-Hilary-
Hindi ko na alam kung ilang araw o linggo na nila akong pinapahirapan. Basta halos araw araw na nila akong dinadala sa kwrato na iyon para i-interrogate. Punong-puno na ng sugat at pasa ang buo kong katawan. Karamihan pa sa mga sugat ko ay hindi pa nag hihilom hanggang ngayon kahit pa lagyan ni Jeremy ng gamot. Tumutulong sa'kin sina Tristan at Jeremy. Sila na ang nag papakain sa'kin dahil hindi ko na magawang hawakan ang kutsara at tinidor dahil sa sobrang panghihina. Nakikita ko na naawa na sila sa'kin base sa paraan ng pagtingin nila.
"Pa'no ba kasi natin ipapaliwanag sa kanila? Baka tayo ang maparusahan." Nag aalalang sambit ni Tristan na halatang hindi mapakali.
"Kailangan muna natin ng ebidensya na aksidente lang ang pagkakapunta nya dito sa DreamLand. Hindi pwedeng kumilos lang tayo na walang katibayan dahil siguradong pati tayo mapaparusahan." Seryosong wika wika ni Jeremy na hindi na rin mapakali.
Muling lumapit sa'kin si Jeremy ."Tutulungan ka namin. Makakabalik ka sa mundo mo pero sa ngayon wala muna kaming magagawa kaya pasensya na."
"Sana matiis mo pa ang mga ginagawa nila sa'yo. Lagi kaming magpupunta dito para gamutin ka b-basta please wag kang mamamatay." Naiiyak na wika naman ni Tristan.
Dahan-dahan akong tumango sa kanilang dalawa. Kahit papaano hindi ko nararamdaman na nag iisa ako dahil sa kanila. Sobra ang pasasalamat ko sa kanila dahil nagagamot pa nila ang ilan sa mga sugat ko. Kung wala sila malamang na di na ako nakasurvive dito.
Ito na nga siguro ang parusa sa'kin dahil naghangad ako ng mga bagay na imposible. Ginusto ko na makita ulit si Zane dahil nga may gusto ako sa kanya. Napakabobo ko talaga. Kung wala ako dito edi sana di ko nasira ang tiwala ng nanay nya at hindi ko rin nasira ang pamilya nila at dahil sa'kin kaya nagkaganon ang magkapatid. Galit sa'kin ang parents nina Zane at Zack pati na rin si Clover.
Wala akong magagawa ngayon kundi tiisin ang pagpapahirap sa'kin at umasa na makahanap sina Jeremy at Tristan ng ebidensya na mag papatunay na hindi ko sinasadya ang pagpunta dito sa mundo nila. Wala naman kasi talaga akong kaalam-alam. Paulit-ulit ko nang sinasabi sa kanila pero hindi nila ako pinaniniwalaan. Dahil sabi nila na napaka imposible raw na bigla bigla na lang akong susulpot sa lugar na 'to.
Niyakap ko na lang ang sarili at patuloy na humikbi. Namimiss ko na sina mama, papa at ang dalawa kong kapatid. Gusto ko pang matupad ang mga pangarap ko. Gusto ko pang magtrabaho para makabili na kami ng mga appliances at mapaayos yung bahay namin. Tapos kapag may ipon ako at may world tour ulit ang mga favorite groups ko, talagang mag te-team concert na ako. Ayoko na kasing umiyak na lang sa gilid ng kwarto dahil team bahay lang. Gusto ko pang punuin ng mg merch ang kwarto ko. Marami pa akong gustong gawin pero di ko magawa dahil wala naman akong pera.
Nagising ako dahil sa malamig na tubig na bigla na lang bumuhos sa mukha ko.
"Hoy! Prinsesang ambisyosa. Halika na po," nakangiting wika ni Clover habang may dala dalang transparent na cube na halos kasing laki ko.
Hindi na ako kaagad nakapag react dahil kaagad nya akong hinila at hinagis sa loob ng cube.
"Pasensya na, ambagal mo kasi gumalaw," mataray nyang wika.
Nagkaroon ng gulong yung puting cube saka naman ito itinulak ni Clover. Pero bago pa tuluyang makalabas ng kwarto ay sinadya nyang ibangga sa pader yung cube. Nauntog naman yung ulo ko dahil sa lakas ng impact. Napahawak ako sa ulo saka muling tumingin kay Clover na ang lapad ng ngiti.
Walang ibang kasama si Clover di kagaya ng usual na araw na maraming nakapaligid sa'kin na mga naka black suit.
"Ako lang mag-isa ngayon dahil sinabihan ko na sila na mahina ka na. Hindi naman pwede na lagi lang silang nakabantay sayo. Wala ka namang kwenta kaya di ka worth it na pag aksayahan ng oras, " wika ni Clover habang nakapoker face.
Napayakap na lang ako sa tuhod at tiningnan ang daan. Tama naman sya, mas maigi na gumawa na lang ng ibang gawain yung mga madalas na nagbabantay sa'kin. Hindi naman ako mapanganib eh, kaya wala ng saysay na bantayan pa nila ako.
Nasa mahabang hallway kami na walang kabuhay-buhay at nakakaumay tingnan. Sa pag liko ay nanlaki ang mata ko. Isang nilalang na may hawak na puting baril kasi ang nakaharang sa daan. Nakawhite na mask sya at nakablack na suit. Ganitong-ganito yung mga nakikita ko sa movies. Yung mga assassin o kaya naman mga gumagawa ng heist. Nakatulala lang ako sa lalaking nakamask at napapalunok na sa kaba. Andito pa sya para patayin ako?
"Sino ka naman?! Teka, pa'no ka nakapasok dito?! " Nag tatakang tanong ni Clover at lumapit sya sa naka white na mask at tinutukan din ito ng puting baril.
Lumapit ng bahagya ang nakawhite na mask kaya umatras ng kaunti si Clover. "Wag kang lalapit! " Mas lalong itinutok ni Clover ang baril.
"Hindi mo ko kayang saktan, " Confident nyang wika habang patuloy na nakatutok ang baril kay Clover.
Teka, Pamilyar ang boses na iyon.
"T-teka lang... " Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko ang panginginig ng kamay ni Clover habang hawak pa rin ang baril.
Tuluyang lumapit yung nakamask saka niyakap si Clover. Naibaba naman ni Clover ang baril at naistatwa sa pwesto nya. May ibinulong sa kanya yung nakamask at nanginginig naman na ibinigay ni Clover ang card para dito sa cube.
Nang mag bukas ang cube ay bahagya nyang inangat ang mask.
"Zack.. " Kusang kumurba ang ngiti sa aking labi ng muli kong makita ang mukha nya.
Muli nyang isinuot ng maayos ang mask. Mabilis nya akong binuhat ng pa-bridal at naglakad pero bago pa tuluyang makalayo ay nakita ko si Clover na napaupo na lang sa sahig. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Zack pero mukhang natakot si Clover.
Buti na lang at wala kaming nakakasalubong na kahit sino habang nasa hallway. Nai-imagine ko kasi na may mga haharang pa na ibang mga nakasuit at babarilin kami parang sa mga action movies pero mukhang wala lang talaga akong halaga kaya mukhang hinahayaan na lang nila akong makaalis.
Madilim na at kitang kita ang maliwanag na dalawang kulay lila na buwan sa pagkalabas namin ni Zack. Dahan-dahan nya akong ibinaba sa malaking bula saka may kung anu-anong pinindot sa unahan nito. Marahan itong umangat sa himpapawid. Hindi ko alam kung nasaan kami dahil madilim na ang paligid. Nakapukaw naman ng aking pansin ang matitingkad na liwanag na mukhang galing sa AstraKane.
"Ipinaliwanag na sa'kin ni Jeremy ang lahat," panimulang wika ni Zack saka nilagay sa balikat ko ang isang makapal na white jacket.
"Muntikan ka pa nilang patayin dahil lang inakala nilang espiya ka mula sa ibang mundo. Tsk! Hindi sila nag iimbestiga ng maigi. Pero pro-protektahan kita. Hindi ko hahayaan na masaktan ka nila ulit," wika muli ni Zack at niyakap ako ng mahigpit saka hinalikan ang aking noo.
Tila ba nagliwanag ang paligid dahil sa mga kumikinang na bituin. Nakaramdam ako ng kakaibang saya habang ang mga mata ko naman ay patuloy sa pag luha. Ayoko ng bumalik pa sa lugar na pinag kulungan nila sa'kin. Gusto ko nang makabalik sa'min.
___________
A/N:
Omg! Nakokonsensya na ako sa pinag gagagawa ko sa ating bida. I'm so sorry talaga... Sorry din sa super late update.Maraming salamat sa mga nag aantay ng update (If meron man hehehe)
Luv lots(◍•ڡ•◍)❤
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...