Dream 15

132 56 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





-Hilary-



Pumayag na akong sumama sa probinsya dahil bigla na lang nag laho si Zane sa cr. Kaya ngayon nakatulala lang ako sa bintana ng kotse namin. Hindi naman 'to tulad ng mga magagarang kotse kasi nga second hand na 'to. Pero nagagamit naman namin kahit papaano.



Habang nakatingin sa labas ay natutuwa ako sa mga palayan at matataas na puno na nadadaanan namin. May mga kabayo, baka at mga kambing pa kaming nakikita. Bihira lang ako makakita ng mga ganyan sa syudad. Kapag nasa probinsya talaga parang nasa ibang mundo ka na.



Lumapad ang ngiti sa aking labi ng makita ang bahay ni tita Cheryl. Mas lumaki na ang bahay nila kumpara noong huli akong umuwi.  Nandoon pa rin yung malaking puno ng mangga sa gilid ng bahay. Lumabas kaagad ako ng tumigil na yung kotse sa gilid ng bahay. Kumaripas kaagad ako ng takbo papunta sa berdeng gate at paulit-ulit na kumatok.



Nami-miss ko na si tita. Oo, lagi nya akong pilitin kumain ng hindi ko gusto dati pero magkasundo naman kami. Medyo nalungkot na ngayon si tita kasi nga wala na si tito sa tabi nya. Tatlong taon na mula ng magkasakit si tito at hindi kinaya ng katawan nya. Nakita ko na umiyak ng umiyak si tita dati noong mawala si tito. Kaya madalas namin na binibisita si tita. Para kahit papaano ay may kausap naman sya. Kaso ako lang talaga ang hindi nakakasama dahil nga sa mga gawain ko sa school.

Nakita ko ang matingkad na ngiti ni tita ng buksan nya ang pinto. Kaagad nya akong niyakap.

"Aba, ang laki mo na talaga Hilary," wika nya habang nakayakap sa akin.

"Miss na po kita," nakangiti kong wika saka yumakap ng mahigpit kay tita.

"Hello po!" Magkasabay na sigaw nina Mar at Wakky.

Lalong ngumiti si tita at lumapit sa dalawa kong kapatid.

"Ang cute nyo talagang dalawa,"saad ni tita Cheryl at pinisil ang pisngi ng mga kapatid ko.


Napatakip naman ako ng bibig at natawa ng mahina kasi naman yung mga mukha nila parang mga bata na kinuhaan ng lollipop.


"Musta ka na ate?" Tanong ni papa habang dala yung mga bagahe.

Ang dami talagang dala. Akala mo naman masusuot lahat ng mga damit. Si mama talaga ang hilig magdala ng napakarami.


Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay napansin ko kaagad yung pag kakaayos ng mga gamit. Nag-iba na kasi maski yung pintura ng pader. Dati kulay puti lang yung pintura pero ngayon light green na.


Pagkaakyat pa lang sa kwarto ay nahiga na kaagad ako sa kama kahit hindi ko pa tinatanggal yung purple backpack na suot ko. Napangiti ako sa kulay ng pader. Kulay pink kasi itong kwarto ni ate Cheryline, ang nag iisang anak ni tita Cheryl.

Wala pa rin talagang pinagbago itong kwarto. Saksi ang kwarto na ito sa mga kalokohan na ginawa namin ni ate. Madalas kasi namin iprank yung iba pa naming mga pinsan. Matagal na kasing nasa syudad si ate. Sa pag kakaalam ko malapit na syang makagraduate ngayon sa college. Sabi ni papa sa akin pinagsasabay daw si ate yung pag aaral at pag ta-trabaho. Noong narinig ko iyon humanga ako kay ate kasi ba naman ang hirap kaya na nag aaral tapos nag ta-trabaho. Ako nga mga assignment pa lang na pinapagawa hirap na hirap na ako. At saka mahirap mag takda ng schedule lalo na kapag masusungit ang teacher.


Minsan lang makauwi rito si ate kaya mag-isa na lang
talaga si tita Cheryl dito sa bahay. Nakakalungkot talaga kapag mag-isa na lang sa bahay kasi sobrang tahimik kaya kapag nandito kami nagkakagulo. Napaka ingay kasi namin. Yung dalawa ko palang na kapatid magigiba na yung bahay sa sobrang ingay nila. Lalo na kapag tinggalan ng gadgets.





"Ate Hilary! Bumaba ka na rito! May ipapakita si tita!" Sigaw ni Mar kaya naman kaagad na akong bumaba.


Pagkababa ko naman ay dumiretso ako sa sala at nakita ko ang mga nagkalat na photo album sa sahig. Pinulot ko yung isang photo album na may violet flower na cover. Alam ko na kung kanino 'to. Binuksan ko ang photo album at kaagad na bumungad sa akin ang nakakatuwang mga litrato. Hindi nga ako nagkamali. Ako at si ate Cheryline ang nasa picture.




May mga picture na magkasama naming ginupitan ang isa't-isa. Yung pagkakagupit ko pa ng buhok ni ate hindi pantay. Yung ginupit nya naman sa akin  half lang.  Tapos meron pang picture na sumabit yung buhok ko sa suklay. Ang pagkakatanda ko pa iniikot ko iyon kaya sumabit sa buhok ko. Hindi na matanggal yung buhok ko sa pagkakasabit kaya napilitan na gupitin. Nakakahiya talaga mga pinaggagawa ko.



May picture pa na may hawak kaming mga star fish. Bata pa kami ni ate at kitang-kita sa picture na bungi yung ngipin ni ate habang ako naman ay nakapanty lang. Ang liit pa namin sa mga picture. Parang kailan lang. Wala pa sa mga picture na ito sina Mar at Wakky.


"Halika rito Hilary. Tingnan mo ito," nakangiting wika ni Tita saka sumenyas na lumapit ako .

Mabilis akong lumapit habang hawak pa rin yung photo album. Nang tumingin ako sa picture na tinitingnan ni tita ay mas lalo akong natawa. Yung picture kasi namin ni ate noong nag-ihaw kami sa tabing dagat dati. Baby pa lang no'n si Mar. Yung mukha ko punong-puno ng uling. Ganoon si ate pero mas malala sya  kasi magulo yung buhok nya.



Lahat kami ay natatawa sa mga picture na nahahalungkat namin dito. Napakarami na palang memories. Karamihan sa mga picture ay yung magkasama kami ni ate. Sobrang close kasi kaming dalawa. To the point na kapag nauwi kami rito sa probinsya  ayaw ko ng umuwi pabalik sa syudad. Parang gusto ko na lang mag stay dito. Mabait kasi talaga si ate Cheryline. Medyo maloko lang pero matalino si ate. Napakarami nyang awards na nakukuha kada taon hindi tulad ko.



Madalas akong naikukumpara sa kanya lalo na kapag nasa reunion pero lagi akong pinagtatanggol ni ate. Sinasabi nya na parehas lang kami na matalino kahit na sa tingin ko ay hindi naman. Napakalayo ko sa kanya lalo na kung talino ang pag-uusapan. Pero kapag talagang kalokohan malamang na mag top 1 na ako.


Bigla tuloy akong napaisip kung ok lang si ate. Sana okay lang sya at sana magkita na ulit kami. Minsan talaga nakakamiss maging bata.

_____










Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon