Dream 23

108 54 0
                                    


-Hilary-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-Hilary-

"Uy tara na! Pumasok na tayo!" Sigaw ko saka sya hinatak.

Nakatulala lang kasi talaga sya at halatang namamangha sa mga nakikita.

"Kakaiba pala ang mga mall dito," wika ni Zane habang nagmamasid .

"Syempre kakaiba kasi ngayon ka pa lang nakapunta. Dito tayo banda aakyat wag ka dyan!"Mabilis kong hinila yung laylayan ng jacket ni Zane.

Pupunta lang naman kasi sya sa ibang direksyon. Jusmiyo Marimar! Sasakit ang noo ko sa kanya. Noo lang kasi wala na akong utak. Naupos na kakaisip sa mga assignment ko. Hala! Oo nga pala nakalimutan ko na gawin!


Malalagot ako kapag hindi ko iyon natapos. Mas lalo pa akong malalagot kapag may nakakita na nandito ako sa mall at namamasyal lang. Tapos baka may kumalat pa na chismis na may kasama akong gwapong nilalang na aakalain nilang boyfriend ko. Bwiset na yan imbento talaga ako. Epekto talaga 'to ng kakapanood ko ng k-drama.

"Uy Hilary ano ba 'to?" Tanong ni Zane saka naupo at akma na sanang hahawakan yung gilid ng eskelator.

Mabuti na lang at nahawakan ko ang kamay nya saka sya pinatayo.

"Wag kang hahawak ng basta basta. Sige ka! Hihilahin ka nyan," Pananakot ko sa kanya.

Nakita ko naman na nanlaki ang mata nya sa akin at tinuro yung gilid ng escalator.

"N-nanghihila yan?" Parang bata nyang tanong.

Tumango-tango naman ako. "Kaya kung ako sayo, hindi ko na pagbabalakan na hawakan yan. Delikado."

Tumango naman sya sa akin at kumapit sa braso ko. Yung iba naman naming kasabay na umaakyat ay nakatingin lang sa amin. Nawi-wirduhan na siguro sila sa inaasal nitong kasama ko.

Naglibot libot kami ni Zane  hanggang sa makarating kami sa Arcade. Bumili kaagad kami ng tokens at naglaro. Habang nag sho-shoot ng bola si Zane ay kitang-kita ko na nag e-enjoy sya. Tinitingnan nya ako pagkatapos nya mag shoot ng bola at kahit pa nakafacemask sya ay alam kong abot langit ang ngiti nya. Sinubukan din namin yung iba pang mga games na nandito sa arcade at ng maubos na yung mga token na nabili namin ay nagpunta naman kami sa photobooth.  Pumasok kami sa loob at kung anu-anong picture ang pinaggagawa namin. May nakapikit kasi hindi kami ready tapos nakakagulat pa yung flash, mayro'ng nakahiwi, may nakangiti ng todo, yung mukha kaming hindi normal. Tawang-tawa talaga ako sa mga mukhang pinapakita ni Zane.


Paglabas namin ng arcade ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Nakafacemask kami pareho pero halata naman sa aming dalawa na nag-enjoy kami. Nakatingala pa si Zane at manghang-mangha sa mga nakikita. Para talaga syang bata na ngayon lang nakalabas ng bahay. Naiiyak naman ako dahil ubos na ang pera ko sa elyen na 'to–este kay Zane pala. Pero di bale na basta masaya sya. Alam ko kasi na ngayon lang sya nakarating dito.


Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon