Dream 14

127 57 0
                                    

-Hilary-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Hilary-

Nagpatuloy lang kami sa pagkain ng makarinig kami ng malakas na kalabog mula sa taas. Sigurado akong sa kwarto ko yun. Takteng yan! Ano bang ginagawa ni Zane?!

"Uy ano yung tumunog?"Tanong ni Papa na tumingala pa.

"Parang galing sa kwarto ni Hilary," wika naman ni mama kaya nakaramdam ako ng kaba.

Tatayo na sana si papa pero kaagad ko syang pinigilan. Hinawakan ko kaagad ang braso ni papa. Hindi pwedeng makita nya si Zane. Sigurado akong bubugbugin nya si Zane. Baka akalain nila na akyat bahay ang gwapong nilalang na 'yun.

"Pa, baka naman po nahulog lang yung libro ko. Hindi ko po kasi naayos yung pagkakalagay hehe," nag aalangan pa akong ngumiti.

Bumalik naman sa pagkakaupo si papa at nagpatuloy kami sa pagkain. Ilang sandali lang at nakarinig na naman kami ng kalabog. Pero mas malakas na kumpara sa nauna.

Napapikit na lang ako at napayuko. Bwiset na yan! Ano bang ginagawa ng lalaking yun?!

"Oh ayan kumalabog na naman. Baka may pusa na nakapasok sa kwarto mo Hilary," wika ni papa at tatayo na naman.

"Pa, dito ka na lang. Ako na ang titingin," ngumiti ulit ako  kay papa at pinilit syang paupuin.

"Isarado mo kasi yung bintana mo anak. Para hindi makapasok ang mga pusa," wika naman ni mama kaya tumango na lang ako.


Aakyat na sana ako kaso naalala ko na kailangan ko pa palang bigyan ng pagkain si Zane. Nasa Sala na ako nang nakita ko  na may nakapatong na bowl ng chocolates sa center table. Sumilip muna ako sa kanan at sa kaliwa. Nang makitang wala namang nakatingin ay kaagad kong kinuha yung bowl at mabilis na umakyat sa kwarto ko.




Pagbukas ko ng pinto ay kaagad ko itong ni-lock. Dahan-dahan akong lumingon kay Zane at nakita ko naman na nakaupo lang sya sa ilalim ng study table. Nagkalat din yung ilan kong libro sa sahig. Huminga naman ako ng malalim at nilapag yung bowl ng chocolates sa study table.


Nakapikit si Zane pero alam ko na nagtutulog-tulugan lang sya. Ako? Maloloko ng mga ganyang style? Gawain ko na rin yan kaya wag ako.



"Oh ano? Lumabas na ka nga dyan. Akala mo maloloko mo pa ako. Alam kong hindi ka natutulog. Napakaingay mo kaya. Rinig na rinig yung kalabog sa baba," seryoso kong saad habang nakacross arms at walang gana syang tinitingnan.



Dahan-dahan naman syang dumilat at nagpout. "Sorry na. Naghahanap lang naman kasi ako ng banyo. Naiihi na kasi ako."


Muli akong napapikit at napabuntong-hininga. Pambihira! Paano ko naman sya ilalabas ng kwarto ko ng hindi nakikita ng mga magulang at ng mga kapatid ko?


"Naiihi ka na ba talaga?" Tanong ko sa kanya at tumango-tango lang sya.

Naku po! Mas lalo na akong namorblema nito. Hindi ko alam paano ko sya ilalabas pero hindi ko naman kakayanin na makita syang nahihirapan sa pagpigil. Halatang naiihi na sya. Kung ako ang nasa kalagayan nya   mag hahanap ako ng paraan para makaihi. Hay buhay talaga! Kailangan kong kumalma baka ma-highblood ako. Ibinigay ko sa kanya yung bowl ng chocolate at huminga ulit ng malalim.



"Sige. Ilalabas kita rito sa kwarto ko. Pero please wag ka muna maingay. Baka biglang pumunta rito sila mama," sabi ko saka muling binuksan yung pinto.

Inuna ko munang nilabas ang ulo ko sa pinto saka lumingon ako sa paligid at mabuti dahil tahimik naman. Mukhang hindi pa sila tapos kumain. Pwede naman na sa cr dito sa 2nd floor na lang. Kaso malapit yun sa kwarto ni Mar. Sigurado na kapag natapos na syang kumain ay di-diretso sya sa kwarto nya.


Lumingon ulit ako kay Zane at nakita ko syang nilalantakan na yung chocolates. Ang dungis na ng mukha nya. Mukha syang batang lumalamon. Halatang nasasarapan sya sa kinakain nya. Wala kayang ganyan sa mundo nila?




"Ang sarap naman nito Hilary! Anong tawag dito?" Natutuwang tanong ni Zane habang nakaturo sa bowl ng chocolates.


"Shhh! Wag ka maingay! Mahina na yung ulan kaya baka marinig ka nila mama. Wag kang sumigaw,"wika ko saka nilagay ang hintuturo sa aking labi.


"Sorry na ulit," wika nya saka muling kumain.

Lumapit naman ako sa kanya. Kinuha ko yung panyo  ko at pinunasan yung mukha nya. Ang dugyot naman kasi kumain. Buti na lang talaga nay pagkain na nakapatong sa center table. Siguro sa dalawang makukulit yun kasi sila naman ang nag request kay tita ng chocolates. Nang matapos kong punasan ang bibig at pisngi nya ay hinatak ko na sya palabas ng kwarto. Dahan-dahan lang kami at nagmamasid sa paligid. Mahirap na baka makita kami.

Sinuotan ko lang ng malaking kumot si Zane at may nakalagay na malaking laundry basket sa ulo nya. Para kung sakali man na makita kami bigla ay mabilis ko syang pauupuin. Tapos uupuan ko yung laundry basket at kunyari na nagbabasa ako ng libro. Kaya may dala rin akong libro. Mabuti na lang at nakarating kami sa cr ng walang ibang nakakakita.


Kaso narealize ko. Nasa loob din pala ako ng cr at iihi si Zane. Nanlaki ang mata ko nang akmang ibababa  na ni Zane ang zipper nya. Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras.



"Sandali lang!"


"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Zane habang nakahawak na sa pantalon nya.


"L-lalabas na muna ako,"  mabilis kong tugon ng hindi nakatingin sa kanya.


Pusang gala naman oh! Napakashunga ko naman. Nakakahiya kay Zane. Pinukpok ko  sa sarili ang librong hawak ko saka naupo sa gilid ng pinto. Ilang sandali akong nag antay sa labas. Mukhang naiihi na nga talaga sya.



"Uy ate, bakit nandyan ka?" Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Mar.


Nakahawak na sya sa doorknob ng pinto. Nanlaki naman ang mata ko at hinawakan ang kamay nya.


"Ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Naiihi na kasi ako," tugon nya saka akmang pipihitin ang pinto.

"Kaya pala ako nandito kasi naiihi na rin ako kaya tumabi ka na muna dyan," nakangiti kong saad ko saka hinawakan din ang doorknob.


Pero hindi bumitaw si Mar sa pagkakahawak. Hindi ko naisip kanina na ilock yung pinto kaya mabilis lang itong buksan. Halos masubsob na kami ni Mar sa sahig at ang narinig ko lang ay ang tunog ng gripo na patuloy na umaagos pero wala na rito si Zane.



"May nauna bang mag cr dito? Bakit nakabukas yung gripo." Tanong ni Mar habang nakaturo sa gripo.


"Aba, malay ko. Hindi naman ako nag cr kanina," mabilis kong tugon.

Muli akong tumingin sa gripo na patuloy na naglalabas ng tubig. Bigla akong nalungkot. Nasaan naman kaya napunta si Zane?





-------

A/N:

Hello po! Sorry po sa late update. Sana po patuloy nyong basahin ang story na ito♡´・ᴗ・'♡

 Sana po patuloy nyong basahin ang story na ito♡´・ᴗ・'♡

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


































Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon