3RD PERSON POV
Impossible.
Hindi makapaniwalang tinignan ni Kayden si Allison. Allison nga ba talaga ang pangalan mo? Halos maguluhan siya anong Earth Kingdom ang pinagsasabi ni Allison?
Agad nilapitan ni Kayden si Allison "Tumalikod ka." Malamig na utos ni Kayden
Isa lang ang dapat magpatunay sa mga katagang sinasabi ni Allison at iyon ang marka.
"Itaas mo yang buhok mo." Utos muli ni Kayden na agad sinunod ni Allison
Paano niya nalaman na nasa batok ang marka ko? Isip ni Allison
Nakita ni Kayden ang marka. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya hinaplos ni Kayden ang marka napabalikwas si Allison."A-Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw ni Allison
"Explain. I want an explanation. A VALID ONE." Seryosong sabi ni Kayden halos kinabahan si Allison ayaw na ayaw niya ang seryosong ekspresyon ni Kayden para siyang maiihi na ewan lalo na kung titignan pa siya nito sa mata
"Tulad ng pagkakasabi ko. Ako talaga si Shiori Ryouta ng Earth Kingdom. Dapat kong itago ang totoo kong pagkatao. Katulad nuon mahal na prinsipe itinago mo nuon ang sarili mo bilang babae at iniba mo ang iyong pangalan. Hindi talaga Allison ang aking pangalan kung hindi Shiori." Sabi ng dalaga napaupo si Kayden sa gilid ng kama
"Hindi ba't wala na ang mga taga Earth Kingdom? At bakit ngayon mo lang sinabi ito sa akin?" Seryosong tanong ni Kayden
"Dahil hindi niya pa kayang sabihin. Pero ngayon kaya na niya at ikaw ang unang makakaalam." Singit ni Reiko
"At oo tama ka Mahal na Prinsipe wala na ang Earth Kingdom ngunit may mga natitira pang taga Earth at isa ng patunay ang Mahal naming Prinsesang si Shiori." Sabi naman ni Mindy
Nuong unang panahon may 7 na kaharian at naglalakasang mga elemento. Ito ang Light, Fire, Water, Air , Ice at Dark. At ang pinakahuli ngunit pumapangalawa sa kalakasan
Ang Earth.
Sila ang kanang kamay ng Light Kingdom. Masagana , Maganda , at masasabing punong puno ng Kasiyahan. Ngunit ng magrebelde ang taga Dark Kingdom ay nagsakripisyo ang Earth Kingdom para sa mahal na Lights.
Maraming namatay.
Maraming nasira.
Maraming nagdusa.
Isa na ruon ang Hari at reyna ng Earth Kingdom. Ipinanganak ang Dalawang bata isang lalaki at isang babae. Isa rito si Shiori. Ang kanyang nakakatandang kapatid ay nasa kanilang lugar upang bantayan ang mga nakaligtas sa digmaan nuon.
Si Shiori ang nag boluntaryong gawin ang kanilang plano. Unang una na rito ang pumasok sa Mystique Academy. Hintaying bumalik ang nag iisang pinakamalakas na itinakda. Tulad ng nangyari.
At ipaalam rito na sila ay nag eexist pa. Ngunit sa di inaasahang plano. Nahulog ang prinsesa sa prinsipe. Sa Prinsipeng napaka Arogante ngunit may busilak ang puso.
"Prinsesa Shiori." Seryosong tawag ni Kayden
Kumabog ng malakas ang dibdib ng Prinsesa. Sa wakas! Tinawag na rin niya ako sa totoo kong pangalan!
Tumayo si Kayden at nasa prinsipe mannerism nanaman.
"Nais kong magpakilalang muli. Ako si Kayden Nexus Astria. Pangatlong prinsipe ng Light Kingdom. Ang pinakamalakas sa lahat at ang itinakda. Handa ka bang makipag sanib pwersa sa isang tulad ko? Handa ka bang lumaban kasama ko at talunin ang mga Darks?" Napahanga si Shiori duon.

BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasyAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...