-Hilary-
Matapos kumain ay mabilis kong hinugasan ang mga plato. Kailangan kong makabalik kaagad doon sa kubo. Alam ko na nagugutom na ang lalaking yun. Hindi ko sya pwedeng pabayaan na lang.
Paalis na sana ako ng marinig kong umulan ng malakas. Hala! Baka nababasa na sya! Mabilis akong umakyat ng kwarto at kinuha yung manipis kong kumot. Kinuha ko na rin yung violet kong twalya at pati yung maliit na termos na nilagyan ko ng mainit na tsokolate kanina. Nilagay ko lahat ng iyon sa puting cloth bag. Nagsuot din ako ng blue na jacket at dinala ko na rin ang black ko na payong.
Palabas na sana ako ng makita ko si tita Cheryl na nakasalubong ko sa pinto.
"Oh, saan ang punta mo iha?" Tanong ni tita.
Natulala muna ko bago sumagot. "Ahm..may titingnan lang po ako."
Mabilis akong lumabas para naman hindi na magtanong pa si tita. Malalaking hakbang ang ginagawa ko pero nag-iingat ako sa bawat paghakbang dahil basa ang kalsada at ayoko naman na madulas. Nakakahiya kapag nadulas ako!
Pagdating ko sa garden ay nakita ko naman na nakasarado ang nga bintana pati ang pinto. Kumatok muna ako sa pinto at umaasa na magbukas iyon.
"Uy Zane! Buksan mo naman yung pinto!" Sigaw ko at para na akong maiiyak.
Kasi naman. Kawawa naman si Zane. May butas kasi itong bubong ng kubo baka basang-basa na sya. Ilang sandali pa ay nagbukas na ang pinto. Nakita ko naman na mukhang basang-sisiw si Zane. Hindi nga ako nagkamali, nabasa sya dahil sa mga butas sa bubungan ng kubo.
Mabilis kong ipinulupot kay Zane ang dala kong twalya. Nagpunta rin kami sa pwesto na hindi kami mababasa. Pinatuyo ko muna yung basang buhok ni Zane at pinatanggal na muna yung grey nyang hoodie. Basa na kasi yung suot nyang hoodie baka magkasakit pa sya kapag patuloy nya iyong isinuot. Mabuti naman at hindi gaano nabasa yung suot nyang blue na shirt.
Matapos ko syang patuyuin at ibinalot ko naman sa kanya yung kumot na dala ko. Umusog sya lalo sa tabi ko at inakbayan ako. Ngayon ay nagsha-share kami sa kumot. Nilagay ko naman sa katabi kong upuan yung hoodie ni Zane. Nagbabakasakaling matuyo kahit paano para maisuot na nya ulit.
Kinuha ko naman yung termos na nakalagay sa cloth bag na dala ko. Tinanggal ko yung takip at dahan-dahan kong ibinuhos yung mainit na tsokolate doon sa cup saka iyon inabot kay Zane.
"Ano yan?" Tinuro pa nya yung maliit na cup.
Parang bata na naman kung magtanong si Zane.
"Basta, masarap yan. Tikman mo," sabi ko sa kanya at kaagad nya naman kinuha sa kamay ko yung maliit na cup.
"Hmm...amoy masarap nga," nakangiti nyang wika habang nilalasap ang amoy ng mainit na tsokolate.
Nagulat naman ako ng inumin nya kaagad yun ng hindi manlang hinihipan.
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfic[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...