DANIELLE
Umaga palang gising na ako. Dahil ngayong araw na ito magaganap ang isa pang pag susulit. Class S versus Class A. O diba ang exciting?! Kasama pa ang elemental spirits kaya mas masaya. Tapos mate-testing ko na kung ano yung weapon form ng elemental spirits ko tapos mas maganda dahil yung tatlong nambu-bully sa akin. Remember yung tatlong girls na nakabunggo ko lang sa cafeteria eh galit na agad? Makakalaban ko yung tatlong yun dahil nasa Class A sila.
"Huy, para kang tanga dyan anong nginingiti ngiti mo!?" Aish panira ng moment talaga din itong si Highblood eh.
"Goodmorning!!" bati ko nalang with matching beautiful smile pa. Pang aasar lalo ke Highblood. Kung babae lang ito ay inirapan na niya ako. Tinalikuran nalang ako ni Highblood.
"Wow, ang ganda mo talaga honey. Goodmorning din." napangiwi ako bigla kasing dumating si Sui eh akala niya naman siya binati ko assumingero talaga kahit kailan eh. Hindi ko naman ito pinansin at lumingon kay Justin.
"Goodmorning sa inyo." nginitian ko naman si Justin at binati. Si Ian naman eh tumango lang saakin. Woshoo, cool niya eh ano? Habang kumakain nakangiti pa rin ako grabe na talaga ang excitement na nararamdaman ko! Feel niyo rin ba?
Napakunot noo naman si Riley. Ano pa bang favorite niyang gawin bukod sa ngumisi? Edi kumunot noo. Maaga siyang tatanda niyan! Belat! Kaya smile lang Danielle para di ka magaya kay Highblood na may highblood.
"Tumigil ka nga na eexcite ka lang abot langit agad ang ngiti mo dyan? Ang panget mong ngumiti kaya kung ako sayo itigil mo na yan." asar na sabi ni Riley
O diba pansin niyo hindi na Highblood ang tawag ko sa kanya sa sobrang excite at saya ko! Pero ah makapagsabi ng panget sa akin wagas pag nakita niya lang talaga ang totoong anyo ko baka mabakla lang siya *smirks*
"O ano namang nginingisi ngisi mo dyan huh!?" Sabi niya
"Ano bang pake mo? Gumaya ka nalang Riley bakit na inggit na inggit ka sa akin?" Natigil naman siya.
"Ano ulit kamo?" Paninigurado niya
"Sabi ko ano bang pake m-" pinutol niya ako
"Hindi yun! May sakit ka ba at mamamatay ka na kaya ang ayos ng tawag mo sa akin ngayon!?" Sigaw niya
"Oh, please. Mr. Riley Arudel I'm not going to die yet. Bakit miss mo ba yung pagtawag ko sayong Mr.Highblood at natataranta ka na dyan?" Pang aasar ko sa kaniya. Hindi talaga kami nawawalan ng oras nag asaran kapag magkasama kami.
"Grabe na to babe! Bakit cold ka sa akin tapos sa kanila ayos lang pakikitungo mo ano bang nagawa ko sayo sweetcheeks?" Napakunot naman ang noo ko. Kadiri talaga tong si Sui e. Di ko maintindihan bakit madami pumapatol dito sa shunga na to. Pero sabagay bukod sa skills and looks niya, prinsipe nga pala itong bugok na to.
"Panira ka ng mood." Sabi ko nalang sa kaniya.
Naluha naman siya ang drama lang ah? Kung lalaki ako ngayon masasabi kong BAKLA siya. Napailing na lamang ako.
Psh..
Anyway, fast forward na para masaya.
"Alam niyo naman siguro ang mga patakaran. Bibigyan lamang kayo ng limit kapag natamaan kayo ng tatlong beses maari kayong matanggal sa loob ng ibang dimensyon na ginawa ng mga guro ninyo. Makakaramdam kayo ng totoong sakit kaya kung maaari lamang ay kontrolin ninyo ang lakas ninyo. Agad din naman namin kayo tatanggalin kapag nakita naming dehado na, at kung nag forfeit kayo." Pagpapaliwanag ni headmaster Rain.
"Class S versus Class A ito. Matira matibay.. Isa lang ang tatanghaling pinakamalakas at magwawagi sa pagsusulit na ito. Goodluck to each one of you. Take care." Sabi ng isa sa aming mga guro na may abilidad na gumawa ng ibang dimensyon. Paniguro ko ay ito ay isa sa mga guro ng Class A.
BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasyAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...