#20

17.6K 403 23
                                    

IAN

           Nagulat kaming lahat ng biglang natumba si Kayden bago pa mahulog nang tuluyan si Kayden ay nasambot na ito nang Elemental Spirit nitong si... Ciel, sa pagkakatanda ko ay iyon ang pangalan niya

"OMG! Anong nangyari kay Prince Kaydee ko!?" Umiiyak na sabi ni Rowena

Napaisip ako biglaan kanina kasi biglang umiwas si Kayden kay Rowena. Tulad nuon kapag sasalubungin ni Rowena si Kayden ay umiiwas ito.

"Mukhang naalala ng katawan niya pero hindi niya pa gaanong maalala ang mga bagay bagay." sabi naman ni Mico

"Oo nga tas nginisihan pa ako nang loko... edi ba ganun din ang bati niya sa akin!?" Sabi naman ni Ashton

"Tiyaka yung kanina..." napaisip isip din si Hillian

'Weird. First time ko palang naman ma meet itong babaeng to. Pero kinikilabutan ako sa kaniya' isip ni Kayden. Papaano namin nalaman kung ano yung inisip niya kanina? Simple. Dahil sa kaharian nang light kingdom hinding hindi ka makakapagtago nang mga iniisip mo. Dahil inaacess nang kapangyarihan nang kaharian na mabasa ang iniisip nang kahit sino dito. Pero kung napakalakas ng kanyang abilidad na mind blocker maaring hindi mabasa ninuman kung ano ang nasa isip nito. Sa pagkakaalam ko ay may ginagamit na magical device ang kaharian, tanging mga Creator lang ang nakakagawa ng mga magical devices.

"Mukhang mabagal pang prinoproseso nang utak ni Kayden ang lahat." sabi naman ni Knight

Inilagay nila si Kayden sa isang silid kung saan ay naging kwarto na niya noon. Nanduduon ngayon ang hari at reyna at  binabantayan si Kayden. Halatang halata na gusto nito akapin si Kayden, lalo na ang Ina. Nasa mukha nito ang pagkamiss sa binata na ngayon ay walang malay.

"Papaabo kung maalala niya nanaman ulit ang babaeng iyon?" Biglang tanong ni Hillian. Alam naming lahat kung sino ang tinutukoy nito.

Lahat kami ay tila nakaramdam ng galit. Nagkaruon ng kaunting katahimikan bago magsalita ang headmaster, pero wala pala kami sa MA kaya Rainier nalang muna pala.

"Hindi natin hahayaang lumapit muli ang babaeng iyon kay Kayden." galit na sabi ni Rainier

"Sangayon ako dyan." matigas na saad ni Riley

3RD PERSON POV


      Pumunta ang lahat sa muna sa kabilang silid at iniwan ang Hari at Reyna kasama ang walang malay na si Kayden. Taimtim nilang pinagmasdan ang mukha ng kanilang bunsong anak.

"Anong gagawin natin Mahal? Papaano nalang kapag naalala niya ang katrayduran na ginawa nang babaeng iyon sa kaniya? Ayoko nang makita kung gaano kalungkot at magdusa si Kayden." Alam ng Reyna ang mga pangyayari noon bago mawala ng tuluyan si Kayden sa kanila. Hindi na maari maulit ang lahat..

Inakap naman ng Hari ang Reyna. "Kinakailangan nating protektahan ang emosyon ni Kayden. Hindi pa siya ganap na Elemental Guardian. Hindi pa malakas ang loob nito at kinakatakot ko din na mangyari ang masamang badyang na maaring mangyari kay Kayden."

Nagkatinginan ang hari at reyna at tumango sa isa't isa tila ay may pinagkasunduan. Na kapag gumising si Kayden na naalala na ang lahat ay sasabihin na nang hari at reyna ang nakatadhanang gawin ni Kayden

Bilang isang prinsipe ng Light Kingdom at ang katotohanan sa pagiging Elemental Guardian.

Habang binabantayan ng hari at reyna ang walang malay na si Kayden.. ay nananaginip si Kayden at nakikipag usap sa mga diwatang elemental handlers nuon.

"Kayden..." tawag nang Goddess of fire kay sa kaniya. Kilala ito ni Kayden noon pa lamang dahil madalas siyang bisitahin ng mga diwata sa kaniyang panaginip. Kaya hindi na ito nagulat dahil trinato niya na ding pamilya niya ang mga ito, alam ni Kayden na palagi siyang binabantayan ng mga ito at ginagabayan.

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon