"Ano? Ako pa ba gigising dyan? Tsk wag niyo nalang siyang pakelaman! Hayaan niyo siyang malate." Rinig kong sabi ni Highblood"Hay, ako na gigising gamit ang kiss ng isang gwapong nilalang na tulad ko." sabi naman ni Sui ano bang pinagsasasabi ng isang kumag na toh?
Dumilat na ako at nanlaki ang mata ko bigla kong naitulak siya papalayo.
"Shit! Hoy lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko muntik na! Alam niyo kung bakit? Yang Sui na yan akmang hahalikan ako. Yuck!
"Hahahahaha!" tawa lang siya ng tawa sinamaan ko naman siya ng tingin sige tumawa ka kang mamatay ka sana sa kakatawa.
Tss kung pwede lang sabihin na 'Gago ka ba? Hahalikan mo ako? Bro lalaki ako kaya manahimik ka!' Paniguradong hindi yan makakatawa. Tsk.. Umupo na ako lahat sila nakabihis na so pake ko ba?
"Goodmorning Danielle." bati ni Justin
"Morning din." sabay tingin ng masama kay Sui ulit. Walangya eh. Kadiri talaga. Ew. Ew. Ew. Sira agad umaga ko.
Tumayo ako at umunat unat ang sakit ng katawan ko tsk lalo na leeg ko. Mukhang mali ang posture pagtulog ko ah? Kainis. Para tuloy akong nangangalay na may stiff neck na ewan.
"Ayos ka lang?" tanong ni Justin na mukhang nag aalala nginitian ko naman siya para mabawas bawasan ang pag aalala niya buti pa talaga si Justin ubod ng bait eh yung IBA DYAN? Pwe! Hindi naman halatang gustong patamaan yung HIGHBLOOD diyan sa tabi tabi!
"Hindi pero masasanay naman ako eh." sabi ko naman tumayo naman na ako at walang sabi sabi agad akong naligo at fully dressed na ng uniform
'Todays plan? I dunno bahala na.' Hindi na ako kakain tutal hindi ako gutom. Lalabas na sana ako ng kwarto kaso nabigla ako bakit may maids dito? At talagang hinarangan pa ako bago pa ako makatapak palabas ng kwarto.
"Young Miss.. kailangan niyo pong mag almusal bago pumasok." nakangiting sabi ng maid ang creepy ngiti yung tipong 'Subukan mong pumalag at humanda ka sakin' pero.. Woah ang ganda ah at dahil *ehem* gentleman ako di ko na siya tatangihan
Nilead way ako nung magandang maid sa dining table at kung minamalas ka nga naman oh makakatabi ko si High blood. Saktong limang upuan kasi ang nandodoon. Padabog akong umupo sa tabi ni Highblood sino ba ang gustong makatabi yan? Eh wala naman duh!
Riley Ako
Sui [ T. A. B. L. E.]
Ian Justine"Yun oh! May magandang babae ang makakasama natin sa umagahan!" Tuwang tuwa na sabi ni Sui. Tinignan ko siya nang masama kaso no effect inirapan ko nalang siya wala akong mapapala sa retarded na yan
"Baka nga maganda?" Pag re-react ni Highblood bakit anong gusto niya pogi? Kasi siya gwapo ganon?
Pogi - Pressence Of God Inside. Gwapo - Gagong Walang Alam kundi Pumorma mukha namang Orangutan. See the difference? Now you know. Kaya ang pogi pogi ko *grins* diba? Walang aangal umangal may kiss sa lips! Tiyaka na lang kapag nasa real form na ako wag sa katawang babae ko okeh?
'Kaya nga! Pogi ako kesa sayo eh!' Sigaw ko naman sa isip ko sarap talaga supalpalin ni Riley eh alam niyo yun? Pero dahil babae ako at lalaki siya panigurado naman akong gwapong gwapo kayo sa kanya kaya siya ang kakampihan niyo! Maghintay lang talaga kayo sa real form ko papalaglagin ko mga panty niyo. *evil laugh*
"Psh." React ni Ian walang masabi? Pipe lang? Ang gwapong pipe naman niyan. Ngumiti lang nang kaunti si Justine at kumain na nag sawa na siguro sawayin si Riley. Tama yan pagsawaan niyo si Riley! Mwahahaha. Luh grabe ano? Ang sama ng mga pinag iisip ko baka makarma ako.

BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasyAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...