-Hilary-
Ilang linggo na ang nakakalipas ng mapaniginipan ko ang kakaibang pigura. Nanaginip na rin ako ng ganu'n noong nandito ako sa Dreamland pero hindi ko pa rin alam kung sino iyon.
"Oh, heto kumain ka na. " malambing na wika ni Zack habang hinahalo ang sopas sa bowl.
Paniguradong susubuan nya na naman ako kaya kinuha ko na ang kutsara. "Ako na. Kaya ko na. "
"Hindi mo pa kaya." Akma na sana nyang aagawin sa'kin ang kutsara pero itinago ko ito sa aking likod.
"Pag sinabi kong kaya ko na. Kaya ko na. Hindi naman nabali ang mga kamay ko tsaka kailangan mo ring kumain. " Pag mamatigas ko.
Bumuntong hininga naman sya saka ngumiti ng tipid. "Sinasabi mo lang yan para hindi na kita alalahanin pero hindi ka pa rin okay. Mamaya na ako kakain kapag tapos k–"Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil bigla akong nagtanong.
"Ikaw Zack, okay ka lang ba? "
Ngumiti naman sya ng malapad habang nakatingin pa rin sa'kin. "Oo naman, syempre. "
"Sinungaling ka talaga! " Tiningnan ko sya ng matalim saka tinuro ang mukha nya. "Nakikita ko sa mukha mong hindi ka okay. Ang laki na ng eyebags mo at mas namayat ka na. Kung hindi mo aalagaan ang sarili mo, baka mauna ka pang mamayapa bago sa'kin. "
"Kaya kung mag kakaganyan ka ng dahil lang sa'kin. Mabuti pang iwan mo na lang ako dito. Hindi ko gustong may ibang nag mumukhang zombie kakaalaga sa'kin. Hindi naman ako baby. " Dagdag ko pa.
Bumuntong hininga na naman si Zack saka ibinigay ang bowl sa'kin. May pinindot din sya sa mesa at lumabas mula sa ilalim ang isang bowl ng sopas na kagaya ng sa'kin.
"Sige na nga kakain ako na kasabay ka. " Muli syang ngumiti saka humigop ng sabaw.
Ngumiti naman ako saka nag simulang kumain. Kapag kasi tinatanong ko sya lagi na lang nyang sinasabi na okay sya. Alam ko naman na ayaw nya lang ako na nag aalala pero mas lalo kong di gugustuhin kung babayayaan nya ang sarili ng dahil lang sa'kin.
Ang tagal ko nang nananatili dito sa puting bahay na to. Halos makabisado ko na yung bawat sulok, mga furnitures pati mga designs na nakalagay dito. Magaling na rin ang karamihan sa mga sugat ko at may konting mga peklat pa ang natitira pero mas okay na ako. Gusto ko na nga maggala pero alam ko namang hindi pwede dahil nga delikado pa rin. May mga napapansin pa rin akong mga dreambots na rumoronda. Mabuti na lang talaga at nababalutan itong bahay ng malaking bula na nag sisilbing shield. Mas lalong hindi ako pwede pumunta sa Astrakane, siguradong pinakalat na nila ang pictures ko at mahuhuli nila ako kaagad.
"Gusto ko na gumala pero bawal.. " Malungkot kong wika habang nakatingala sa matataaas na puno.
Pagkatapos magtanghalian ay nagpaalam sa'kin si Zack na aalis muna sya sandali. Ibinilin nya na huwag muna akong lalabas ng kwarto kaya sinunod ko naman sya. Nanood na muna ako ng mga movies dito sa mundo nila, nakipaglaro ako ng parang ping pong sa mga robots na nandito hanggang sa di ko na malayan na gabi na pala. Kumain ako ng hapunan ng mag isa. Nag antay ako sa kanya pero hindi ko na kinaya ang antok.
"Hilary, gising na umaga na, " malambing na wika ni Zack saka sinundot sundot ang pisngi ko.
Humikab naman ako saka naupo at nag unat. Dumiretso naman ako sa cr para mag hilamos at mag sipilyo. Pagkalabas ko sa cr ay nagulat ako sa pag hinila sa'kin ni Zack papunta sa dining table at halatang nae-excite sya.
"Anong meron? " Nag tataka kong tanong habang nakakunot ang noo.
"Basta, kumain ka lang dyan. " Nakangiti na naman sya ng malapad habang nakatingin sa'kin.
Tingnan naman sya ng seryoso kaya bahagya syang tumawa. "Eto na, kakain na rin ako. "
Pagkatapos kumain ay sinabihan ako ni Zack na magbihis. Nagtaka ako pero sinsinunod ko pa rin sya kaya naka white dress ako na may long sleeves at white sandals.
Paglabas ng bahay ay nakita ko yung bula na sinakyan namin para makaalis doon sa Eanverness.
"Tada! Gagala tayo! Kaya tara na. " Nae-excite na wika ni Zane habang hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi.
"Teka muna, hindi tayo pwedeng gumala basta basta kasi naman pa'no kung may mga dream bots na humabol sa'tin? " Hindi ko talaga maiwasan ang mag alala.
"Edi gagawa ako ng paraan para makatakas tayo. Tsaka alam ko naman na naboboringan ka na dito sa bahay. " Lumapit sya ng bahagya saka marahang hinaplos ang ulo ko.
Bumuntong hininga na lang ako. Mukhang narinig nya yung sinabi ko kahapon.
Sumakay na ako doon sa bula at ng nakaupo na ako ng maayos ay dahan dahan na kaming umangat. Banayad lang ang byahe namin sa kagubatan ng Woodpine. Nakakaaliw kasi ang tataas ng mga puno dito, naalala ko tuloy yung puno na nasa likod ng mansion ng pamilya nila Zack.
"Ganyan yung mga puno sa likod ng mansion. Yung isa sa mga hardinero namin ang nagtanim n'un. Pati yung ibang mga puno sya rin ang nagtanim. Galing sya rito sa Woodpine. " Paliwanag ni Zack na tila ba nabasa ang iniisip ko.
Tumango tango naman ako. Magtatanong pa sana ako pero may isang halimaw ang bumungad sa'min. Nagpagewang gewang ang sinasakyan naming bula dahil sa biglang pagbungad ng halimaw. Kakaiba ang itsura nito. Parang chimera pero iba naman dahil may ulo ito ng isang Leon, katawan ng isang seal, buntot ng kagaya sa bayawak at ang mga paa ay kagaya ng sa agila. Bigla itong bumuga ng apoy, mabuti na lang at hindi nadamage ang sinasakyan namin.
May pinindot si Zack sa control nitong bula. Tumaas kami ng kaunti pero pilit kaming inaabot ng halimaw gamit ng malalalim nitong kuko. Napapasigaw na lang ako dahil sa nangyayari. May tila ba kakaibang tunog na nagmula mula dito sa bula para bang vibrations na hindi ko gaanong marinig. Ilang sandali pa ay may isang makintab at malaking ahas ang lumitaw mula sa itaas ng puno. Napakaganda ng kaliskis nito para itong mga sequence na inilalagay sa mga gowns. Pinag halo halong kulay blue, violet, pink at green ang kaliskis nito. Napatulala ako sa ganda nito. Siguro sobrang cute kung maliit lang pero itong makintab na ahas ay mas malaki pa sa dalawang bus na pinagsama. Nakakatakot!
Akma itong tatalon papunta sa direksyon namin kaya naman mabilis na iniwas ni Zack itong sinasakyan naming bula. Nasa itaas pa rin kami kaya kitang kita namin kung papaano nilingkis ng ahas yung halimaw na unang bumungad sa'min kanina.
"Pasensya ka na at kailangan mo pang makita iyon. Heto na, naka-on na yung invisible mode.. Safe na tayo. "
"Grabe! Parang chimera naman yung bumungad sa'tin na halimaw kanina. Makintab na ahas ang ganda ng kaliskis. " Komento ko.
"Hindi ko alam kung ano ba yung chimera pero yung halimaw na unang bumungad sa'tin kanina ay ang Ardendeval at yung makintab na aahas na sinasabi mo ay ang Kashvilaina. Mas marami pang nakakatakot na halimaw kesa sa kanila buti na lang hindi natin nakasalubong yung mas mababangis," paliwanag ni Zane habang nakatingin pa rin sa dinadaanan nitong bula.
Nagpatuloy kami sa pagbyahe at napatayo ako ng makita ang bulubundukin at ang kabila naman nito ay disyerto.
"Malapit na tayo sa boarder ng Woodpine at Nuxvar. Lalapag na tayo sa isa sa mga kabundukan na iyan. "
Hindi mawala ang ngiti sa aking labi dahil sa magandang tanawin na nasa harap ko.
____
A/N:
Yehey! Nakagala na ulit si Hilary. Sana ol na lang talaga! Anyways thank you sa mga patuloy na nag babasa. Malapit na mag 8k reads ang story na ito kaya salamat!Oct 13 ngayon kaya Happy Birthday kay BTS Jimin🎉
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfic[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...