Dream 31

143 34 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-Hilary-

Kinabahan talaga ako noong isang araw kasi naman akala ko talaga mabibisto na nila ako. Napapansin ko kasi na ang pinagmamasdan ako ng tatay ni Zane. Yung tingin nya sa akin parang hinuhukay na nya ang pagkatao ko kaya medyo nailang ako pero di ko lang pinapahalata. Noong mga oras na yun gusto ko ma tañaga umalis at magtago na lang pero nawawala yung kaba ko dahil sa nanay ni Zane. Buti na lang at todo sa pagkukwento si madam Avrelia. Masaya naman sya kausap. Yun nga lang ipapamukha talaga nya  sayo na mas maganda sya. Ipinakita nya pa sa akin yung nga trophy na nakuha nya noon sa mga beauty contest at yung mga pictures nya.

Mukha lang silang normal na pamilya pero malaki ang naging impluwensya nila rito sa DreamLand. Dahil halos lahat ng mga technology na nandito ay naimbento ng pamilya nila. Kaya marami ang nagtatangka na nakawin ang mga imbensyon nila. Kaya rin siguro hindi pinapayagan na lumabas sina Zane at Zack dahil na rin sa panganib na dala ng pag gala. Makikilala kaagad kasi sila kapag lumabas sila dahil sa mga kwintas na suot nilang dalawa. May mga chip kasi na nakalagay doon. Malungkot talaga silang dalawa dahil hindi naman masyadong nakapag laro sa labas at nakisalamuha ang magkapatid pero ginagawa naman ng parents nila ang lahat para sa kaligtasan ng kanilang mag anak.

"Uy wag ka lang tumulala dyan. Halika na," wika ni Zane saka hinawakan ang kamay ko.

Napapatingala ako sa ganda ng paligid. Para kasi talaga akong nasa future. May mga lumilipad na bula, yung mga building iba iba ng shape, may mga kakaibang equipment din akong nakikita. Tapos napansin ko rin na pare-parehas lang ang kulay ng suot ng mga tao. Black and white lang ang kulay ng suot nila. Nasabi na rin ni Zane bago kami umalis na maganda ang pupuntahan namin. Hindi ko naman itatanggi na talagang maganda rito. Nandito kasi kami sa AstraKane ang centro ng DreamLand. Pero nasa parte kami ng mga higher class na tinatawag nila. Pero sa totoo lang nakakalungkot at nakakaumay tingnan ang paligid habang nagtatagal kami sa paglalakad. Kasi dalawang kulay lang ang nakikita ko. Para akong nasa black and white na movie.

Pati rin ang suot namin ni Zane black and white lang. Naalala ko dati na nabanggit sa akin ni Zane na black and white ang kulay ng sinusuot ng nga mas mataas ang katayuan tapos ibang kulay na yung sa mga mas mababa. May mga nagsusuot din naman ng cream or grey pero bihira lang. Basta yung mga sinusuot nilang damit ay puro walang kabuhay-buhay. Naalala ko tuloy na kakaiba ang tingin sa mga may kulay ang damit gaya ng nangyari sa akin noong una akong naglanding dito. Iniiwasan ako ng mga tao at pinagtitinginan nila ako na para bang minamaliit na nila ako. Sa bagay, mukha naman kasi talaga akong baliw noon.

"Ganito ba talaga lagi dito?" Tanong ko kay Zane.

"Oo, ganito palagi. Hindi nagbabago. Bakit? Nauumay ka na ba?" Nakataas kilay na tanong ni Zane.

"Hmm..Ang totoo nyan, oo," nag aalangan kong sagot.

"Ako kasi nauumay na rin ako pero hindi kasi tayo pwedeng mag punta sa ibang lugar dahil alam ni papa kung saan ako pumupunta," nagpout pa sya saka tumingala.

Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon