#37

4.1K 133 28
                                        


      Bigla bigla nalang inakap nung misteryosong lalaki si Allison halos lahat nagulat sila except kay Kayden na biglang nanahimik sa isang sulok pinagmamasdan niya ng matalim kung sino yung naglakas loob na lalaking yun para akapin si Allison.

"Namiss kita Shiori." Binulong ito ng lalaki ngunit rinig na rinig ni Kayden ang sinabi nito napayukom siya ng kamao. Namiss? Eh sino ba siya para akapin ang partner niya?

"Namiss din kita....Shotarou."

And that's it biglang hinatak ni Kayden si Allison wala siyang pake kung sino yung Shotarou na yun at sinira na niya yung moment nila.

"Sino ka ha?" Malamig na tanong ni Kayden

Napangisi yung lalaki "Makakalimutin kayong lahat hindi pa ito ang tamang oras para magpakilala ako ng maayos ngunit tawagin niyo nalang akong Shotarou at ito namang kasama ko ay si Mian. Kami ang bantay mula sa malayo para protektahan ang prinsesa Shiori namin."

"Kayden!!!" asar na sabi ni Allison

Tinignan ni Kayden ng malamig si Allison "Gusto lang kita ilayo eh sa hindi naman natin kilala yang lalaking yan!" napangiti ng palihim ang lalaking nag ngangalang Shotarou di niya malaman kung anong klaseng Kayden ang nasa harapan niya ngayon

Bigla namang namula si Allison ayaw nyang magisip ng iba ngunit di niya malaman kung ano ba talagang tingin na sa kanya ni Kayden ngayon " A-Ano ba! Kilala ko siya!! Magtiwala kayo sa akin kilala ko sila!" sagot ni Allison

"Eh bakit may pamiss miss pa?!" Nagulat naman silang lahat sa biglang pagsigaw ni Kayden

"Woi pre nag hahallucinate ka ba o ano? Wala namang sinabing ganun si Allison ah?" Nagtatakang sabi ni Riley

"Tch! Baka nakakalimutan niyo malakas ang PANDINIG ko?!" Tila nag ala dragon na si Kayden ewan. Basta ang alam ni Kayden kumukulo ng sobra ang dugo niya. Parang kanina lang cool and calm lang siya pero ngayon... Hindi niya na malaman kung bakit siya umaasta ng ganyan.

Sa sobrang inis ni Kayden nag walk out ito bigla. "Magsitulog na kayo!!" Gigil na sabi ni Kayden hindi niya na nilingon pa ang mga ito. Pumunta si Kayden sa pinakapaborito niyang lugar sa mansyon.

At ito ang rooftop nila. Tahimik. At matatanaw mo ang napakalaking bwan. Umupo siya sa isa sa mga bench.

Tinanaw niya ang langit. Agad nyang namiss ang Altherianavi. Pumikit siya ng mariin. Kailangan pa rin bang magkagulo? Hindi niya na talaga malaman kung bakit bigla nalang. Gusto niyang tahimik nalang ang lahat.

Kung pwede lang na magkaisa na ulit ang lahat ng mga kaharian. Itatayo niyang muli ang pitong kaharian. Kabilang na rito ang mga Darks. Kung hihingi lang ito ng tawad baka maayos pa niya ito.

Sa totoo lang hindi pa huli ang lahat para sa mga Darks. Alam naman niyang mapapatawad ito ng mga Lights pero nakikita niyang marami pa ring may galit sa mga Darks. Halos buong Altherians ay galit na galit sa mga Darks.

"Mahal na prinsipe?" Napalingon siya ito yung babaeng kasama nung Shotarou

"Anong kailangan mo at paano mo ako natunton rito?" Agad niyang tanong ayaw niyang magpaligoy ligoy pa natawa ang babae rito

"Pasensya na mahal na prinsipe ngunit ako'y pinasunod sa inyo ni Shotar--" alam na agad ni Kayden ang sasabihin nito kumulo lang ang dugo niya.

"Pwes umalis ka na sa harapan ko. Apology accepted." Tila labas sa ilong na sabi nito. Napanguso ang babae.

"Pasensya na po talaga.. Hayaan niyo akong magpakilala maari po ba?" Tumango nalang si Kayden nakalimutan niya na babae pa rin ang kaharap niya..

"Ako nga po pala si Reijoa.."

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon