahinaan. Ang wind element ay isa sa mga pinakamalakas na kapangyarihan sa mundong ito.. Magtiwala ka.." At biglang bumalik sa light shape si Sylphy at pumasok sa kaniyang katawan

Nakaramdam si Justin ng kakaibang lakas. Ikinuyom niya ang kaniyang palad. 

JUSTIN POV

Mula pagkabata pa ay nakakaramdam ako ng inggit kila Kayden at Riley, kumpara sa kanilang kapangyarihan, mahina pa ako. Nagsasanay ako ng patago sapagkat ayokong pagtawanan nila ako. Alam ko sa loob-loob ko na hindi nila magagawa sakin yon, pero hindi ko rin maiwasan na isipin ang ganong bagay nuong bata pa ako. 

Tama si Sylphy. Hindi ko dapat minamaliit ang wind element. Hindi ko dapat kwestyunin ang kapangyarihang pinagkaluob sakin ng Wind Archon. Ang mga Archon o mas kilala sa mundo ng mga tao bilang mga Diwata't Panginoon na siyang pinanggagalingan ng mga elemental powers.

"Riley! Sui! Kailangan nating masira ang marka na nasa kaniyang noo." Sigaw ko habang tinitignan ang katawan ng nilalang na si Anthalius, napansin kong may mga maliliit na spot na maaaring atakihin upang hindi ito makagalaw.

"Patawad..." pabulong ko itong sinabi, kailangan ka naming palayain mula sa isang cursed seal. 

"Wind Magic: Wind Blades!"

Sinigurado kong matatamaan ang mga parte na hindi napro-protektahan ng matigas nitong balat. Natumba ang ancient creature habang sumisigaw ito sa sakit. Ngunit hindi pa ein ito gaanong sapat upang tuluyan itong mapabagsak.

"Water Magic: Compressing Chains" isa ito sa mga malalakas na form ng water magic. Tanging si Sui lamang ang may kakayanan gawin ito, kahit ang hari ng Water Kingdom ay hindi ito kayang gawin. Ito ang bunga ng kaniyang training. At marahil na rin ay maaga niyang natuklasan ang sikreto sa kaniyang kapangyarihan.

Tumango naman si Sui sa akin bilang isang senyas na hindi na makakawala at makakapagpumiglas si Anthalius. 

Dahan dahan kong nilapitan ang ancient creature. Sa aking paglapit ay narinig ko ang boses nito. Sa wari ko'y tanging ako lamang ang nakarinig ng kaniyang tinig.

"Tulungan mo ako.."

Hinawakan ko naman ang kaniyang noo, at kusang bumuka ang aking bibig upang sabihin ang isang wind spell na makakapagpabasag sa kaniyang sumpa.

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon