-Hilary-
Kaagad akong hinila ni Zane papunta sa likod ng puno. Nakasilip lang sya sa gilid habang ako naman ay napaupo at tahimik lang habang kinakabahan.
"Tsk! Papalapit na sila rito.." naiinis na wika ni Zane habang nakasilip.
Sa di kalayuan ay may nakita akong isang maliit na bahay. Mukha na itong luma at may mga kakaibang puno na nakapaligid.
Kinalabit ko naman kaagad si Zane. "Tara, may alam na ako kung saan tayo pupunta."
"Saan naman?" Tanong ni Zane habang nakasilip pa rin sa gilid.
"Doon oh!" Tinuro ko yung maliit na bahay pero hindi pa rin nya ako pinapansin kaya naman hinawakan ko yung kamay nya at hinila sya papalayo.
Hindi naman sya nakaangal dahil parehas na kaming tumakbo at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Kaso sa bilis ng pagtakbo ko ay naiwan ko yung bunny slippers na kakabigay pa lang nya sa akin. Pambihira naman oh!
Kinandado ko na kaagad yung pinto. Nakahinga ako ng maluwag ng maikantado ko na ng tuluyan ang pinto. Pero nagtataka ako kasi biglang tumahimik si Zane. Parang kanina lang tanong sya ng tanong sa akin.
"Uy Zane, ok ka lang?" Nag aalala kong tanong.
Hindi sya sumagot sa halip ay tumingin sya sa mga kamay namin. Hawak ko pa rin pala ang kamay nya kaya agad ko na syang binitawan.
"Sorry.." paghingi ko ng tawad. Hindi naman sya umimik.
Nagulat naman ako ng kalampagin yung pinto. Parang gigibain na sa sobrang lakas ng tunog. Nilingon ko si Zane at parang wala pa rin sya sa sarili. Lumingon-lingon ako sa paligid at may nakita akong isang malaking aparador na kulay puti kaya hinila ko ulit si Zane at nagtago kami sa loob ng aparador.
May ilan pang mga damit sa loob ng aparador kaya medyo masikip. Umayos lang ako ng upo para magkasya kaming dalawa. Ang lapit namin sa isa't-isa ni Zane. Nakikita ko yung mukha nya parang namumutla sya.
"Zane, ok ka lang ba talaga?"Bulong ko saka hinawakan ang balikat nya.
"Ha? Ah..Ano..Ewan ko?" Wala sa sarili nyang sagot.
"Mukhang hindi ka ok. Namumutla ka oh. Parang wala ka sa sarili mo," nag aalala kong wika saka hinawakan ang noo nya.
Napatingin naman sya sa mata ko at mas lalo kong napansin ang pamumula ng pisngi nya. Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko na nakahawak sa noo nya.
"A-ano ba talagang dahilan mo? Bakit ka ba talaga nandito?" Tanong nya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
Halatang kinakabahan sya pero hindi nya lang pinapahalata. Paulit-ulit nya na akong tinatanong pero hindi ko naman alam kung ano ng isasagot sa tanong nya.
"Alam mo, paulit-ulit ko ng sinabi na hindi ko nga alam–" Natigilan ako sa pagsasalita ng takpan nya yung bibig ko.
Mas nagitla naman ako mabilis na lumapit sa akin si Zane. Halos yakap nya na ako habang tinatakpan pa rin ang bibig ko.
"W-wag kang maingay. Nandiyan sila sa tapat ng aparador na 'to," bulong nya pero nahahalata kong kinakabahan sya.
Ang lamig kasi ng kamay nya at medyo nanginginig. Kahit ako rin naman kabado bente na. Mas malalagot ako kapag nahuli ako ng mga dreambots na yan. Baka paaminin nila ako sa kasalanan na di ko ginawa.
Ilang minuto ang lumipas at wala na kaming marinig na kahit ano mula sa labas ng aparador. Lumayo na sa akin si Zane at nauna syang lumabas ng aparador.
"Hilary.."
"Bakit?"
"A-ano kasi..."
"Ano nga?"
Lumabas na rin ako sa aparador habang si Zane naman ay nakatalikod lang sa akin.
"D-dito ka lang muna. Titingnan ko kung wala na talaga yung mga dreambots," wika ni Zane saka patakbong lumabas ng bahay.
Ang weird naman. Sigurado ako na may sasabihin sya sa akin. Napakagat ako ng ibabang labi kasi naman ang cute pala ni Zane kapag nag ba-blush sya.
Maya maya pa ay nakaramdam na naman ako ng kakaibang bigat. Parang hinihila ako papunta sa kung saan. Halos hindi na ako makahinga. Napaluhod na ako sa sahig hanggang sa manlabo na ang paningin ko.
Nang tuluyan na maging itim ang lahat ay mas lalo akong nakaramdam ng pagkahilo at unti-unti kong nakaramdam ng may malambot sa likuran ko.
Napaupo naman ako at hinahabol ang aking hininga. Pinagmasdan ko rin ang paligid. Nandito na ako sa kwarto ko. Nakasuot pa rin ako ng uniform at naka white na medyas.
Tiningnan ko yung medyas ko at napansin na may bakas pa ng damo. Kumurap-kurap pa ako at pinagmasdan yung kaunting damo na nasa paanan ko. Totoo nga ba lahat ng nakita ko?
Natigilan lang ako sa pag iisip ng marinig na may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Hey ate Hilary! It's dinner time!
Si Wakky pala yung kumatok. Teka? Dinner na?
Tumingin ako sa bintana at nakita na madilim na sa labas. Parang sandali lang lahat ng mga nangyari.
Mabilis akong nagbihis at bumaba para maghapunan. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari. Kahit pa kinakausap ako ni mama at papa ay parang wala ako sa sarili. Napapatulala lang ako sa mainit na sabaw ng bulalo sa harapan ko.
"Mukhang problemado si ate Hila," wika ni Mar kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Sinabi ko na sayo, ayaw kong tinatawag mo akong Hila. Ang panget pakinggan," naiinis kong saad.
Pero hindi nya lang ako pinansin at pinaulit-ulit lang ang pagtawag sa akin ng Hila. Isinisigaw pa talaga nya. Hindi ko pa rin sya pinansin kahit na sumisigaw na sya. Sumubo lang ako ng pagkain na niluto ng pinakamaganda kong nanay.
Habang nakain ay kinakalabit pa ako ni Mar. Magkatabi pa naman kami. Kaya nga ba ayaw ko na tumabi sa kanya. Kahit kailan napakapapansin talaga ng fungi na 'to.
"Fungi ka naman," sabi ko saka umirap.
Natigilan sya sa pagkain ng sabihan ko sya ng fungi. Napakabaho kasi ng paa nya. Siguro dahil na rin nakamedyas sya at masyado syang napapawisan kapag nasa school.
"Mama si ate, nangaasar na naman ng fungi," nakasimangot na wika ni Mar.
"Don't deny it kuya Mar. You're a fungi!" Napasigaw na rin tuloy si Wakky habang natawa.
"Mga bata, nasa harap ng pagkain manahimik na muna kayo," seryosong wika ni papa.
"At saka baka magkapikunan pa kayo kapag nagasaran kayo dyan. Oh heto pa, kumain pa kayo," saad ni mama saka naglagay pa ng karne at gulay sa mga plato namin.
Matapos maghapunan ay muli akong umakyat sa kwarto. Gumawa na muna ako ng mga assignment na ipapasa kinabukasan. Pero hindi ako makapagfocus. Nasa harap ko yung picture ng Bangtan Sonyeondan at nakangiti silang lahat sa picture na pinaframe ko pa para i-display dito sa study table ko. At saka para motivation ko na rin sa pag aaral. Nagawi ang tingin ko kay Taehyung. Dahil sa kanya naalala ko si Zane.
Napaisip tuloy ako bigla. May chance kaya na magkita pa kami? Kasi sa totoo lang gusto ko ulit sya makita.
Sana nga lang talaga magkita ulit kami.
----
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...