-Hilary-
Napakurap ako ng maraming beses at tinitigan ng maigi yung kisame. Bakit ba kulay blue? Hindi naman ganito yung kulay ng sala namin.
Sa pagkakatanda ko kulay cream yung pagkakapintura ng sala namin at natutuklap pa yung ibabang parte kasi nakakaskas. Hindi pa napipinturahan yun dahil wala para kaming pera pampintura.
Dahan-dahan akong naupo at pinagmasdan ang paligid. Napakaraming nakakalat na damit sa paligid. Sa may kama may mga nakakalat na notebook at ginusot na papel. Napupuno na rin ng alikabok yung sulok ng kwarto. Kanino ba kasi ang kwartong 'to? Napakadumi naman. Parang hindi naglinis ng isang taon.
Napangiwi ako at pinulot yung ilang mga damit na nakakalat sa sahig. Ng pulutin ko ang mga damit ay napansin ko na pang lalaki ang mga ito. Di kaya lalaki ang may ari ng kwartong 'to?
Patuloy lang ako sa pagpupulot ng kalat–este ng damit at nilalagay ko sa tray na nakataob pa ng makita ko. Hindi lang ako sanay na madumi ang paligid.
Habang nagpupulot ay nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto. Natigilan ako ng makita ko sya.
Ang lalaking pinaka mamahal ko. Yung lalaking nasa tuktok ng bias list ko. Ultimate crush ko talaga. Napakurap ako at ganoon din sya.
"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?"Tanong ni Taehyung gamit ang napakalalim nyang boses.
Napatulala lang ako sa kanya at hindi makapagsalita. Kasi ba naman kaharap ko na yung ultimate crush ko!
Pinagmamasdan ko lang ang kabuuan nya. Basa pa ang brown nyang buhok halatang kakatapos nya lang maligo. Nakasuot pa sya ng bathrobe na kulay light violet. Ang cute pa ng bunny slippers nya, mukhang fluffy.
Dahan-dahan nyang isinara ang pinto saka muling tumingin sa akin.
"Hoy! Tinatanong kita.."seryosong wika ni Taehyung saka lumapit sa akin.
My heart is omyghad!
"Ha? Ahm..."natameme na naman ako ngayong isang metro na ang lapit ko sa kanya.
Magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng sigaw mula sa labas ng kwarto.
"Zane! bumaba ka nga muna rito. May ipapagawa ako sayo!"Malakas na sigaw ng nasa kabila ng pinto.
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...