-Hilary-
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at hindi ko napigilan ang unti-unting pagkurba ng ngiti sa aking labi dahil sa bumungad sa'kin. Nakita ko lang naman kasi ang kulay purple na kisame. Ibig sabihin lang no'n ay nasa DreamLand pa rin ako. Kaagad akong napaupo at tumingin ang bandang kanan ng kama. Napansin ko kaagad yung puting kahon na nakapatong sa side table. Lumapit naman ako sa side table at kinuha yung kulay puting kahon. Pinagmasdan ko itong maigi at mukhang itong rubrics cube. May kulay asul itong pindutan kaya naman pinindot ko. Sa pagpindot ay nag-ilaw ang kahon at lumabas ang imahe ni Zane. Parang isang video pero hologram lang.
"Sigurado akong naguguluhan ka na ngayon. Marami pa akong hindi naipapaliwanag sayo at naituturo tungkol sa mga kagamitan sa bahay kaya pasensya na. Baka sa ibang araw ko na lang ipaliwanag at ituro sayo dahil may aasikasuhin lang ako. May inutos lang sa akin si mama na ihatid. Nga pala, nagawan na kita ng agahan. Magpunta ka lang sa dinning area at may makikita kang isang kulay puting bulaklak sa vase. Basta pindutin mo lang yung asul na bilog don sa vase at lalabas na ang agahan mo. Wag ka masyadong maamaze. Gusto ko nandyan ako kapag na aamaze ka," Nakangiti pa sya ng todo.
"Sige na, alis na ako. Para lang malaman mo nasa Eanverness ako ang east part ng DreamLand. Matatagalan lang ako sa pag uwi sana naman maantay mo ko. Wag ka aalis ah. Dyan ka lang please," lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ang pag pout nya.
"Basta kita na lang tayo mamaya. Wag mo ko masyadong mamiss ah," ngumiti pa sya ulit. Hindi lang basta ordinaryong ngiti kundi isang rectangular smile.
Sinunod ko naman ang binilin nya at nanlaki ang mata ko ng makitang kuminang ang mesa saka unti-unting lumitaw ang mga pagkain. Ngumiti ako ng malapad habang kumakain at muling pinindot yung puting kahon para mapanood yung video ni Zane. Hindi ako magsasawa na panoorin sya. Ang cute kasi sarap ibulsa!
Matapos kong kumain ay nagligpit ako ng kaunti at naupo na muna sa sofa. Napatulala lang ako sa malaking screen ng tv na mukhang salamin. Nang makita ang repleksyon ko ay bigla akong nalungkot. Ba't gano'n? Bakit ba hindi ako kagaya ng iba na maganda? Tuyong patatas lang talaga ako. Napabuntong-hininga lang ako saka umiling-iling. Iligo ko lang 'to baka sakaling mawala yung ganitong negative kong pag iisip.
Nang makarating sa banyo ay napatulala na naman ako sa malaking glass door papuntang shower. Muntikan na kasi ako madulas kahapon dyan kaya medyo na trauma ako. Isinabit ko na yung mga damit ko at pumasok sa loob ng dahan-dahan. Kapag naman nailock na yung glass door ay nagiging malabo na ito. Ang sarap damhin ng maligamgam na tubig mula sa shower. Tapos para akong nasa k-drama ang sarap umacting dito pero ngayon mas gusto kong kumanta.
I'm a born singer jom neujeobeorin gobaek (I swear)
Eonjenna meolgiman haesseotdeon shingiruga noon abe isseo (yeogi isseo)
I’m a born singer eojjeomyeon ireun gobaek
Geuraedo neomu haengbokhae I'm goodUmpisa lang naman yung pinaka natatandaan kong lyrics sa born singer by bangtan sonyeondan (BTS) kaya yun lang yung nakakanta ko. Tapos paulit-ulit na. Hindi naman maganda yung boses ko pero ayos lang wala namang makakarinig sa'kin.
Matapos mag punas ay biglang may boses na nagsalita. "Magandang araw, ano pong damit ang gusto nyong suotin?"
Natigilan ako at napatakip sa katawan ko ng marinig ang boses na iyon. Pambabae naman yung boses pero naguguluhan ako.
"Heto po ang mga damit na maari nyong pagpilian." Wika ng boses at may hologram na screen ang magpakita sa harapan ko.
Ang gaganda ng mga damit na ipinapakita sa akin at ang mga damit na iyon ay mukhang mamahalin. Hindi ko naman alam kung ok lang ba na mamili ako, may damit naman ako na isinabit.
"May damit na akong nakasabit. Kaya hindi ko na kailangang mamili. Pero salamat ," akma na sana akong lalabas pero hindi mabuksan yung glass door.
"Inutos sa akin ni Master Zane na papiliin ka ng damit," muling wika ng boses.
Pambihira mukhang nakaprogram nga yung shower na 'to para papiliin ako ng isusuot na damit. Bumuntong-hininga ako at pinindot lang yung nasa hologram screen. Lumiwanag ang loob nitong shower kaya napapikit ako. Ba't naman parang magical itong shower na 'to? Ay hindi pala futuristic pala dapat. Nang makalabas na sa shower ay kaagad akong nagpunta sa malaking salamin. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Parang hindi ako 'to.
Mas pumuti ang kulay ng balat ko, yung mata ko kulay purple at yung buhok ko pastle purple ang kulay. Yung suot ko naman na damit ay mini dress na kulay dark purple, mahaba ang manggas nito na maluwag sa dulo, may silver na belt at may itim na boots na hanggang sa hita. Hindi ako makapaniwala sa itsura ko ngayon. Dahil sa suot ko para akong manika. Hindi naman nagbago yung mukha ko. Bilugan pa rin naman ang mga mata ko at pango pa rin naman ang ilong ko. Manipis pa rin naman ang labi ko na may red na lipstick. Mas lalo kong nilapit ang sarili ko sa salamin at kinapa-kapa ang mukha ko at kinurot pa ang pisngi ko. Baka lang naman kasi ilusyon lang ang lahat ng nakikita ko. Pero hindi, totoo talaga 'to.
Nag alala tuloy ako kasi baka naman akalain ni Zane na hindi ako si Hilary. Kulay ko lang naman ang nagbago at damit na suot ko pero baka naman kasi mag iba yung tingin nya. Kapag nakita nya ako baka isipin nya na nagpapanggap lang ako na Hilary. Hindi maaari!
Sinubukan kong punasan yung mukha ko at mga kamay. Nagbabakasakaling bumalik sa dati ang kulay ko. Pero walang nangyari. Napaupo na lang ako sa sofa at napatulala. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero okay na rin siguro 'to. Kasi hindi na manpapansin ng mga taga rito na iba ako sa kanila. Napabuntong-hininga na lang ako. Masyado na akong nag iisip. Lumabas na kaya muna ako? Kasi naman hindi ako mapakali rito sa loob.
Dahan-dahan pa akong sumilip sa labas dahil baka may mga dreambots. Nang makumpirma na wala namang rumoronda ay kaagad na akong lumabas. Naglakad-lakad lang ako habang nakangiti. Nakakaaliw kasi pagmasdan ang kulay bughaw na langit pati na rin yung dalawang buwan. Tapos may mga kakaibang ibon pa rito na nag iiba-iba ng kulay. Yung ibang mga paru-paro naman nila dito doughnut yung pakpak. Natatakam ako at gusto ko sana silang kunin pero hindi naman ako sigurado kung safe ba yun kainin kaya hinayaan ko na lang.
Sa paglalakad ay nadadaanan ko yung malalaking puno na pinagtaguan namin ni Zane dati noong hinahabol kami ng mga dreambots. Malapit lang dito yung mansion nila. Sumilip ako ng bahagya. Sobrang laki ng espasyo nila dyan sa mansion pero kaunti lang naman silang nakatira. Siguro malungkot si Zane kasi hindi sya madalas na nakakalabas. Naikwento kasi sa akin ni Zane na noong bata pa sya ay hindi sya pinapayagan na lumabas. Silang dalawa ng nakababata nyang kapatid na si Zack. Lagi lang silang nandyan sa mansion at pinapayagan lang silang lumabas kapag may kasama silang butler or maid mula sa mansion. May mga kaibigan naman sya pero hindi nya masyadong nakikita at nakakalaro dati.
Naikwento nya rin sa akin si Jeremy yung kamukhang-kamukha ni Jungkook. Si Jeremy lang naman kasi yung pinapayagan na pumasok sa mansion kaya nga kapag mag kakasama sila ni Zane sobrang gulo raw nilang dalawa. Hindi ko mapigilang matawa dahil naalala ko yung araw na nakita ko yung sapatos ni Jeremy sa ilalim ng kama ni Zane. Sinisi pa nya ako kasi akala nya ako yung kumuha.
Nagbalik ako sa wisyo ng biglang may mga maid na lumabas sa mansion kaya napaatras ako at akma na sanang tatakbo pero may bigla akong nabangga. Dahil sa lakas ng pagkakabangga ko sa kanya ay napaupo ako sa lupa.
______
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...