-Hilary-
Sa bawat paghakbang ng aking nga paa ay mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko. Habang papalapit sa mansion ay mas nangingibabaw ang kaba. Tumitingin ako kay Zane habang naglalakad at mukhang chill lang naman sya. Ako lang talaga sa aming dalawa ang kinakabahan kasi naman first time kong makikita ang mama nya. Hindi lang basta basta boses kundi yung mukha na mismo ang makikita ko. Hindi ko maiwasan na mag-isip kung ano ang magiging reaksyon ng mama ni Zane. Matutuwa ba sya na makita ako? O baka magalit sya at bigla kaming paglayuin ni Zane. Tapos maipapatapon ako sa malayong lugar tapos hindi ko na sya makikita tapos–
Napahinto ako ng hawakan ni Zane ang balikat ko at tumingin sa akin ng seryoso. Mas lalo tuloy akong kinabahan ngayon dahil sa paraan ng pagtingin nya.
"Wag ka masyadong kabahan. Wag kang mag alala. Hindi naman nangangagat si mama.." Tumigil muna sya saka lumapit ng bahagya sa tenga ko. "Maliban na lang kung amoy maldita ka."
Napakunot naman ng noo ko sa sinabi nya. "Mukha ba akong maldita para sayo?"
Ngumiti naman sya at naunang maglakad habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng suot nyang black jeans. Ay wow! Pacool pa talaga ang datingan nya. Tumingin lang ako sa kanya ng masama at sinabayan sya sa paglalakad.
Pagkarating sa tapat ng malaking pinto ay may mga babaeng nakamaid uniform ang nasa labas. Sabay-sabay silang yumuko sa amin.
"Maligayang pagdating Master Zane ganoon din po sayo Lady Hilary," Bati ng mga nakamaid habang nakayuko.
Ay wait anong tinawag nila sa'kin, Lady Hilary? Teka ba't parang tunog mayaman? O sadyang ganito lang sila bumati? Bahala na nga basta sinabayan ko lang si Zane sa pagpasok sa loob ng mansion.
Pinipilit kong hindi ipahalata na kakaiba ako sa kanila. Hindi ako yumuyuko at diretso lang ang tingin ko sa daanan. Napatingala ako sa laki nitong mansion na pagmamay-ari ng pamilya ni Zane. Pagpasok pa lang sa loob makikita kaagad ang dalawang naglalakihang hagdan papunta sa mga susunod na palapag. May mga nakalutang din na chandelier na nagbibigay ng liwanag sa paligid.
"Kanina pa po kayo inaantay ni madam," nakayukong wika ng isang lalaking naka black suit.
Nanlaki ang mata ko ng makita sya dahil kamukhang-kamukha nya si Yoongi. Lalaking version na talaga itong nasa harapan namin. Syempre magkamukha sila ni Clover. Pero si Clover ay babaeng version ni Yoongi. Ba't ba ganon? Parang nagiging komplekado na ang lahat?
"Hindi ko pa pala sya naipapakilala sayo. Sya si Cliff ang kakambal ni Clover. Halata naman dahil magkamukhang magkamukha silang dalawa." Pagpapakilala ni Zane.
"Mukhang nakilala mo na po pala ang aking kapatid Lady Hilary. Pagpasensyahan nyo na po sya kung may nagawa man syang kamalian," muling wika ni Cliff saka yumuko.
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...