SHIORI POVHabang naghahanap ng pwesto papalayo kay Kayden nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.. Yung determinadong manalo. Hawak hawak ko ang aking elemental maffle ang combat swords ko na si Reiko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ni Kayden at biglaan nalang nag ayang mag sanay kami hindi pa man din ako nakakapag exercise pero wala na akong pake dun as long as alam ko namang may magandang idudulot ang larong ito
Umakyat ako ng puno ginamit ko ang sense ko at pumikit. Ilang meters ang layo niya sa akin so paano kami magtatagpuan neto? Nahinto ako bawal ba to sa rules? Wait. Kalma Shiori. Sinabi ni Kayden na ayos lang na gumamit ng isa sa mga special abilities..
Baka nga nandadaya lang rin si Kayden eh. "Paano na master?" Rinig kong sabi ni Mindy we are talking in my mind napaisip ako
"Let's see..."
3RD PERSON POV
Napangisi si Kayden habang hawak hawak ang kanyang elemental maffle medyo malayo layo siya kay Shiori ngayon ay naghihintay siya kung anong gagawin ni Shiori bilang pag atake ineexpect agad ni Kayden na aatake ito mula harap dahil kilala niya si Shiori laro lang naman ito at alam niyang lalaban ang dalaga ng PATAS.
Umupo siya at hinintay nalang ang first move ni Shiori sa totoo lang ay di niya seseryosohin ang larong ito dahil may kakaiba syang nararamdaman... Isang presensya mula sa malayo at alam niyang pinagmamasdan sila.
Maya maya ay biglang naramdaman niyang...
"Oh sht!!!" napamura si Kayden ng biglang umatake si Shiori mula sa taas buti nalang ay agad niyang naramdaman pero nakakabigla ang mabilis na pag atake ni Shiori nakikita niya sa mga mata ng dalaga na desidido talaga itong manalo
Umatakeng muli si Shiori kakaiba ang nararamdaman niya ngayon... ngayon lang siya naging desidido. May gusto itong patunayan kay Kayden.
"Humanda ka Kayden!!!" head on ang labanan iwas lang ng iwas si Kayden sa ngayon ay ayaw niya munang atakihin ang dalaga. May gusto din siyang makumpirma..
Sa bawat atake ni Shiori pabigat ng pabigat ang atake nito halatang buong lakas ang ginagamit. Nagtataka si Shiori kung bakit hindi umaatake si Kayden..
"YAH!!!! Lumaban ka!" gigil na saad ni Shiori mas gugustuhin niyang manalo ng lumalaban si Kayden
Tinignan siya ni Kayden ng malalim parang may ipinaparating... pero di niya pinansin yun sapagkat baka nililinlang lamang siya maloko pa naman ang binata.
"Ako naman ang aatake." nakangising sabi ni Kayden. Sinasabi na nga ba... isip isip ni Shiori mukhang gusto lamang neto na pagurin siya at itake advantage para manalo siya
Mas mabilis ang naging atake ni Kayden napa tsk si Shiori nakalimutan niyang mas magaling si Kayden kapag heads on ang labanan. Lalo na at combat swords pa ang gamit nila. Sinubukang iblock ni Shiori ang atake ni Kayden ngunit sadyang malakas si Kayden kaya nabitawan niya ang combat swords niya tumalsik ito sa di kalayuan at agad tinutukan ni Kayden ang leeg ni Shiori.
Napakagat labi si Shiori bigla siyang natakot bukod sa nakatutok ang matalim na elemental maffle ni Kayden dagdag pa ang malalamig na tingin neto sa kanya tila ibang tao ang kanyang kaharap pero agad ngumiti si kayden
"Talo ka." natatawang sabi ni Kayden at umayos na
"A-Alam ko.." mahinang sabi ni Shiori bakas pa rin ang pagkaputla ng dalaga sa takot ikaw ba naman tutukan sa leeg akala mo tutuluyan ka na ng demonyong kaharap mo? Demonyong... pogi.
Pagkatapos ng labanan ay nagpahinga muna sila Kayden. Nagtaka si Kayden kung bakit bigla siyang inantok kaya pinaalis niya muna si Shiori nanatili namang nasa tabi neto ang kanyang mga Elemental Spirits pero may nangyari nang makatulog si Kayden ay nasealed ang elemental spirits neto sa kanya pansamantala...
Nang makatulog si Kayden ay binalot ito ng maitim na usok...
Napangisi ang di kilalang nilalang mula sa malayo tamang tama. Magagamit niya na ang kapangyarihan para gamitin ito sa pinakamamahal na prinsipe ng Altheria.
Biglang nanaginip si Kayden...
Tila nasa magandang lugar ito at nag iisa napakapamilyar ng lahat para sa kanya... at naalala niya oo nga pala.. ito ang unang tagpuan namin ng babaeng minahal ko nuon. Si LUNA.
"Kayden..." napalingon si Kayden sakit at kirot ang kanyang naramdaman ng lumingon siya sana pala ay di na siya lumingon pa. Nakita niya ang maamong mukha ng babae. Itim na itim ang mata neto at kumikislap sa saya habang tinitignan siya neto.
"Anong kailangan mo Luna?" malamig na tanong ni Kayden
"Mahal pa rin kita..." malambing na sabi nito napangiwi si Kayden napakasinungaling ng babaeng ito!
"Mahal?" mapait na tanong niya hinding hindi na siya maniniwala sa katagang yon. Lalo na mula sa manlolokong tulad niya. Hinding hindi na.
"Alam ko ring mahal mo pa rin ako... nararamdaman ko.. kung pwede lang nating ibalik ang nakaraan.. ah! hindi ba gustong gusto mo maging hari? Pakasalan mo ako Kayden... at mamumuno tayo sa buong Altherianavi. Hindi lang sa altherianavi maging sa ibang mundo pa." hindi nagustuhan ni Kayden ang pag ngiti ni Luna sa kanya
"Papakasalan? Nagpapatawa ka talaga Luna! Sa sobrang korni ng joke mo nakalimutan ko nang tumawa. Pasensya na ngunit hinding hindi mo na maibabalik ang nakaraan." napangisi si Luna at tumawa na akala mo takas sa mental
"Kung hindi mo gagawin yan..." parang sa pelikula biglang nag fastforward ang mga nangyari biglang nakita nalang ni Kayden ay hawak hawak ni Luna si Shiori at halos nakadikit ang kutsilyong hawak hawak neto sa leeg ni Shiori namumutla ito sa takot
"Shiori!! Luna ibaba mo yan!!!" galit na galit na sabi ni Kayden
"*evil laugh* Ang gwapo gwapo mo talaga lalo na kapag galit na galit tama yan Kayden... patindihin mo pa ang iyong galit sa akin. Sa paraang yan mas mapapadali kitang angkinin magiging akin ka ulit Kayden tandaan mo yan.." nakangising sabi ni Luna
Napadilat si Kayden naghahabol hininga. Bigla siyang kinilabutan. Panaginip. Isang masamang panaginip. Napansin niyang nag sealed ang kanyang elemental spirits. Nagtaka siya kusa itong nag sealed? Sinubukan niyang isummon sila Kamito pero walang nangyayari. Nagtaka naman ng lubos si Kayden. Hindi pa to nangyayari kahit kailan..
"Oy pare! Kakain na daw!" biglang sulpot ni Justin
Tumango naman si Kayden pakiramdam niya ang bigat bigat ng katawan niya parang hindi niya maigalaw na ewan. Napansin nila Ian ang pagkawalang mood ni Kayden at pabago bagong ugali.
"Oy bipolar neto oh meron ka ba?" biro ni Ashley
Hindi sumagot si Kayden at ngumiti nalang ng tipid at kumain. Habang abala ang iba nanatiling pinagmasdan ni Ian si Kayden.
Dahil parang may mali. Hindi maganda ang kutob ni Ian dito.
121415
![](https://img.wattpad.com/cover/24507897-288-k7671.jpg)
BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasyAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...