#39

2.9K 93 7
                                    

3RD PERSON POV

Ang saya saya ni Shiori dahil kasama niya si Kayden sa training magdamag kahit ilang beses itong natatalo ramdam naman nya ang pagbabago sa kanya mas lumakas siya hindi tulad ng dati. Mas kontrolado niya na ang kapangyarihan niya.. Itinuro lahat ni Kayden ang nalalaman niya..

"Sige magpahinga na muna tayo Shiori.." Nakangiting sabi ni Kayden na tuwang tuwa kay Shiori. Hindi niya akalain na talagang determinado matuto si Shiori, akala niya ay tulad lang ito ng ibang babae. Sobrang strict ng training ni Kayden pero ni isang beses ay hindi nakita ni Kayden sa mga mata ni Shiori ang pagkadismaya. Nung una ay nahihirapan si Shiori lalo na sa pagkontrol ng kaniyang kapangyarihan.

Tumango si Shiori "Akala ko wala ka nang balak pagpahingahin ako eh." Biro ng dalaga tumawa naman si Kayden at ginulo ang buhok ni Shiori dahilan para ngumuso ang dalaga.

"Wag kang magpacute oy. Para kang bibe." Husga ni Kayden. Cute na bibe. Sa isip isip ni Kayden muli.

"Ang sama neto.." Sabay irap ni Shiori ramdam niya mas naging close na lalo sila ni Kayden, pakiramdam ni Shiori nuon ay kahit na magkaclose sila bilang si Allison at Danielle ay hindi pa rin sila totoong magkalapit ang loob sa isa't-isa lalo na ay parehas pa silang may itinatagong sikreto noon.

"Sama ka dyan? Sa pogi kong to?" At nagpogi pose pa ang loko binatukan ni Shiori si Kayden.

"Kapal oy! D-Di ka pogi." Sabay iwas tingin ni Shiori tumawa nanaman si Kayden. Mabuti nalang at hindi ito bugnutin ngayon

"Sana ganito nalang ano? Parang walang iniisip. Laro laro lang at magtatawanan nalang tayo syempre kasama dapat ang buong tropa... Nakakaistress rin maging isang poging prinsipe kung pwede lang ibalik ko ang nakaraan kung saan nakalimutan ko ang lahat. Normal akong tao, masaya sa mundo mag aaral lang at magpapasaway." Humiga si Kayden nasa grassfield sila. Tumitig si Kayden sa langit ginawa rin ni Shiori yun humiga siya sa tabi ni Kayden at parehas silang tumitig sa kawalan.

"Pero mangyayari rin yun.. Kapag wala na ang darks. Akala mo di rin ako naiistress? Nararamdaman ko ring problemado ka. Parang palaging may iniisip ayoko lang itanong kung ano yun dahil paniguradong sasabihin mo saking wala lang yon. Pwede bang... wag na tayong magsisikreto sa isa't isa?" Naglakas loob na sabi ni Shiori at tumingin kay Kayden. Paunti unti palang niyang nakikita ang totoong Kayden.

Tumingin din si Kayden sa kanya kumabog ang dibdib niya... Hindi ba sa mga ganitong oras pwede nyang sabihin na ang nararamdaman niya? Nandito na siya sa stage na close na sila eh.

Ngumiti si Kayden "Pasensya na pero mas gugustuhin ko pa ring isarili na muna ang mga iniisip ko... Wag ka sanang malungkot ayoko lang madamay ka pa sa kadramahan ko. Di mo kakayanin." Napasimangot naman si Shiori

Nadismaya siya hindi pa rin niya kayang buksan ang puso ni Kayden. Ibinaling nalang ni Shiori sa langit ang tingin. Wala siyang magagawa kung ayaw mag open up sa kanya ang binata. Isa lang ang hiniling niya... Sana nga huminto muna ang oras. Gusto niya pang makasama si Kayden kahit ganito lang..

"Minsan ba naisipan mong mag breakdown nalang para mabawasan yung lungkot na nararamdaman mo?" Tanong ni Shiori

"Minsan? Ewan. Malaki ang responsibilidad ko Shiori. Hindi ako yung tipong taong tatakasan ang responsibilidad na iyon. Kailangan kong gampanan kung ano ang nakatadhana sa akin. Nakadepende ang lahat ng bagay sa bawat kilos mo at desisyon mo. Kung susuko ka sa problemang yon panghabangbuhay mong magiging problema yon. Kung aayusin mo ng mas maaga mas mabilis matatapos ang problema mo. Kaso kapag tapos na ang problema mo may panibagong problema nanaman ang darating, you need to face it again and again.. Hanggang maging successful na at wala ka nang proproblemahin. That's life pero sa totoo lang natatakot ako..." amin ni Kayden

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon