-Hilary-
Ang lamig sa pakiramdam. Para akong nasa Antartica. Pinilit ko na dumilat pero nanghihina na masyado ang katawan ko. Ang naaninag ko lang ay ang mga nakasuot ng puting protective suit at dinadala nila ako sa kung saan. Kakaiba ang lugar na ito dahil ang lahat ng nakikita ko ay kulay itim at puti lang. Para akong nasa makalumang movie.
"Mukhang nagigising na sya," bulong ng isang makaprotective suit saka muling itinapat sa'kin yung maliwanag na ilaw.
Dahil dito ay muli akong napapikit. Pinilit ko na tumayo at magpumiglas pero sobrang nanghihina na talaga ang katawan ko kaya di ko ito maigalaw. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang lumalabas na tinig sa bibig ko. Sa mga oras na ito ay wala akong kalaban-laban at ang tanging nagagawa ko lang ay ang lumuha ng tahimik.
Unti-unti kong naramdaman ang tila ba maligamgam na tubig na dumadaloy sa buo kong katawan. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari sa'kin pero dahil dito ay kumalma ako kahit papaano. Saka ko napansin na ako ay nasa kalawakan. Napakaraming bituin at nakita ko ang earth mula sa aking pwesto. Nanlaki ang mata ko dahil sa mga nakikita. Teka, panaginip lang ba 'to?
Pero kung talagang nasa kalawakan ako, edi dapat di ako nakakahinga. Kasi mas lamang ang carbon dioxide sa space, yun yung pagkakatanda ko. May mga nakikita ako na satellite at mga astronout na nagaayos ng mga puting kable. Nakakaamaze at hindi ko pa rin magets kung bakit ako nandito.
"Hilary!" Sigaw ng isang boses.
Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala akong nakita na kahit sino. Hindi ko rin marinig ng maayos yung boses dahil para itong nalulubog sa tubig.
"Hilary nandito ako!" Muli nyang sigaw at sa palagay ko ay galing ang boses sa likuran ko.
Dahan-dahan akong humarap at nakita ang isang anino na hugis babae. Palapit na sya sa'kin pero ng malapit na ay may kung anong pwersa ang humihila sa'kin. Saka ako napamulat at dahan-dahang pumikit-pikit.
Pinagmasdan ko ang paligid at ang lahat ng narito ay kulay puti. Itong suot ko naman ay kulay brown na parang sako lang. Tatayo na sana ako pero natigilan ako ng makita ang mga kadena na nakagalay sa aking kamay at paa. Pinilit ko itong hilahin pero matibay ito at hindi basta basta natataggal. Muli kong pinagmasdan ang paligid at kinilatis itong maigi. Maliit lang ang kwartong ito, walang mga bintana at ang tanging meron lang ay ang pinto na walang doorknob. Mukhang hindi ito mabubuksan mula sa loob. Kailangan may magbukas nito mula sa labas. Siguro nga nahuli na nila ako. Malamang na walang kaalam-alam si Zane sa mga nangyayari ngayon. Kung di ko lang sana binuksan kaagad yung pinto. Masyado akong nakampante na si Zane ang nasa kabila ng pinto. Nakalimutan ko na nasa delikado pa rin ang buhay ko dahil hindi naman talaga ako talaga rito. Hindi ito ang mundo kung saan ako nabibilang.
Napatulala ako sa puting pader na nasa gilid ko lang. Pakiramdam ko nasa mental hospital ako. Siguradong gano'n ng mangyayari sa'kin kapag ikukwento ko itong nangyari dito sa DreamLand. Walang maniniwala sa'kin na napunta ako sa kakaibang mundo na may high technology. Bumuntong-hininga ako at muling naalala ang mga panahong kasama ko ang magulang at mga kapatid ko. Namiss ko tuloy sila bigla. Di ko na kasi sila nakita magmula ng mapunta ako rito sa DreamLand. Ang tagal ko na kasing nanatili dito kaya parang lumalabo na sila sa alaala ko. Yung boses nila naririnig ko pero yung mukha nila parang unti-unti ng lumalabo sa alaala ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Makakalimutin naman ako pero kakaiba itong nararamdaman ko ngayon. Ayokong mawala sila sa alaala ko. Tuluyang lumabo ang paningin ko dahil sa mga luhang naguunahang pumatak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakadena ako at walang kalaban-laban. Ang tanging pag asa ko na lang ay si Zane. Sana iligtas nya ako mula sa lugar na ito.
Ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto at bumungad sa'kin si Jeremy, yung kaibigan ni Zane na kamukha ni Jungkook. Lumapit sya sa'kin at tinanggal yung mga kadena na nasa kamay ko. Nilapag nya rin sa harapan ko yung itim na tray. Walang laman yung tray kaya naman pinindot nya ang hawakan nito tsaka lumitaw ang mga kakaibang pagkain. Kuminang ang mata ko ng makakita ng pagkain. Yung katawan ko kasi nanghihina na at kanina pa ako nagugutom. Pero syempre dahan-dahan lang yung panguya ko baka isipin ni Jeremy na patay gutom ako. Hindi ko alam yung pangalan ng mga pagkain na nasa tray pero natikman ko na rin ang mga ito dahil kay Zane.
Tiningnan muna ako ni Jeremy tsaka dahan-dahang tumayo at naglakad papalayo. Teka lang hindi ko alam kung nasaan akon ngayon. Baka alam ni Jeremy.
"Sandali! Jeremy!" Malakas kong sigaw at huminto naman sya sa paglalakad.
Dahan-dahan syang lumingon sa'kin at masasabi ko na may pagtataka sa mukha nya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Nabanggit ka sa'kin ni Zane. Di ba mag bestfriends kayo? Tama di ba?" Tanong ko tsaka muling kumain.
Mabilis naman syang lumapit sa'kin at tumingin ng seryoso tsaka hinila yung buhok ko. "Anong ginawa mo kay Zane? Tinakot mo ba sya para makuha ang mga impormasyon na iyan?"
Kumunot naman ang noo ko at hinawakan ang kamay nyang hinihila pa rin ang buhok ko. "Teka! Anong sinasabi mo? Wala akong ginagawang kahit ano kay Zane. Sya lang mismo ang nagsabi sa'kin. Nakita ko kasi yung sapatos mo sa ilalim ng kama nya."
"At talagang nakapasok ka pa sa kwarto nya. Hindi basta-basta nagpapapasok ng bisita ang pamilya nila." Mas lalo nyang hinila yung buhok ko.
"Aray! Aray! Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari pero nagising na lang ako sa loob ng kwarto nya. Promise, wala akong ginagawang masama. Hindi ko sya tinakot o ano man. Sya mismo ang nagsabi sa'kin ng pangalan mo at mag bestfriends kayo." Pagpapaliwanag ko.
Binitawan nya naman ako tsaka napatulala sa'kin. Umiiling-iling sya tsaka napasabunot sa buhok nya. "Hindi ito maaari."
Dahan-dahan syang umatras at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto. Nagmamadali talaga syang isara yung pinto. Sigurado ako na may hindi tama kaya naging gano'n ang reaksyon nya pero di ko naman alam kung ano 'yun. Sana maging okay lang sya. Nagpatuloy lang ako sa pagkain.
_______
A/N:
Hmmm... Bakit naman kaya naging gano'n yung reaction ni Jeremy? Ano na ang mangyayare sa ating bida? Halina't alamin sa nga susunod na kabanata!
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...