#19

15.5K 373 22
                                        

KAYDEN



       Umaga na a dumaan kami sa ibabaw ng bayan ng Light Kingdom maraming napapatingin sa itaas at naghihiyawan sa tuwa. Nagtataka naman ako kung bakit sila naghihiyawan. Tapos parang mga busy yung mga tao sa ibaba parang magkakaroon dito ng piesta. 

'KYAAAAH! ANDYAN NA SILA!!!'

'Siya na ba yun?! Ang pogi pogi na ng batang iyan!!'

'Nagbalik na ang ELEMENTAL GUARDIAN!!!!'

"Ahhh, Kayden mauuna muna kami maglibot libot ka nga pala muna dito sa village. " sabi naman ni Justin napakunot ang naman ang noo ko. Bakit nagmamadali sila? At bakit nila ako iiwanan?

"Bakit? Gusto ko nang pumunta kaagad dun sa kaharian." naiinip na din talaga ako. 

"Maglibot libot ka nga muna!" desperadong saad naman ni Riley. Pinigilan ko silang taasan ng isang kilay at huminga na lamang ng malalim. Pasalamat sila at kaya ko pang magtimpi (Oo mabilis ako talagang mainip).

"Sige na nga. Dalhin niyo nalang yung mga tulog pa." tukoy ko kay Kamito, Restia at Est

"Master sama ako!" Sabi naman ni Ciel, tanging si Ciel ang walang kapagod pagod, napakaenergetic pa din. Kung sabagay tuloy tuloy ang tulog niya nung nagpahinga kami sa Light Forest. May mga mystical beasts kasi ang nakatira ruon kung kaya't hindi kami lahat ay pwede matulog, baka biglang may mapadaan at atakihin kami.

"Sige, tara na." aya ko naman dito, kinakailangan ko pa rin na may kasama kung sakaling may mangyari man. 

Bumaba na kami sa bayan at nag hood naman ako. Alam ko namang pogi ako pero paminsan ayoko talaga ng atensyon ng madla.

"Master, bumili na tayo ng damit ruon! May nakita akong magagara na damit. Tinitiyak ko na bagay sa iyo yun. Ayun sa shop na yun oh!" Sabay turo sa shop na magagara nga ang damit. Ang harapan kasi ng store na iyon ay may napakalaking transparent glass kung kaya pwedeng pwede ka mag window shopping.  

Sa pagpasok namin sa shop ay binati kami ng mga nagbabantay sa shop na iyon. Tumingin tingin naman kami ni Ciel at sa wakas may nakakuha rin ng atensyon ko. 

"Magkano to miss?" Tanong ko dun sa babae na nag aassist

"Blue gem lang po."

"Sige, isusuot ko na din to."Kulay itim yun at may bahid din ng gold ang mga laylayan nito. Tamang tama ang pagkapormal nito, tila para talaga ito sa mga prinsipe o di naman kaya ay dadalo sa isang event ng palasyo. Agad naman naming binili iyon.

"Yes sir." sagot naman niya at ipinakita kung nasaan ang changing room. Sinuot ko na agad iyon at binilhan ko rin ng damit si Ciel kaso puti naman yung sa kanya pero ibang design lang.

"Nice, one ang pogi ko talaga." sabi ko habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Lumabas na ako ng changing room. Kitang kita ang paglaki ng mata ng mga babaeng nasa loob ng shop. Inayos ko din kasi yung buhok ko. Preskong presko lang ang datingan ;)

"Tara na Ciel. Nabayaran ko naman na." pag aaya ko kay Ciel sinuot niya na din yung bagong damit niya. 

"Woah. Master para kang prinsipe talaga!!!" Sabi ni Ciel na tuwang tuwa napapalakpak pa ito sa galak

"I know." nakangisi kong sabi at inayusan din si Ciel at lumabas na kami ng shop.

Matapos ay inaya ko naman si Ciel na gumala gala at  kumain. Hindi naman kami nabigo dahil hile-hilera ang mga tindahan at talagang nakakatakam talaga ang mga pagkain sa light village. Mabuti nalang at mataas ang rank ko sa MA, kaya marami akong natatanggap na crystal.

Mystique Academy (2014)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon