-Hilary-
Nakabihis na kaming lahat kasi nga magsisimba kami. Ang aga aga pa namin nagising pero late na rin naman kami nakaalis dahil nagkakagulo pa. Si papa kasi di makapili ng isusuot tapos yung mga kapatid ko naman nag aaway parang sabong tuloy. Napapailing na lang si mama at sinasaway na yung makukulit kong kapatid habang si tita naman ay natatawa lang sa away bata.
Nang makarating ng simbahan ay kaagad akong bumaba. Napakaraming tao ngayong araw. Maingay pero hindi ko alam bakit natutuwa pa ako sa ingay. Habang naglalakad ay may nakasalubong akong isang lalaking pamilyar sa akin. Lumingon ako pero hindi ko na sya makita dahil sa dami ng tao. Umiling-iling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Baka naman namamalikmata ka lang self.
Sama-sama kaming nagsimba. Syempre kasama namin si tita Cheryl. Maraming tao talaga ngayon lalo na't linggo. Ang tagal na pala mula ng makapunta ako sa simbahang ito. Matataas ang mga pader na gawa sa bricks at lumang luma na. Napakarami kong mga alaala sa simbahan na ito, kasi naman madalas akong madapa sa tapat nito lalo na sa hagdan. Ang boblaks ko kasi humakbang noong bata pa ako.
Gustong-gusto ko rin yung magkahalong amoy ng mga kandila at sampaguita na nasa paligid. Minsan nga pinaglalaruan ko pa yung mga natunaw na kandila sa sahig pero hindi ako iiyak kapag napaso ako kasi kasalanan ko rin naman at saka malalagot ako kay mama. Papagalitan nya lang ako. Kapag nga nadadapa ako dati papagalitan nya rin ako imbes na patayuin pero alam ko naman na shunga talaga ako kaya ako nadapa.
Matapos ang misa ay nakipag usap si tita Cheryl sa mga kaibigan nya. Ang mga magulang ko naman at mga kapatid ay hinila ako para mag picture. Nakiusap sila sa isang babae na picturan kaming mag-anak. Nakakahiya man pero ngumiti na lang ako. Humihirit pa si papa na isa pang picture pero mukhang nagmamadali na yung babae.
"Papa, tama na. Nahihilig ka na sa pagpicture," saway ni mama.
"Ito naman. Parang picture lang ipagkakait mo pa sa akin," nakangusong sabi ni papa.
Kinurot na lang ni mama yung pisngi ni papa. Natawa na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Para silang mga bata.
"Papa! I want that!" Sigaw ni Wakky saka itinuro yung nagbebenta ng mga kakanin.
"Sige halika," sabi ni mama saka sila lumapit sa nagtitinda.
Susunod sana ako kasi may narinig akong tumawag sa akin.
"Hilary!"
Natigilan ako at lumingon sa paligid. Sino naman kaya yun? Pamilyar din sa akin yung boses. Shocking mays naman oh! May mga tumatawag ba sa akin na hindi ko nakikita. Multo ganon? Hala! wag naman sana.
Nagmadali na lang akong lumapit kina mama at Wakky. Ibinili rin ako ni mama ng paborito kong puto at kutsinta.
"Uy mukhang masarap yan ah," papuri ni papa.
"Masarap po talaga yan ser," nakangiting wika ng tindera.
"Alam nyo ba kung papaano makakamura sa mga bilihin?" Tanong naman ni papa habang may malawak na ngiti.
Nasapo na lang ni mama ang ulo. Ganoon din ako. Umaarangkada na naman si papa.
"Paano po?" nakangiting tanong ni Mar.
"Edi murahin mo yung tindera," tawang-tawang saad ni papa.
Hindi ako natatawa sa sinabi nya. Mas natatawa ako sa tawa ni papa. Halos humiga na sya sa sahig kakatawa. Pati yung tindera natatawa na sa kanya.
"Halika na nga. Pasensya ka na sa asawa ko. Medyo buang lang yan," sabi ni mama saka nagbayad.
"Uy biro lamang iyon. Wag nyo po seryusohin," sabi ni papa saka nag peace sign.
Muli kaming naglakad papunta sa sakayan ng tricycle. Kasama na namin si tita Cheryl at may dala rin syang mga kakanin. Sumakay ako sa gilid na part ng tricycle kasi mas gusto ko yung tinatangay ng hangin yung buhok ko. Parang sa mga commercial pero mas malala lang kasi nangangalay yung mga kamay ko at sumasakit ang pwetan ko dahil sa pagkakaupo. Bale nasa iisang tricycle lang kami nakasakay. Magkatabi kami ni papa at magkatabi naman sina Mama at tita sa loob. Kinakalong lang nila sina Wakky at Mar.
Nang tumigil ang tricycle dahil naka-red ang ilaw sa stoplight ay may napansin ko ang isang lalaking naka grey na hoodie. Nakablack syang sweatpants at nakayuko lang sya. Pinipigilan ko na hindi matawa ng bigla na lang syang mabangga ng poste. Napayuko na lang ako at mahinang tumawa. Hindi ko na talaga napigilan. Ano ba yan self?! Kakagaling ko lang ng simbahan tapos ganito ako tsk tsk. Minus points talaga naman!
Tumigil na ako sa pagtawa at muling tiningnan yung lalaki. Nakaupo na sya sa sahig at hinahaplos ang kanyang ulo. Pero nakayuko pa rin sya. Nang iaangat na nya ang kanyang ulo ay sakto naman na umandar na ulit ang tricycle. Mabuti na lang at hindi napansin ng lalaki na tinawanan ko sya. Papa God, sorry na po talaga kung tinawanan ko yung lalaki. Tumingin ako sa asul na kalangitan at paulit-ulit na nag sorry.
Nakakatuwang makita ang ilang mga bahay na nandito at nadadaanan namin. Pang Spanish style pa rin kasi yung iba. Pero mas lamang yung mga modernong design na bahay. Kumpara sa syudad mas malinis yung kanal nila rito. Kulay brown or malabo lang yung kulay ng tubig hindi gaya ng sa Manila na kulay black na yung tubig at napakabantot pa. Hindi rin gaanong marami ang mga basura rito.
Nang mapadaan naman kami sa malawak na palayan ay napansin ko ang grupo ng kalalakihan na nag jo-jogging. Masyado kaming mabilis kaya hindi nila kami masabayan.
"Hindi nyo kami maaabutan bleh!" Sigaw naman ni Mar kaya nagtawanan kami.
"Hindi naman 'to karera," natatawa kong saad.
Unti-unti na kaming lumalayo sa mga kalalakihan na nag jogging hanggang sa hindi na namin sila nakita. Ilang sandaling puro palayan ng nakikita ko tapos nagkaroon na ng kabahayan at mga tindahan sa paligid. Tumigil muna yung tricycle sa isang store. Napangiti ako ng makita yung isa sa mga pinaka paborito ko.
"Wow! Yema cake!" Nakangiting sigaw ni Wakky.
Hindi na namin dapat pag aantayin yung tricycle driver kaso lang masyadong madaldal si papa. Kung anu-ano yung pinagsasasabi kaya sinabihan na lang namin yung driver na mag-antay na muna. Nauna naman silang pumasok sa store habang ako naman ay nagpaiwan dahil nararamdaman kong may nakatingin sa akin kanina pa.
"Hilary!"
Napatingin naman ako doon sa pader.
Hindi ko na lang pinansin baka naman kapangalan ko lang. Napakarami kong kapangalan. Hindi lang naman ako ang Hilary sa mundo. Hahakbang na sana ako pero narinig ko na naman."Hilary!"
Napapikit naman ako at muling tumingin doon sa pader. Sira ulo talaga yung nanti-trip sa akin. Kanina pa yan ah. Nag effort talaga na sundan ako. Hindi naman ako famous. Tuyong patatas lang naman ako.
Huminga naman ako ng malalim saka pumunta doon sa pader na pinanggalingan ng boses. Nagulat naman ako ng may humila sa akin. Wahh! Maki-kidnap na ba ako?!
---
BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...