#17

18.1K 439 26
                                        


KAYDEN

Pagdilat ko bumungad ang sinag ng araw sa mga mata ko napatakip naman ako ng braso sa mata ko. Pakiramdam ko ay napakatagal ko nanamang wala sa mundo. Dahil sa napakahimbing kong tulog. Ilang araw nanaman kaya akong walang malay? Ano na kaya ang mangyayari? Pag dilat ko palang ay agad akong dinumog ng napakaraming katanungan. Panigurado ko ay alam na nila Headmaster ang tungkol sa totoong ako. Tungkol sa sikreto't pagkatao ko.

"Master... Ayos ka na po ba?" lumingon ako kay Kamito na ngayong nasa human form kasama si Restia. Napaghahalataan ko na itong dalawang elemental spirits kong ito ah mukhang nagkakamabutihan na baka mamaya.. Ehem! Mas mabuti pa nga. Kesa ako yung landiin nila sila nalang maglandian diba?

"Nasaan si Kiev?"

"Nasa labas po at nagbabantay." sagot ni Restia

"Master kailangan mo ng burahin ang Danielle form na yan." malungkot na saad ni Kamito kailangan ko na talaga na parang burahin ang existence ni Danielle. Nakaramdam din ako ng panghihinayang sapagkat marami din akong ala-ala habang nasa kaanyuan ni Danielle. Pero hindi dapat ako manghinayang. Si Danielle man o Kayden ang pinakamahalaga ay parehas silang parte ng pagkatao ko. Hindi naman ako makakalimot.

"Alam ko." sagot ko uminhale exhale muna ako at gumawa ng simbolo gamit ang pag guhit sa ere sinundan iyon ng liwanag na nang gagaling sa aking kamay. At pagdilat ko wala na ang girl form ko at nasa orihinal na kaanyuan na talaga ako. Mukhang maraming makakamiss sa Danielle Zyther na nakilala nila. Hindi ko na muling magagamit ang pag aanyong babae ko dahil may hangganan lamang ang lahat ng bagay.

"Papasukin mo na si Kiev at may pag uusapan kami." seryoso kong saad

Mga ala-ala ko mula sa nakaraan ay kahit papaano ay medyo naalala ko na pero napakalabo lang talaga kung sino sino yung mga taong parte ng buhay ko. Napatulala nanaman ako.

"Kayden! Ipangako mong babalikan mo ako!!!"

"Pangako yan babalikan kita hintayin mo ako!!! Mahal na mahal kita tandaan mo yan."

Sumakit ng kaunti ang ulo ko damn sino ba yung minahal ko nuon!?

"Kayden ayos ka lang!?" Bungad ni Kiev nagulat ako

"Wag mo nga akong gulatin!" Napasigaw ako sa gulat

"Kanina ka pa tulala dyan eh. May naalala ka na ba?" Nag aalalang tanong ni Kiev

"Kaunti pa lang kaso medyo malabo pa rin ang lahat."

Napaisip nanaman ako.

"Huy! Ano nang utos mo?" Tanong ni Kiev dahilan bakit nahinto ako sa pag iisip.

"Tss. Dalhan mo ako ng boy's uniform at papasok na ako." sagot ko

Lalo na sa subject naming History. Dahil duon baka may malaman pa ako na maaaring konektado sa pagkatao ko. Nang umalis na si Kiev saglitan lang ay nakabalik na agad siya papaano nasa tapat lang ng kwartong tinutulugan ko ang kwarto niya. Inilipat na kasi ako ng kwarto kesa daw sa clinic ay mas mabuti ng may sarili akong kwarto kung saan mababantayan ako ni Kiev. Healer type si Kiev kung kaya't kung may sugat man akong natamo ay agad nitong gagamitin ang kapangysrihan niya upang maghilom agad ang mga sugat ko.

"Master." napatingin ako kay Restia na bigla namang tinawag ako

"Ano yun?"

"Sasabihin mo na ba sa mga kaibigan mo?" Tanong niya naman at tumango naman ako

"Oo ayoko namang may itago pa sa kanila since sila ang mga kaibigan ko."

Binihisan ako ni Kamito ng panglalaking uniform "Ang cute mo master!" Tuwang tuwang namang sabi nila Restia at Kamito na ikinabuntong hininga ko naman kaya pala tinititigan nila ako na parang akala mo nakakita ng santo

Mystique Academy (2014)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon