#40

4.1K 132 34
                                    

3RD PERSON POV

      

         Patuloy ang paghahanap ng mga inatasan ni Headmaster kay Kayden. Nakabalik na rin sila Shiori sa Mystique may ibang mga estudyante ang sinisisi pa sila sa pagkawala ng kanilang prinsipe. Sobrang lungkot ang nararamdaman ni Shiori sinisisi niya ang kanyang sarili nandun na nga siya pero wala pa siyang nagawa

Ilang araw ring malalim ang iniisip ni Shiori ilang araw na hindi makausap ng matino, at ilang araw na siyang walang maayos na tulog

"Tama na yan Shiori parang awa mo na. Ang laki laki na ng eyebags mo magpahinga ka na muna!" saway ni Caleigh sobrang nagaalala ito para sa kaibigan

"Hahanapin ko pa si Kayden..." pilit ni Shiori

Hinawakan ni Caleigh sa magkabilaang braso si Shiori at tumingin ng diretsuhan kay Shiori "Alam kong sinisisi mo ang sarili mo pero lahat tayo ang may kasalanan hindi natin binantayan si Kayden wala rin naman tayong alam na pupuntiryahin ng Darks ang prinsipe. Isipin mo muna ang sarili mo Shiori magpakatatag ka parang awa mo na. Paano natin maililigtas si Kayden kung gaganyan ganyan ka? Kailangan natin mag palakas! Nakalimutan mo na ba ang sinabi sayo ni Kayden? Lahat ng itinuro niya ha?" tila binuhusan ng malaming tubig si Shiori

Tama si Caleigh. Wala silang alam na ganun ang plano ng mga Darks sila Riley lang ang nakakaalam nuon ang kaso ay nawala sa isip nila na si Kayden ang target ng mga Darks sa sobrang bigat ng nararamdaman niya nakalimutan niya na kumalma. Paano nga naman niya maililigtas mula sa hawak ng Darks ang prinsipe kung siya mismo ay mahina?

Kumalma si Shiori at nakuha nang ngumiti "Salamat, Caleigh gagawin ko yun patawarin mo ako ang dami kong iniisip na negatibo umabot sa puntong nakalimutan ko ang payo ni Kayden gagawin ko ang sasabihin mo pasensya na." inakap ni Shiori si Caleigh napangiti naman ang kaibigan

"Mabuti naman lahat kami ay nag aalala sayo paano nalang kung nandito si Kayden at nakikita niyang nagkakaganyan ka? Dradramahan ka nun panigurado. At bibigyan ng mas malupet na mga katagang magpapagising sayo alam mo naman yun ang talas ng dila kung magsalita straight to the point."

Ginawa nga ni Shiori ang lahat pagkatapos niyang mag ensayo mula umaga hanggang hapon kahit pagod ay tumutulong siya kila Headmaster upang itrack kung saan ang maaring maging hideout ng mga darks

Sa ngayon ito lang ang kaya nyang gawin para kay Kayden... hindi siya pwedeng mag padalos dalos. Kahit gustong gusto niyang sumugod sa mga lungga ng mga Darks ay hindi niya pwedeng gawin iyon. Hindi niya alam ang mangyayari sakaling mapasugod siya sa Dark Kingdom

Panigurado ding gagawin siyang bihag ng mga ito at hindi niya pwedeng hayaang maging isa pa siya sa mga prinoproblema ng mga Lights

Pumunta muna si Shiori sa library kailangan niyang mag research tungkol sa mga Darks. Alam niyang may librong maaring makatulong sa kanya...

Habang si Shiori ay nasa library sila Riley naman ay abalang nakikipag ugnayan sa Headmaster tungkol ito sa plano.

"Unang gagawin natin ay hanapin si Kayden. Hindi tayo pwedeng lumaban ng wala si Kayden. Ano kayang balak ng Darks sa kanya? Alam kong malakas si Kayden ngunit bakit wala pa rin itong bakas man lang na ayos lang siya?" Seryosong sambit ni Headmaster

"Paniguradong nasa kailaliman ng Altherianavi nila itinago si Kayden. Kung saan itinapon ang mga Darks.. sa ibang dimensional.." Seryosong sabi ni Prince

"Pero hindi tayo makakapasok dun... Hindi tayo papayagan... At nakalimutan niyo na ba? Tanging may bahid ng kasamaan lang ang maaring pumasok dun... Maari tayong mawala o kung ano pa man." Sabat ni Justin

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon