RAINIER
Nagkagulo ang lahat ng biglang himatayin si Danielle. Hindi kaya siya na talaga yon? Siya kaya ang nawawalang Elemental Guardian? Siya din ba si Kayden ang nawawalang bunsong kapatid namin ni Knight? Kinabahan ako. Agad naman ng iba dinala si Danielle sa clinic sumunod yung dalawang Elemental Spirits niya.. Nakalagay sa libro na ang tanging makakapag summon ng apat na malalakas na Elemental spirits ay ang itinakdang elemental guardian.
Pero napakaimposible... Una, babae siya. Pangalawa, dalawang elemental sprits lang ang naisummon niya. Malakas ang kutob kong parang may mali.. Naguguluhan ako usually ay tama ang kutob ko pero sa ngayon? Gulong gulo ako.
"Kuya, hindi ba talaga siya si Kayden?" Tanong ni Prince
"Hindi ko alam. Hindi pa natin yan masasagot yan kung wala tayong sapat na ebidensya."
DANIELLE
'Master. Gumising ka..'
Nakarinig ako ng boses anghel na ba yun? Susunduin na ba ako ni Lord? Pero sa pagkakaalam ko ay hindi pa tapos ang misyon ko sa mundong ito at imposibleng makapasok rin ako sa langit sa sobrang sama ba naman ng ugali ko kapag nasa totoong anyo na ako syempre wala nang plastikan prangkahan na! Dahan dahan akong dumilat at napakunot noo ako sino itong dalawang ito?
Yung isa lalaking may salamin na naka suit na kulay itim may mapupulang mata at mas matanda ang itsura sa akin mga nasa edad na 20 siya siguro. Yung isa naman eh batang babae na may blue eyes na parang yelo...wat the pak?
"*Giggle* Hi po. Master ako po ang Elemental Spirit niyong Ice Wolf." sabi ng bata at ngumiti na shock ako bakit nasa taong form sila? Nag adjust glasses naman yung lalaki so siya yung Fire Cat ko!?
"Buti naman at nagising ka na mahal na Elemental Guardian. Ako ang elemental spirit niyong Fire Cat." sabi niya at tipid na ngumiti so tama nga ang hula ko
"Ah.. wala ba kayong pangalan?" Tanong ko umiling sila
Wala nga palang pangalan ang mga ito.
"Bibigyan ko kayo ng pangalan." sabi ko naman
Pero teka nasaan ba ako!? Napalingon ako sa paligid napansin nung lalaking may salamin na elemental spirit ko na nagtataka ako kaya sinagot niya agad ang katanungan sa isip ko. Nakalimutan ko maging kung anong nasa isip ko ay nababasa nila pati ang nararamdaman ko. Lahat ay konektado sa kanila.
"Nasa kwarto tayo ng headmaster. Matapos kayong tignan ng doktor sa clinic ay ipinadito muna po kayo pansamantala ni headmaster." sagot niya
Napatango ako nahimatay pala ako kanina. Napahawak ako sa ulo ko medyo masakit pa rin. Tumama ba yung mukha ko sa lupa? Wag naman sana... Sayang ang kagwapuhan ko eh.
"Masteer, ano na pong pangalan ko?!" Tanong nung batang cute na babae. Nag isip naman ako tutal may kamukha siya sa anime. Halatang excited na excited naman ito.
"Hmm, Ice wolf... ah! Alam ko na! Est nalang tutal cute ka." sagot ko
"Est... Cute ng pangalan ko yehey!" Sabay nag tatalon talon napangiti naman ako sa inasta niya
"Eh ako master anong pangalan ko?" tanong naman ng isa habang turo-turo ang sarili niya nakanguso pa ito ng bahagya tila nagpapacute din saakin.
"Kamito, para mas masaya." sabi ko naman
Parang Blade Dance of the Elementalers lang sayang nga lang kulay black ang buhok niya.
"Kamito?"
Tumango naman ako "God ibig sabihin saamin non." sagot ko natuwa rin siya.
'Master ganyanan ba tayo? Mas matagal ako sayo pero di mo pa rin ako binibigyan ng pangalan.' Pag tatampo ng elemental spirit ko. Meron nanaman nag salita mukhang yun yung Air Spirit kong babae.
![](https://img.wattpad.com/cover/24507897-288-k7671.jpg)
BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasyAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...