ALYSSA POV
Napatanga ako sa gwapo ni Kayden. Oo na hindi lang si Allison ang pwedeng mabaliw o mapatanga kay Kayden mas gwapo naman kasi talaga si Kayden kesa kay... Sui.Agree? Napasulyap akong saglit kay Sui. Nagulat naman ako ng kaunti ng nakatingin pala siya sa akin shocks nakita niya akong sumulyap sa kanya! Oo na rin naging gwapo lalo si Sui. Kinikilabutan ako kapag naiisip ko siya. Oo, ayoko sa mga playboy. Wala silang ginawa kung hindi makipag flirt ng makipagflirt sa mga kung sino sinong mga babae. Eh paano naman si Kayden?
Kayden is an exception for me. Nakikita ko naman kahit parang nakikipaglandian siya ay yung saglitan lang hindi yung mapupunta sa halikan o kung ano pa man or worst sa kama ang bagsak. At kung lalandi si Kayden atleast parang ewan lang hindi ka agad mafa-fall kasi alam mo agad na di siya seryoso sayo at biglaan ka niyang titigilan kapag alam niyang wala ka sa mood. Hindi ka niya kukulitin na parang bata.
Why do I end up comparing Sui from Kayden? Kung alam ko namang ibang iba si Kayden kay Sui. Wag niyong bigyang malisya kasi sa saglitang panahon lang nakilala ko si Kayden although mas naging close ko ang girl version ni Kayden na si Danielle.
"Woah.. Ang cute mo Allison." compliment ni Kayden at ngumiti biglang iwas naman ng tingin si Allison kung alam niyo lang baka namatay na yan sa kaloob looban parang di na nga humihinga eh!
Pagkatapos mag shopping naawa ako kay Kayden halos napakalaking presyo ang nailabas niya ng dahil saamin at kung ica-calculate namin sa gems sa mundo namin ay black gem na ang katumbas nung pumapangalawa sa pinakamataas na gem. Magkaroon ka lang ng black gem tatanghalin ka ng prinsipe o prinsesa oo mga royal family lang ang mayroong ganun.
"So guys dito tayo magkita kita hahayaan ko kayong magliwaliw sa mall na ito. Bibigyan ko kayo ng pera bahala kayo gumastos pagpatak ng ganitong oras dapat nandito na kayo dahil uuwi na tayo.. Remember bawal gamitin ang kapangyarihan kundi lagot tayo sa mga tao rito." pagbabawal ni Kayden
"YES!!!" sigawan nila Caleigh
Syempre Caleigh at Riley ang magkasama ayaw ng maghiwalay ng dalawang yan eh. Ashley at Justin naman yang dalawa? Akala mo mag asawa lalanggamin ka palagi kapag kasama mo sila tsk tsk nagiging bitter na ako. At syempre Ian at Lilly bagong love team.
"Oh, ikaw Allison kanino ka sasama?" tanong ni Kayden napayuko naman si Allison
"S-Saan ka ba pupunta?" tanong ni Allison napakunot noo ako ginagaya niya nanaman ang style kong mahinhin oo na wag niyo nang ipamukha sa akin na napakahinhin ko pero pag nagalit napakabitch ko.
"Hmm? Wala mag gagala lang mag isa pero kung gusto mo.. Sama ka nalang sa akin?" tanong ni Kayden namula si Allison
"Shige.." Tumalikod na ako ayokong marinig ang pabebe accent ni Allison naglakad lakad na ako without saying goodbye napakadali lang para sa akin ang matandaan ang mga pasikot sikot sa daan.. maraming napapatingin na lalaki sa akin napayuko naman ako.
Wag nila akong titigan...naiilang ako.
Maya maya ay nakaramdam ako ng malambot at mainit sa kamay ko napalingon naman ako. Nakahawak nanaman itong mokong bastos na ito sa kamay ko ang hilig mananching eh.
"Wag mo nga akong iniiwan iwan dyan cupcake!" bigla niya akong inakbayan nakita ko ang pagiwas tingin ng ibang mga kalalakihan
'Ay. Taken na pala.'
'Atras mga dude mahirap kalaban.'
"Wala pala sila eh." bulong ni Sui kinurot ko siya sa braso automatiko namang napabitaw siya.
"Umayos ka nga!" saway ko sa kanya
"Teka lang naman. Ayoko lang na may titingin sayo ng ganyan.. Ako lang ang may karapatang tumingin sayo." napalingon naman ako sa kanya nakatitig siya sa akin ng diretsuhan.
"At bakit ikaw lang ang may karapatan aber?" pagtataray ko hindi pa rin nagbabago ung ekspresyon niya
"Kasi nililigawan kita."
A-Ano?!
JUSTIN POV
"San mo gustong pumunta ?" malambing na tanong ko susulitin ko itong araw na toh salamat nalang talaga kay Kayden. Kailangan ko talagang sulitin dahil kailangan pa naming magbantay sa mundong ito. Hindi mag tatagal ay sasakupin ng mga Darks itong Human World.
"H-Ha? San mo ba gusto?" namumulang tanong niya
"Nahiya ka pa sa akin. Ikaw tong tinatanong eh... Wag mong ibalik sa akin yung tanong ibalik mo lang yung sagot kapag sinabi kong I love you." seryosong sabi ko ngumiti naman siya ung kinikilig-ako-smile niya
"I love you too my prince... Check natin yun oh!" sabay hatak sa akin sa parang arcade na ewan. I'm still new afterall wala ang tour guide naming si Kayden para iexplain kung papaano hayaan na matalino naman ako at alam kong magagamit ko ang talino ko sa kahit anong bagay basta kalma lang Justin I can do this.
Oo kung ano ano ang mga sinubukan namin. Habang naglalaro si Ashley ay tinitigan ko lang kung gaano siya kasaya habang naglalaro para siyang bata at napapangiti nalang ako na parang ewan rito sa gilid niya.
Di magtatagal baka ito ang oras na last na lang ang pagsilay ko sa mga ngiti niya. Kung bakit ba kasi kami itinadhana sa maling oras at panahon. Pinangako ko sa sarili ko na kahit buhay ko pa ang nakataya ay gagawin ko ang makakakaya ko upang protektahan ang buhay ng mga mahal ko. For the sake of Altherianavi, Mystique Academy, Altherians and for the sake of our Kingdom. And of course, my Princess soon to be Queen Ashley. Syempre di pa naman kami magpapakasal kailangan na muna naming iovercome ang malaking pagsubok sa buhay namin...
I hope someone would be our guide. But I know si Kayden lang ang makakatalo sa mga Darks. Napalingon si Ashley sa akin nawala ang mga ngiti niya at sumimangot ang kanyang magandang mukha.
"Oh bakit parang nagluluksang ewan ka dyan? Tara dito! Mag enjoy tayo mahal!" aya niya sa akin kinilig naman ako dun walangyang babaeng toh nagiging ewan ako pagdating sa kanya eh nawawala ang Gentleman aura ko at pagiging cool and calm kasi mas nagiging hyper ako at active pag kasama ko si Ashley para siyang vitamins ko na pampalakas...
Kaya bigla ko siyang hinalikan at inakap "P-Para saan naman yon?" tanong niya nginitian ko siya
"Recharge lang mahal.. Pinagod mo ako eh." sabay kindat
"C-Che! Umayos ka nga pinagod kita dyan?!"
Pikon talaga haha.
3RD PERSON POV
Sa di kalayuan may isang lalaking nakabantay kay Kayden at Allison na naglalakad lakad lang sa mall at tumitingin tingin. Napabuntong hininga ang lalaki.
"Hindi ito ang oras ng pagsasaya Shiori..." bulong nalang ng lalaki halatang problemado pinagpatuloy niya ang pagmamanman sa mga ito
"Mahal na Prinsipe... Ano nang plano?" tanong ng isang babae sa kanya liningon naman siya ng lalaki
"Stay on alert hindi natin alam kung kelan aatake ang mga Darks. Ipagdasal nalang natin na hindi pa sila aatake." sabi naman nito
"Mukhang may nabago sa plano mahal na prinsipe ano nang gagawin mo?" tanong pa ng dalaga
"Nakasalalay kay Shiori ang lahat para sa pangalan ng aming ama at ina... Hayaan mo maibabalik ko kaagad ang kapangyarihan ko kapag nailabas ni Shiori ang kakaibang lakas niya." seryosong sabi ng lalaki pero bigla itong ngumiti "Pero sa ngayon bantayan nalang natin ang cute na Shiori ko~ Baka kasi mag make move yang lalaking yan eh. Ayoko pang maging tito!"
Napabuntong hininga ang babae para talagang bata ang lalaking kaharap niya. Akala mo seryoso pero hindi pala. Bigla ka nalang maguguluhan dahil mabilis itong magbago ng ekspresyon. Isa lang naman ito sa mga kataas taasang nilalang nuon.. ngunit biglang naglaho ito sa kadahilanang mapunta ang kapangyarihan niya kay Shiori.
8215

BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasiAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...