Dream 22

109 54 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



-Hilary-

"Cat Noir ano–"Natigilan ako ng makita kung sino ang nasa kusina namin.

Nanlaki ang mata nya ng makita ako at nahulog pa nya yung hawak na kaldero kaya naman gumawa iyon ng ingay. Napapikit tuloy ako dahil sa kaldero na bigla na lang nyang binitawan. Nang dumilat ako ay nakita ko na syang nakatayo ng tuwid at nakayuko na parang batang may ginawang mali sa mama nya.

"Bakit mo naman kinalat mga gamit dito?" Naiinis kong tanong saka pinulot yung kaldero na binitawan nya.

Muli kong tiningnan yung mga kalat at napabuntong-hininga. Pambihira! Naglinis na nga ako kanina para lang matapos ko na yung mga assignment ko pero mukhang may bago na naman akong lilinisin. Ang galing!

"Sorry, ano..kasi... na amaze lang ako," nakayuko nyang saad at pinaglalaruan nya pa yung kamay nya.

"Alam mo ba na kakalinis ko lang? At anong nakakaamaze? May nakakaamaze ba sa mga bagay na yan?" Tanong ko at hindi ko maitago ang inis dahil kakalinis ko lang tapos magkakalat sya.

Hindi nya sinagot yung tanong ko. Pero lumapit sya doon sa refrigirator namin at binuksan iyon.

"Halika dali. Ito kasi oh." Tinuro nya yung loob ng ref.

Tinaas ko naman ang kilay ko at tumingin sa kanya ng diretso "Oh tapos?"

"Kasi naman namamatay yung ilaw kapag isinara ko. Parang ganito." Ngiting-ngiti pa sya habang sinasara yung ref.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa ipinakita nya sa akin. Para talaga syang bata na ngayon lang nasilayan ang mundo. Kaso naalala ko lang bigla. Hindi nga pala sya sanay sa mundong 'to kaya siguro gano'n yung kilos nya. Kahit naman ako kapag napupunta sa mundo nya ay sobrang naaamaze ako. Kasi hindi ako sanay. Kailangan ko nga talagang intindihin itong si Zane.

Bumuntong-hininga ulit ako saka hinila si Zane papunta sa sala.

"Maupo ka na muna dyan." Pinaupo ko na muna sya sa sofa namin at binuksan yung tv.

"Dyan ka na muna. Kapag gusto mong ilipat yung channel, pindutin mo lang 'to." Pinindot ko yung next botton sa remote.

"Wag mo na pindutin yung iba dito kasi baka mamaya masira mo pa yung tv namin. Wala pa naman kaming taga ayos. Teka, nakikinig ka ba?" Nakatulala lang kasi sya sa akin.

"Ahm...O-oo naman!" Mabilis nyang sagot saka sumaludo sa akin saka umupo ulit ng maayos. 

"Oh heto. Manood ka na muna dyan. Kasi liligpitin ko pa yung mga kalat sa kusina namin." Hinawakan ko yung kamay nya at nilagay doon yung itim naming remote.

Tumingin naman sya sa akin at tumango-tango.

Humakbang na ako papalayo ng maalala na hinawakan ko pala yung kamay nya. Hala! Baka kung ano na naman yung isipin nya. Shocking mays talaga!

Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon