-Hilary-
Naguumapaw na saya ang nararamdaman ko habang patuloy na tinitingnan ang tanawin sa labas. Tatlong araw na ang lumipas ng mamasyal kami ni Zane sa AstraKane. Ang saya ko dahil nga napakamagical ng nangyari ng gabing iyon. Pakiramdam ko talaga lumulutang kami sa ere.
Iyon din yung first time na makita ko syang umiyak. Hindi ako sanay na gano'n sya dahil nasanay ako na lagi syang nakangiti at maligalig. Minsan naman seryoso sya kaya medyo nakakatakot pero ang cute nya pa rin. First time nya rin mag open sakin ng gano'n. Lagi nya lang kasing iniiba yung usapan kapag may natatanong ako na medyo personal. Siguro nga hindi nya ako pinagkakatiwalaan dati o kaya naman hindi sya comportable na pag usapan yung mga ganoong bagay. Noong gabi rin na 'yun naglapat ang mga labi namin.
Napahawak tuloy ako sa labi ko saka napaisip. Malamang na mapagalitan ako ni mama dahil mas matanda sa'kin si Zane tapos si Tita Cheryl naman malamang na matutuwa. Hindi kasi gusto ni mama na hindi ko sinasabi sa kanya yung mga bagay bagay. Super strict kasi si mama. Nasabi ko na matutuwa si tita Cheryl dahil supportive naman sya palagi. As long as magkajowa ako ng mabait at mamahalin ako ng buong-buo, okay yun sa kanya.
Magkasamang naming nagawa ni Zane ang mga first kaya nakakatuwa lang. Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng maalala yung mga sandaling 'yun. Yung nakita ko sa mga mata nya ang repleksyon ko. Pakiramdam ko talaga nasa k-drama ako noon kasi nagfade lahat at sya lang ang nakikita ko. Mas maliwanag pa sya kaysa sa mga fireworks ng gabing 'yun.
Napaupo naman ako sa puting sofa tsaka kinuha yung malambot na unan at napasigaw. Pakiramdam ko mas mapula pa sa kamatis ang mukha ko ngayon. Ilang minuto ko na munang itinakip sa mukha ko yung unan at ng kumalma ay naupo na ako ng maayos. Wala ngayon si Zane at sinabihan nya ako na manatili lang dito sa bahay habang wala sya. Kaya habang wala sya ay manonood na muna ako ng mga movies nila dito. Kinuha ko naman yung remote tsaka itinapat doon sa malaking screen.
"Hmm..ano kayang magandang panoorin.." bulong ko sa sarili tsaka pinindot-pindot yung remote.
Nang makapili ng papanoorin ay tumutok na ako sa screen habang may hawak na popcorn na kulay purple at soda na kulay blue. Kakaiba yung lasa para sa'kin kasi yung popcorn lasang cheese tapos yung mukhang orange soda lasang grapes pero masarap naman. Kahit papaano nasasanay na ako sa mga weird na pagkain nila dito.
_____
Naalimpungatan naman ako dahil sa kakaibang pakiramdam. Ang bigat na para bang hinihila ako nito. Bumibigat din ang paghinga ko. Parang nawawalan ng oxygen ang lugar na ito. Pinagmasdan ko ang paligid at narealize na nasa isang madilim akong lugar at ang tanging liwanag ko lang ay itong bracelet na ibinigay sa'kin ni Velia. Glow in the dark naman kasi ito. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon at kailangan kong malaman kung paano ako makakaalis.
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...