-Hilary-
Halos isang linggo na ang nakalipas magmula ng mailigtas ako ni Zack. Nasa kakahuyan ang bahay na pinag tataguan namin. Nasa pagitan ito ng Woodpine at Earnverness.
Magmula ng makatakas ako sa facility na nasa tagong parte ng Earnverness ay si Zack ang nag aalaga sa'kin. Halos di na sya umalis sa tabi ko. Masasabi ko na sobra syang mag alaga sa'kin. Binubuhat nya pa ako papunta sa banyo kahit may mga equipment naman na pwedeng mag buhat sa'kin. Hindi nya rin ako hinahayaan na kumain mag-isa. Sya mismo ang nag hahanda ng pagkain at sinusubuan nya pa ako.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? " Tanong ni Zack saka tumabi sa'kin. Nakatulala lang kasi ako ngayon sa nag tataasang mga puno.
"Medyo okay na. Gumagaling na mga sugat ko. Salamat sa pag aalala, " ngumiti ako ng tipid saka pinag masdan ang balat ko.
May ilang mga peklat pa rin ang kapansin-pansin at may mga pasa pa rin ako na hindi nawawala. Masakit pa rin ang katawan ko at hindi nakakabangon ng maayos.
"Sorry kung hindi ko manlang magamot kaagad yung sugat mo. Limitado lang kasi ang mga gamot na nadala ko. Sa sobrang pag mamadali ko hindi ko nadala yung mga pinaka mabisang gamot. Mawawala na sana kaagad yang mga peklat at pasa mo kung nadala ko ang mga 'yun. Napaka pabaya ko talaga, " ngumiti sya ng alanganin saka tinuktukan ang ulo nya.
Yan ang isa sa mga napansin ko sa kanya kapag nag kakamali sya pinaparusahan nya ang sarili nya. Hindi nya lang siguro napapansin pero nakamasid ako sa kanya.
Patuloy pa rin sya sa pag tuktok sa ulo nya kaya naman hinawakan ko na ang braso nya at pinag masdan ito. "Kumain ka na ba? Nangangayayat ka na oh. "
"Oo naman, syempre. Kumain na ako after mo kumain," ngumiti sya ng malapad sa'kin saka binawi ng braso nya.
Pinagmasdan ko naman ang mukha nya at halatang halata na ang itim na ng ilalim ng kanyang mga mata. Hindi na siguro sya nakakatulog sa pag babantay sa'kin.
"Tsaka yung mukha mo. Halatang di ka na natutulog. Mauna ka matulog sa'kin mamaya ah," nag aalala kong wika.
Tumawa naman sya sa sinabi ko. "Okay lang ako. Hindi ka dapat na mag alala sa'kin. Dapat na intindihin mo ang sarili mo kasi tingnan mo oh hindi pa rin maganda ang kalagayan mo. Dapat na magpalakas ka. "
Tumingin lang ako sa kanya ng may pag aalala pero ngumiti lang sya ng malapad sa'kin.
"Okay lang ako. Hindi ka dapat mag alala," tinapik-tapik nya pa ang ulo ko saka tumayo at nag lakad papalayo.
Sinungaling. Alam ko na hindi ka okay. Tinatago mo lang sa malapad mong ngiti yung tunay mong nararamdaman.
Noong una talaga madalas akong mag tanong sa kanya tungkol kay Zane. Nag aalala rin naman ako sa kalagayan ng kapatid nya. Nai-imagine ko kasi na pinapahirapan din sya gaya ng pag papahirap sa'kin. Kung hindi man physically baka mentally ang pag papahirap sa kanya. Naiisip ko pa lang ang mga yun nadudurog na ang puso ko pero tumigil ako sa pag tatanong tungkol kay Zane dahil nakikita ko sa mga mata ni Zack na nasasaktan sya. Naalala ko rin ang sinabi ni Clover na nagbago si Zack mag mula ng magsama na kami ni Zane. Siguro nga ay may gusto na sa'kin si Zack. Hindi nya lang din siguro maamin dahil sa sitwasyon na meron ngayon. Mabigat para sa'kin ang sitwasyon na ganto. Mahal ko ang kapatid nya pero ayoko rin naman syang saktan.
Mali naman ang iniisip sa'kin ni Clover. Hindi ko naman talaga pinag lalaruan lang ang magkapatid. Sadyang nauna akong nagkagusto kay Zane. Matalik na kaibigan naman ang turing ko kay Zack. Kapag may pagkakataon sasabihin ko iyon sa kanilang dalawa.
Sa pag sapit ng dilim ay tanging ilaw lang ng dalawang kulay lilang buwan ang makikita sa kalangitan. Parang nasasapawan na nito ang ilaw ng ibang bituin. Gumagaan ang pakiramdam ko lalo na at ang bango ng simoy ng hangin, amoy honey at lemon. Ang weird ng amoy pero pakiramdam ko tumutulong yun sa pag papagaan ng pakiramdam ko. Yung mga nag tatatasang puno, sumasabay sa simoy ng hangin at may mga tunog kuliglig din na nandito kaya para akong nakikinig ng asmr. Mas nakakarelax kaya gustong-gusto ko talaga na puwesto dito sa labas tuwing gabi pero may nakaprotekta naman na bula sa palibot nitong bahay para kung may biglang halimaw man na susulpot hindi raw ako masasaktan sabi sa'kin ni Zack.
Nang mapunta ako dito sa DreamLand, marami akong nakikitang magagandang tanawin na masasabi ko talagang makapigil-hininga ang mga ito. Parang hindi mo na gugustuhing alisin ang paningin mo sa tanawin na nasa harapan mo. Habang tumatagal ako dito sa DreamLand ay mas lalo kong naiintindihan ang mga bagay-bagay. Kung titingnan sa ibang angulo, napakaperpekto nitong lugar na para bang walang magiging kamalian. Akala ko talaga noong una puro advance technology ang nandito pero may iba pa palang angulo ang hindi ko napagtutuan ng pansin. Mas malala pa pala ang discrimination sa lugar na ito at halata naman mula pa lang sa pananamit nila.
Marami akong nakita sa balita na may mga nagnanakaw dahil nga sa kakulangan ng pagkain sa lugar nila o kaya naman nag papatayan na para lang makakuha ng makakain. Nakakalungkot makakita ng ganitong balita. Hindi rin pala nag kakalayo sa mundong nakagisnan ko.
Unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng aking mga talukap. Kakaibang gaan din ang aking naramdaman na para bang lumulutang ako sa kawalan. Hindi ako kinakabahan o ano man pero masarap sa pakiramdam. Ewan ko ba, hindi ko maintindihan.
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at libong libong mga bituin ang bumungad sa'kin. Tila ba nakikita ko rin ang ibang galaxy. Hindi ko mapigilan ang pag guhit ng ngiti sa aking labi. Parang pamilyar ito sa'kin.
"Hilary! " Malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses pero parang galing pa sa ilalim ng tubig ang pinag mumulan ng boses.
Luminga-linga ako sa paligid pero wala naman akong ibang makita.
"Hilary! " Muling sigaw ng boses at mas ramdam ko na nag pa-panic na ang may ari ng boses.
"Nasa'n ka?! " Sigaw ko pabalik kahit pa hindi ko naman kilala kung sino iyon.
"Nandito ako! Sa ibaba! " Sigaw nya kaya tumingin ako sa ibaba at nakita ang isang pigurang hugis tao na tila ba nababalutan ng maliliit at kumukutitap na mga bituin.
Hindi ko alam kung papaano ako makakababa pero pinilit kong puwesto na tila ba nag dadive saka ikinampay ang mga kamay na para bang lumalangoy. Mabagal lang ang usad ko pero nakakalapit na ako sa pigura. Inaabot nya ang aking kamay kaya nilahad ko ito. Tuluyan na sana akong makakalapit pero huminto kaagad ako dahil may isang napakalaking asteroid ang papunta sa aming direksyon.
Hindi... Hindi pwede! Kailangan kong malapitan yun..
"Hilary, Gising! " Nag aalalang sigaw ni Zack.
Naupo naman ako kaagad at pinunasan ang mga butil ng pawis sa aking noo. Hindi ko alam kung sino iyon pero gusto kong malaman. Hindi lang dahil pamilyar ang boses na iyon, kundi dahil pakiramdam ko alam nya kung paano ako mapunta rito sa Dreamland.
____
A/N:
Hala! Sino naman kaya ang shining shimmering splendid na nilalang na nakita ni Hilary?! Tama kaya ang hinala ang ating bida na ang nilalang na iyon ang nakakaalam kung paano sya nakarating sa Dreamland?
Halina't alamin natin sa mga susunod na kabanata...

BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfic[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...