#32

4.6K 162 26
                                    

KAYDEN POV

     Gustong gusto kong matulog wala bang kape dyan at magising naman ako pwede bang pagtimplahan niyo ako? Hindi ko alam kung saan ako pupunta tutal wala naman na dapat akong alalahanin sa pagpunta sa Earth. Dahil may mga gamit naman ako sa mansion nila Ama at Ina (talking about Krutsarth Family) nakakamiss na rin musta na ba ang Earth?

Paniguradong ganun pa rin yun maraming magagandang chix diba? ;)

"Kayden!!!" napalingon naman ako dun si Kiev kasama si Kassandra

"Ikaw nanaman?" Asar na sabi ko tinaasan niya ako ng kilay

"Mawalang galang na Prince Kayden ah pero ngayon palang kita nameet ngayong araw na ito. Welcome back at goodbye para mamaya ulit." Mataray na sabi niya

"Huh? Eh sino ung nakasalubong ko kanina?" Takang tanong ko oo na ako na yung wala sa tamang wisyo ngayon.  Nagkatinginan silang dalawa ni Kiev aba may malansa akong naamoy sa kanilang dalawa ah! May lovelife na rin pala itong si Kiev

Edi sige sila na.

"Baka namamalik mata ka lang." seryosong sabi ni Kiev tumango tango naman si Kassandra

"Ikaw ah.. may pagnanasa ka pala sa akin kaso sad to say kay Kiev lang ako." malanding sabi niya nako mukhang magkaclose na panigurado sila ni Ashley mahaharot eh.

"Kapal." Inirapan lang niya ako nag akapan naman kami ni Kiev

"Kamusta ka na?" tanong ni Kiev

"Para namang nawala ako ng ilang years niyan.." pagbibiro ko tumawa naman siya at binatukan ako ng mahina

"Loko loko ka pa rin hindi ka man lang makapagpahinga sayang di ako makakasama sa Human world.." may halong pagtatampo ang boses nito

"Next time. Isasama kita." nakangiting sabi ko

"Kung may next time pa nga ba kaya gawin mo ang lahat ng magagawa mo prince Kayden. Siguraduhin mong mapapabagsak mo ang dark kingdom at para makatapak rin ako sa mundo ng mga tao mag de-date pa kami ni Kiev." panirang trip ni Kassandra

"Oo, di mo kailangang sabihin dahil alam ko ang dapat kong gawin! Inlove na inlove eh.." sabi ko naman namula naman si Kiev sows! Ganun din pala tong si Kassandra napangiti nalang ako wala akong nasesense na masama sa kanya napalitan na nga talaga ng kabutihan ang puso niya.. Way to go Kiev Zaffir! Nice one. Iba talaga nagagawa sa tao kapag inlove.

After that mahabang kwentuhan ang nangyari then tinawag na ako nila Riley pumunta kami sa likod ng Mystique Academy kung saan parang gubat na oo malaki ang Mystique Academy parang 1/2 ng mundong Altheria ang sakop. Gumawa ng portal si Headmaster..

Hayy... Aalis nanaman ako sa Mystique Academy? Bakit ba sa tuwing nililisan ko ang paaralan na ito ay sobra akong nalulungkot? Siguro attach na attach lang talaga ako sa paaralang ito..

Biglang may humawak sa braso ko napalingon naman ako si Allison pala..

"Tara na Kayden?" Sabi niya sabay ngumiti napangiti naman na rin ako ang cute ng mata niya kapag ngumingiti siya ung tipong sisingkit?

Nag akapan pa kami nila headmaster manly hug ba. At umapak na kami sa portal. Lumiwanag na iyon at biglang nawala kami sa kinaapakan namin.

Para kaming nahuhulog na ewan halos nagtitilian na silang mga babae at kahit sila Riley pala -.-

"KAYDEEEN!!!" Sigaw ni Allison halatang takot na takot

Walang sabi sabi ay hinatak ko siya at inakap

"Close your eyes Allison. I'm here."

Dahan dahan siyang pumikit at umakap na rin sa akin ng mahigpit

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon