Dream 04

170 76 4
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





-Hilary-

Muli akong napapikit dahil sa liwanag na nagmula sa labas ng bintana. Habang nakapikit ay pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid na para akong nasa loob ng isang roller coaster.

Ng maramdaman kong tumigil na ang pag-ikot ng paligid ay dahan-dahan akong dumilat at nakita ang nakabukas naming tv. Napatulala lang ako habang nakatingin sa tv. Nandito na talaga ako sa sala namin. Panaginip ko nga lang ba ang lahat?

Nakakapagtaka naman para kasing totoo. Umiling-iling na lang ako at pinatay na iyong TV. Tapos na rin kasi yung pinanonood kong show. Kinuha ko na yung walis at dustpan saka iyon tiningnan.

Hindi ko pa rin makalimutan yung ngiti nya. Kung pwede ko lang balikan yung panaginip na iyon babalik talaga ako. Bihira lang ako magkaroon ng ganoong panaginip dapat pala sinulit ko na. Sayang talaga!

Inumpisahan ko na ang paglilinis ng bahay habang may ngiti sa aking labi.



☁☁☁☁


Lunes na naman at syempre nasa classroom ako para makinig ng lecture na kung minsan ay napakaboring. Nakatingin lang ako sa librong hawak pero yung utak ko nasa ibang lugar. Teka? May utak nga ba ako?

Kinabahan naman ako bigla ng mag-umpisang magtawag yung teacher namin. Lagot! Wala pa naman akong naintindihan sa lesson namin.



Habang iniisa-isa yung mga kaklase kong nasa unahan na row ay nagdadasal ako na huwag akong matawag dahil lutang ako ngayon at sigurado naman na wala akong maiasagot.


Kinabahan na ako ng husto ng tatlong kaklase ko na lang at ako na ang susunod na tatayo para mag-recite.


"Please 'wag ngayon...kahit bukas na lang mag aaral na talaga ako,"bulong ko habang nakayuko.




Biglang tumunog ang bell kaya nakahinga ako ng maluwag at napahawak pa sa aking dibdib. Save by the bell na naman. Ayos!





Mag aaral na talaga ako pag ka uwi ko sa bahay. Hindi pwedeng mag pa-chil chill lang lalo na at mukhang  pangatlo pa ako sa mag re-recite kinabukasan. Inaayos ko na yung mga notebooks at ilan kong gamit saka ipinasok sa loob ng bag.





"Uy sis! Miss you talaga!"Sigaw ni Velia.



"Aray! napakaingay naman. Alam mo, kanina ka pa sumisigaw sa akin ng ganyan. Magmula pa noong pagpasok mo kaninang umaga, kaninang recess hanggang ngayon ba naman na uwian na, sisigaw ka pa rin?"Nakangiwi kong tanong sa kanya dahil napakasakit nya sa tenga.



"Wala kang magagawa kung gusto kong sabihin na miss na kita. Alam mo naman na ang tagal kitang hindi nakita,"nakangiti nyang wika saka ako niyakap ng mahigpit.




Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon