-Hilary-
Naramdaman ko ang pag init ng magkabila kong pisngi. Gusto kong kumawala sa kanya kaso masyado syang malakas. Napalunok ako ng unti-unting lumalapit ang mukha nya sa akin. Mabilis ko namang hinarang ang palad ko sa bibig kaya naman 'yun ang nahalikan nya. Tapos ay niyakap nya ako ng sobrang higpit.
"Sobrang namiss kita." Lalong nagwala ang sistema ko dahil sa napakalalim nyang boses.
Ilang minuto lang kaming nakahiga sa malambot na damuhan. Nakayakap pa rin sya sa akin pero hinayaan ko lang sya. Habang nakahiga ay kitang-kita ko ang kulay asul na kalangitan ang ang dalawang kulay lila na buwan.
Narinig kong humilik si Zane kaya naman tinapik ko na ang likod nya. "Uy Zane, wag kang matulog. Ang init dito doon na lang tayo sa lilim."
Naupo naman sya kaagad at ngumiti ng malapad sa akin. "Sige, kakain pa tayo."
Sya naman ang tumakbo papalayo kaya naman sinundan ko sya. Hinayaan ko syang maunang maupo at kumain. Pinagmamasdan ko lang sya habang magana syang kumain. Tumigil naman sya sa pagkain at ibinaling ang atensyon sakin. Napansin nya siguro na kanina ko pa sya pinagmamasdan kaya sinubuan nya ako ng kinakain nyang chocolate. Parehas na kaming natatawa sa mukha namin kasi naman ang dungis na namin. Matapos kumain ay tumayo si Zane at tumingin sa malayo. Eto na naman sya at nag se-seryoso. Ayoko talaga kapag ganito sya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako kapag ganyan ang kinikilos nya.
"Uy Hilary," pagtawag nya sa pangalan ko.
"Bakit?"
"Ano ba ako para sayo?" Natigilan ako sa tanong nya.
Lumingon sya sa akin at kita kong seryoso sya sa tanong nya. Biglang nag flash sa isipan ko yung mga panahon na magkasama kami at talagang masaya ako na makasama sya pero bakit ba nya tinatanong?
"Bakit mo naman naitanong?" Tinagilid ko ang ulo ko habang nagtatanong sa kanya para kunyare cute.
Umiling-iling sya saka ngumiti lang at muling naupo sa tabi ko. "Wala, kalimutan mo na lang ang tanong ko."
Alam ko naman kung ano ang tinanong nya pero hindi ako sigurado sa isasagot. Nanatili lang kaming tahimik. Ayoko nang magsalita dahil baka may masabi lang akong kakaiba.
Ilang oras kaming nanatili sa burol at ng magdadapit hapon na ay saka lang kami naglakad pauwi. Muli naming dinaanan ang kakahuyan sa gilid na parte ng mansion nila. Mas nakaramdam ako ng kakaiba. Kahapon din noong sinabi ni Zack na parang may nagmamasid ay naramdaman ko nga na may nakatingin sa bawat galaw namin. Hindi ko maiwasan na lumingon-lingon sa paligid dahil hindi ko alam kung sino man ang nagmamasid ngayong kasama ko si Zane.
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...