#28

8K 221 25
                                        

3RD PERSON POV

Umaga palang ay handa na sila Sui sa matagalang pag lalakbay paano ba naman sa lahat lahat pa ng pupuntahan ay dulo pa ng mundong Altherianavi. Maiiwan sila Riley at Justin upang bantayan ang bawat galaw ng mga kalaban kasama na rin sa pagbabantay ang kanilang paaralan. Agad nagbigay paalam sila Sui at Ian sa kanilang mga kaibigan habang si Kayden naman eh nakikipag titigan pa kay Allison kung magpapaalam ba siya o hindi

"Sige, bye." sabi naman ni Allison sa totoo niyan ay nag tatampo siya kay Kayden sa inasta niya nung gabi. Kumunot noo naman si Kayden hindi niya inaasahan na ganun lang sasabihin ni Allison... HE WAS EXPECTING MORE. Like smiling sweetly at him and tell him 'Take care!'

Ngunit palihim na umiling si Kayden kung ang ano nanaman ang naiisip niya hindi naman siya ganun at tiyaka kaibigan lang naman ang turing ni Kayden kay Allison

Kaibigan lang din naman ang turing ni Allison sa kanya? Hindi ba? Hindi naman umaamin ang dalaga sa kanya kaya hindi niya nalang binibigyang pansin ito at kung maari ngang iniibig nga siya ng dalaga ay baka pag isipan niya na kung ano talaga ang nararamdaman niya.

"I won't say goodbye but see you later babalik pa ako Allison ayaw mo na ba akong makita pang muli?" Tanong ni Kayden

Pinamulahan siya ng mukha ni Allison hindi alam ng dalaga kung anong magandang isasagot sa binata bago pa siya makapag salita ay hinatak na ito nila Sui. Hindi alam ni Allison ang lungkot na nararamdaman niya tila gusto niyang akapin si Kayden at sabihin na huwag ng tumuloy dahil labis itong nag aalala sa kanya

"Bakit ba kasi ang pride ko eh!!! Yan tuloy di mo na naakap!" sisi ni Allison sa kanyang sarili

Nakasakay na sila Kayden sa kani kanilang elemental spirits at nasa ere na habang hindi nila alam ay may taimtim nananonood sa kanila sa kanilang pag alis

****

"Oh? Aking mahal na kapatid napasunod ka ata? Natatakot ka bang mapasaakin si Kayden?" Nakangising sabi ni Kassandra

Malamig na tumingin si Luna sa kanyang kambal na kapatid "Hindi, sadyang nag aalala lang ako sa gagawin mong kapalpakan. At gusto ko lang naman makita kung ginagawa mo ba ng maayos ang iyong trabaho." Nakangising sabi nito

Napayukom ng palad si Kassandra palagi nalang ito ang palpak sa pamilya akala niya nuon ay napakabait ng kambal niya ngunit ng matapos ang pangalawang digmaan ilang libong taon ang makalipas ay binalot na ang puso nito sa kadiliman

"Nag ensayo ka lang kung papaano maging lakas pero tandaan mo kapatid alam ko ang sikretong matagal mo nang kinikimkim diyan sa loob mo! MAHAL MO PA RIN SI KAYDEN HINDI BA? Baka nga kaya ka lamang pumunta ay para lamang masilayan ang dati mong sinisinta!" Inis na sabi ni Kassandra sa kanyang kapatid

Oo, aminado si Luna na mahal niya pa si Kayden nahirapan itong iwanan siya nuon dahil ang nasa isip niya ay masyado pa silang bata upang magseryoso.. at isa na rin ang nilason ng kanilang magulang ang utak nila

"Huwag mo akong sigawan Kassandra! Gusto ko lang na matuloy ang plano! Isipin mo nalang kung tayong mga taga Dark Kingdom ang mag mamay ari ng mundo! Na dapat ay atin naman talaga!"

"Pero ano Luna?! Aanhin natin ang buong mundo? Kung alam naman nating hindi tayo magiging tunay na masaya! Pinaiikot lang tayo ni Ina!!! Kung talagang malalakas tayong mga Darks laban sa mga Lights ay bakit hindi nalamang sila mismo ang gumawa? Bakit ang mga inosenteng darks ay nadadamay pa sa kaguluhan na ito?! Nakakasawa na rin kung minsan Luna!! Hindi naman ganito nuon bakit ba hindi nalang tayo maging masaya?! Ayoko na ng gulo-" nahinto bigla si Kassandra ng maramdaman niya ang sakit sa pisngi niya

*SLAP!!!*

"WAG NA WAG MONG SASABIHIN YAN KASSANDRA!!!! Mag karuon ka naman ng utang na loob kila ama at ina!!! WAG MO NA RING SUBUKANG PAG TAKSILAN ANG ATING ANGKAN DAHIL AKO NA MISMO ANG NAGSASABI SAYO INILALAGLAG KA LANG NG KUNG SINONG NAGLALASON NG UTAK MO!!!" Galit na sabi ni Luna at umalis gamit ang dark power naglaho ito matapos palibutan ng itim na usok

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon