#18

18.6K 439 24
                                    




"Anooo?! Bakit kasama ako?!" sigaw ko kay Justin

"Pinapasama ka nga ni headmaster sa Light Kingdom!" sabat ni Sui tinignan ko siya ng masama umagang umaga heto na nga ang bungad sakin sasama daw kila Headmaster papuntang Light Kingdom ano bang malay ko ruon!

"Sui de Montaillo baka gusto mong parusahan kita huh?!" pananakot ko sa kanya sigawan ba naman ako?! Baka nakalimutan niyang.. Lider ako ng ng grupo na kinabibilangan niya!

"Sasama ka daw sa amin eh." kamot ulong sabi nalang ni Justin

"Tch, kailan pupunta dun?" tanong ko

"Mamaya na tapos baka bukas na tayo makarating dun." sabi naman ni Ian mamaya agad? Wtf. Ni hindi ko nga alam kung anong mga kailangan dalhin.

"Para saan daw ba??" tanong ko habang nagbabasa ako ng libro tungkol sa mga kaharian . At ngayon medyo maayos ayos na yung pakikitungo ko kila Riley. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit maraming tumatawag sa akin na PRINCE KAYDEN. Pero baka dahil iyon sa mga kaibigan kong puro prinsipe din. 

"Ewan? Gusto ka lang ata ipakilala sa reyna at hari dun." sabi naman ni Sui na nagtatago na parang tanga sa ilalim ng mesa =____=++ ang laki laki niya tapos magtatago siya sa lamesa para talagang timang si Sui kaya nagtataka ako bat ang daming nabibighaning kababaihan. Di nalang gumaya sa akin cool lang. (Mainitin din nga pala ulo ko)

"Sige, papaalam na muna ako kila Caleigh." sabay tayo na nakasalampak kasi ako sa sofa lumingon ako sa dalawang elemental spirits ko "Kayong dalawa baka gusto niyong iimpake ang mga kailangan natin huh?" asar kong sabi agad silang naging tao at nagsalute pose this time si Ciel at Est ang nakalabas ngayon. Mukhang nag momoment sila Restia at Kamito e.

Lumabas na ako at pumunta sa dorm nung apat magkakaroom mates naman sila eh kaya madali ko lang sila mapupuntahan. Gumawa ako ng Fire Wings para makalipad para makarating sa East Dorm. Nang nakapasok na ako sa dorm,  tinanong ko kung anong room number nila syempre di ko naman inalam pa yun baka sabihin nung pa nung apat na yon na iniistalk ko sila. Okay lang naman bumisita sa mga dorm as long as within the curfew time. May visiting hours lang kasi para respeto nalang sa mga residents ng bawat dorm.

'OMG!!!! ANDIDITO SI PRINCE KAYDEN!!!'

'GIRL AYOS LANG BA MAKEUP KO? Yung buhok ko?! OMG magpapalit lang ako ng damit!'

'Huy, magsialis nga kayo dadaan si Prince Kayden ko!'

At maraming nagkagulo =____= hinayaan ko nalang. At nung kumatok ako sa room nila ang nagbukas ay walang iba kung hindi si Caleigh ang nanay nanayan ng grupo na ngayon nakadamit pangtulog halatang kakagising palang. Napatingin naman ako sa relos ko. Maaga pa nga masyado. Tinignan kong muli si Caleigh at ang pang batang pantulog nito.

*Wapak*

"Wag mo akong minamanyak gago ka ah!!!" sigaw niya habang nakapameywang. Isa pa tong amazona. Ang aga aga ang energetic. 

"Aray!! Tinignan ko lang ung damiit mo!" pag dadahilan ko naman. Natetempt nga akong asarin si Caleigh. Ang baduy kasi talaga ng pang tulog niya. 

"Tse! Oh,  anong ginagawa mo dito ang aga aga pa eh susmaryosep!" para talagang nanay ano? At pinapasok naman ako. Marami kasing nakatingin at nangingisay na parang bulate sa labas. 

"Isasama daw ako nila headmaster sa Light Kingdom. Gusto ko lang magpaalam di ko din kasi alam kung hanggang kailan kami magiistay sa kaharian." pagpapaalam ko naman kay Caleigh. Tumango naman ito.

"Mag ingat ka ah... kailan ba alis niyo?" tanong naman nito habang nag susuklay ng kaniyang buhok

"Mamaya na." sabi ko naman inakap naman niya ako (friendly hug, wag kayong malisyado.)

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon