Dream 21

121 55 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-Hilary-

Halos dalawang linggo na mula ng magpunta ako sa bahay ni Velia at hanggang ngayon natatawa pa rin talaga ako. Buti na lang talaga at wala doon ang mga ate nya dahil sigurado akong aasarin nila kami. Ang lakas pa naman mang asar mga ate ni Velia.


Nakaupo na naman ako ngayon sa study table at panay ang gupit sa mga colored paper. May pinagagawa na naman kasing project sa amin kaya nagpaiwan na muna ako dito sa bahay. Sabado ngayon at kating-kati na akong manood ng k-drama kaso lang deadline na nito sa monday kaya mas uunahin mo na muna 'tong project. Mas okay na ma-stress ako kaysa naman magkaroon ng failing grade. Mas nakaka-stress yun.

Habang naggugupit ay natigilan ako ng makarinig ng meow. Napalingon kaagad ako sa paligid at sinundan ko kung saan galing yung pag-meow. Palingun-lingon ako ng mapansin yung itim na buntot sa labas ng bintana. Gumuhit kaagad ang ngiti sa aking labi dahil mukhang alam ko na kung sino ang nagbabalik.



Binuksan ko kaagad ang bintana at hindi napigilan ang mapasigaw. "Cat Noir!"

Binuhat ko kaagad si Cat Noir at niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong napangiti sa amoy ng balahibo nya. Amoy vanilla kasi.


"Uy Cat Noir, saan ka ba galing?" Tanong ko habang hinahaplos ang itim nyang balahibo.


Meow. Yan lang ang sagot nya sa akin. Syempre meow lang kasi alangan naman na sumagot sya. Mas nakakagulat yun. Pero mas niyakap ko pa sya kasi napakacute nya. Naupo na ako sa kama at hinarap ko sya sa akin.




"Gustong-gusto ka pa naman makita ni Velia. Cat lover kasi talaga yun. Alam mo ba, gusto ka nyang ampunin," Pagku-kwento ko at sa tingin ko naman nakikinig sa akin si Cat Noir.


Nakatingin lang sa akin ang pares ng green at cute nyang mga mata. Kinikiskis nya pa sa kamay ko yung mukha nya kaya niyakap ko sya ulit.


"Baka nagugutom ka na. Gala ka kasi ng gala. Malayo na siguro narating mo." Binuhat ko lang na parang sanggol si Cat Noir papunta sa kusina namin.




Pagdating sa kusina ay dahan-dahan ko munang nilapag si Cat Noir sa may gilid ng lababo. Sinisigurado ko naman na hindi sya mahuhulog sa lababo namin. Mataas pa naman yung pinagawang gripo sa lababo. Ewan ko ba kay mama at bakit gano'n yung pagkakagawa sa gripo. Para na akong nag sho-shower kapag nag huhugas ng mga plato.



Inumpisahan ko na ang maghanap ng makakain ni Cat Noir. Wala nga kasing cat food dito kaya sa tingin ko canned tuna na lang ulit ang ipapakain ko sa kanya. Sigurado naman ako na pupunta kaagad dito si Velia kapag tinawagan ko sya  at sasabihin ko na nandito sa bahay si Cat Noir. Malamang na magulat sa kanya yung pusa. Para naman nya kasing pipiratin kapag nakakita sya ng mga cute na pusa.


Napapailing-iling na lang tuloy ako saka muling naghalungkat sa mga cabinet. Lumingon naman ako sa may lababo. Nakatingin lang sa akin si Cat Noir na nakatagilid ang ulo. Siguro iniisip nya kung ano yung ginagawa ko.



Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon