#06

16.6K 460 10
                                    

DANIELLE

Bakit kaya ako gustong makausap ni Headmaster?

Anyway, nag paalam muna ako sa kanila at alam ko namang hindi nila ako iintindihin dahil nanduon naman si Kuya Kiev na gwapo at sa mga panahon ngayon ay baka ginagahasa na nila si Kuya Kiev. Joke.

About sa powers ko kaya? I've been officially Ranked into 4 which is the highest of them all. Sa pagkakaalam ko ay Rank 6 si Riley at 8 naman si Justin then Rank 5 si Ian at Rank 7 naman si Sui

Nang makarating nasa tapat na ako ng pintuan ng Office ng HeadMaster.. Kumatok ako ng tatlong beses bago makarinig ng 'Come in'. So ayun pumasok ako. Nakangiti si Headmaster at iyon nga.

"Danielle!" masayang bati niya

"Gusto niyo daw po akong makausap?" tanong ko naman hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Inihanda ko naman ang sarili ko kung sakaling ano mang sasabihin niya. Sinubukan kong basahin kung anong nasa isip niya ngunit napa 'tsk' nalang ako sa aking isipan ng malaman kong hindi ko kayang basahin kung anong nasa isipan niya. Tila may kapangyarihan itong iblock ang mga may special abilities like mind reading..

"Yes, about sa Rank ng kapangyarihan mo... well you have to move over to the special dorm for powerful element handlers just like you." sabi niya naman

Wait, what!?

Hindi iyon ang tulad ng inaasahan ko. Akala ko ay iinterviewhin, gigisahin niya ako ng mga katanungan. Mukhang wala naman siyang hinihinala sa kapangyarihan ko. Ganoon nga siguro. He looks smart but dumb as I thought.

"As in lilipat po?" di makapaniwalang tanong ko bakit ngayon pa?! Kung kailan close na kami ni Kuya Kiev at komportable na ako sa dorm na kinatutuluyan ko?

"Yes, ang makakasama mo sa iisang place ay sila Riley at ang tatlo pang prinsipe." sabi niya. Pagkarinig ko palang sa pangalan ng parang manok na iyon dahil sa pulang kulay na buhok niya ay napa 'Pwe!' nalang ako sa isip isip ko. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking yon. The feeling is mutual alam kong kumukulo rin ang dugo niya sakin.

"Pag iisipan ko muna po."

"Okay kung ayaw mo naman ayos lang."

Napasimangot ako kailangan kong makausap si Kuya Kiev. Pumunta na ako sa kwarto namin naabutan ko siyang nakadapa sa kama at nagbabasa ng libro. Napansin naman niya ako kaya tumingin siya sa akin

"Welcome back Danielle."

"I'm back."

Nang kumain na kami ito na ang right timing para sabihin ang dapat sabihin. O diba naghahanap rin naman ako ng magandang timing ano. Di naman ako napakawalang puso para ganto 'Oy lilipat na ako sa special dorm bahala ka na sa buhay mo matanda ka na.' Pero pwede rin naman kaso wag na di naman na iba sakin si Kuya Kiev at wala namang ginagawang masama sakin yung tao para sungitan ko.

"Kuya Kiev may sasabihin ako I want your opinion."

"Hmm? Ano yun?"

"Well, about sa pinagusapan namin ni Headmaster pinapalipat na kasi niya na ako ng room at makakaroom mate ko ung apat na prinsipe. Since nalaman na yung Rank ko.. Pwede namang tumanggi ako... dahil papaano ka nalang?"

Nahinto siya naramdaman kong nalulungkot siya. Sucks right? Yung nababasa mo yung damdamin at isip ng iba. Mas masaya pa ring ignorante ka atleast hindi rin sasama ang loob mo once na malaman mo ang nararamdaman ng mga taong nakapalibot sayo.

"Ganun ba?! Wow. Sige tangapin mo na! Swerte mo kaya! A-Ayos lang ako pa! Tiyaka dyan lang naman sa Special dorm magkikita pa rin naman tayo." Pilit na ngumiti naman si Kuya Kiev. Napailing nalang ako.

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon