Habang pinag mamasdan ang kabuuan ng eskwelahan para akong batang nawawala habang pinagmamasdan ko ito. Isa lang ang pumapasok sa isip ko, at iyon ang pagkasabik at pagkamangha sa kagandahan ng estraktura ng Mystique Academy.
Tulad lang rin ng mga nababasa ko sa mga libro ay ito agad ang katanungang pumasok sa isip ko 'Sigurado bang eskwelahan lamang ito? Parang palasyo na kahanga kahanga sa kagandahang taglay nito. Labas palang mapapanganga ka na paano pa kaya sa loob nito?'
Ang gate na gawa sa ginto na kumikinang na parang tala. Pinapaligiran ito ng kakaibang bulaklak na dinadapuan ng iba't ibang klase ng paru-paro. Hindi maipagkakait ang kagandahan na tinataglay nito.
Sa pag apak ko sa harapan nito kusang bumukas ang gate na iyon ng dahan dahan. Agad naman akong pumasok at kusang napangiti
'Hindi pa rin pala ito nagbago,' isip ko. Hindi ko rin alam bakit iyon ang naisip ko, minsan talaga ay nawe-weirduhan ako parang hindi ko talaga minsan kilala ang sarili ko. Pakiramdam ko ay nakatapak na ako rito, wala naman kasing nabanggit sila Mama at Papa wala silang nabanggit patungkol sa Mystique Academy pero bakit parang pakiramdam ko ay nang galing na ako rito? Napahawak ako sa dibdib ko.. Kairus.. Napailing ako hindi na Kairus ang pangalang iyon kung hindi Kayden na. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Sa totoo lang ay napakalayo ng mismong building dahil may makikita kang dormitoryo sa iba't ibang direksyon at mga garden. Panigurado ko ay walang estudyante ng MA (Mystique Academy) ang naglalakad rito dahil kinakailangan mo talagang gumamit ng kapangyarihan mo para makalipad o kung ano man sa sobrang lawak ng lugar.
Dahil ang Mystique Academy ay ang pinakamalaking paaralan sa buong Altherianavi dahil ang mga kaharian ay nasa ibaba at nakabukod ang paaralan kasama ang mga dorms. Kung ihahantulad ko ang Mystique Academy ay tila isa itong island ngunit ito'y nakalutang. Ito'y dahil sa pamamagitan ng pinagsama-samang kapangyarihan mula sa iba't ibang kaharian. Kung kaya't ang paaralang Mystique Academy ay talagang espesyal sa mundo ng Altherianavi.
Tumambad ang isang napakalaking fountain na gawa sa rin sa ginto at crystal. At kakaiba ang tubig na umaagos rito. . Kumikinang ito sa kalinisan kaya di ko nanaman napigilang mapahanga nanaman. Napalingon ako sa isang estatwa ng diwata ng paaralang ito. Marami rin akong narinig tungkol sa estatwang nagsisimbolo sa paaralang ito. . kaya ako'y lumapit at nagbigay galang sa estatwa.
"Ako'y nagbalik mahal na Diwata Agatha." sabay lumuhod sa harap nito at nag alay ako ng isang dasal bago pumunta sa assigned dorm ko
Nakakapagtaka kung bakit ako inilagay sa isang mababang uri ng dorminatoryo. Dahil sa pagkakaalam ko dapat ay nasa West dorm ako kung saan ang mga nilalang ay hindi pa natutuklasan ang kapangyarihan.. Room 501 napabuntong hininga ako sobrang layo pala. Nang makarating, kumatok ako ng tatlong beses at agad akong napagbuksan ng pinto
"Hello. Ikaw pala ang magiging Room Mate ko.. Ako nga pala si Kiev Pierre Isagani isa akong Rank 45 Healer Type." sabi niya tinulungan niya ako sa bitbitin at pumasok sa kwarto. simple lang ang kwarto at sakto lang para saming dalawa
"Maraming salamat ginoo.. Ako nga pala si Danielle Zyther lubos kong ikinagagalak na makilala ka, kaibigan." At nginitian ko naman siya halos manosebleed na ako sa sariling wika kong napakalalim. Wala eh di ko mapigilan masyadong maging pormal nasanay sa palalimang tagalog kami nila Mama sa mundo ng mga tao
"Masyado ka atang magalang. Ako nga pala ay 20 taong gulang na ikaw?" Tanong niya sa akin habang nakangiti rin di ba siya nangangalay kakangiti? Kasi ako ngalay na ngalay na.
"Kung ganoon pala ay pwede ba kitang tawaging Kuya Kiev? 18 taong gulang lamang po ako," masayang sabi ko naman. Pshh. Fake. Di naman talaga ako hyper eh. Well, why not try to get along with him? He looks nice after all. Odiba napaenglish ang lolo niyo.

BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasiAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...