LUNA POV
Napangiti ako hindi ko aakalaing darating ang panahong maiuuwi ko ang aking mahal sa aming palasyo. Oo, tama kayo inatasan ko ang isa sa aking mga alila na dukutin ang prinsipe. Alam namin hindi madali ang pasok sa mansion ng mga wizard na iyon, naghintay kami ng tamang pagkakataon
Napakahimbing ng tulog niya.. ang amo ng mukha niya. Nakahiga ang aking prinsipe sa isang napakagandang higaan at pinalilibutan ng kakaibang mga bulaklak na galing sa aming mundong nasa ilalim.
Konti nalang at gigising na ang prinsipe ko.. Hindi ako makapaghintay sa kanyang pag gising. Ano kaya magiging reaksyon ng mga Lights? Kapag nalaman nila ang aming plano? Oo nais naming ipaalam sa kanila ang plano tutal nasa amin na rin naman ang alas ay wala na rin silang magagawa kahit anong pasabog pa ang binabalak nila.
We will be unstoppable. As long as my prince is with me. Gusto kong makita ang babaeng 'iyon' na mamatay sa inggit at sakit na ipapadanas ko sa kanya. Namin ni Kayden.
Ang babaeng yun na palagi kong nakikitang dikit ng dikit kay Kayden! Nakikita ko sa kanyang mga mata na mahal niya ang prinsipe ko. Pasalamat nalang ako dahil isang dakilang manhid ang prinsipe ko!
Nakakagigil. Wala syang karapatan na dumikit dikit sa pagmamay ari ko. Kampante akong mahal pa rin ako ni Kayden and this time... Paiibigin ko siyang lalo.
"Mahal na prinsesa... Hanggang kailan niyo balak titigan ang prinsipe?" Tanong ng isa kong kasamahan
"Hangga't kelan ko gusto ano bang pake mo? Umalis ka na muna bago pa kita saktan dyan!! Hindi mo ba nakikitang abala ako rito?" Galit na saad ko
Galit ako galit na galit sa lahat ng makikita ko. Pero isa lang ang hindi ko kayang kagalitan... At iyon ang mahal kong mahimbing na natutulog sa aking harapan
Bigla ko nanamang naalala ang babaeng yon. Tsk! Baka siya na muna ang unang dispatsyahin ko. Allison ata ang pangalan non parang katunog ng lason! Balak siguro ng babaeng yon gayumahin ang pagmamay ari ko nakakaasar lang.
"Meyrin. Inaatasan kitang pag aralan ang mga galaw ng babaeng sipsip na yon." At kilala niya na kung sino iyon. Agad itong yumuko at umalis pansamantala upang mag espiya
Wala akong kaibigan sa kaharian. Lahat sila ay mga tauhan kong kung kailan ko gustong utusan ay sinusunod nila agad kung ayaw nilang maparusahan. Isusunod ko nga pala ang taksil kong kapatid.
Balita ko ay kaya ito nagtaksil ay ng dahil sa pagmamahal sa isang healer type na lalaki.. Pipili na nga lang ng mamahalin yung pinakamababa pa at walang silbi
Mabuti nga ay hindi ito nagsasalita tungkol sa aming kaharian. Well, wala naman akong pake kung ibubuking niya kami sa mga Lights. Mas maganda ngang atakihin nila kami...
Sa gayong paraan, ay makukulong din sila sa mundong ilalim na kung nasaan kami. At syempre kapag nasa territoryo namin sila... Walang awa namin silang aalilain at papatayin ng paunti unti sa sakit.
BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
פנטזיהAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...