Dream 25

112 57 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




-Hilary-

Nagising naman ako dahil may kung sinong pinipindot-pindot yung pisngi ko. Ano ako cellphone?

"Ano ba! Wag mo naman pindutin yung pisngi ko!" Saway ko pero hindi pa rin sya tumigil.

Ayoko pang bumangon at ayoko pang dumilat. Ang sarap matulog ngayon kasi parang ang lamig at ang lambot ng higaan ko.


"Papansin naman ! Ano ba Mar! Wakky! Tumigil na kayo!" Saway ko ulit pero ang narinig ko lang ay ang pagtawa.



"Wala rito mga kapatid mo," natatawa nyang wika.

Teka nga? Parang kilala ko kung kanino galing yung boses!



Mabilis akong dumilat at napaupo. Kaso hindi ko naman alam na nasa harapan ko pala si Zane. Malapit pala sya sa mukha ko at nakatingin sa akin kaya naman nagkauntugan kami.


"Aray!" Daing namin pareho dahil nagkabanggaan ang mga noo namin saka nagkatinginan.

Pero nang nagkatinginan naman kami ay bigla kaming tumawa pareho. Sinasabi ko na nga ba parehas kami mag isip ni Zane. Talagang sabay yung pagtawa namin. Teka, wala pala akong sinabing ganoon na parehas kami mag-isip. Ah basta! Cute naman sya.



"Mag bihis ka na para makakain na tayo ng agahan." Inabot naman sa akin ni Zane yung isang puting blouse at black na pantalon.


Aalis na sana si Zane pero hinila ko ulit sya. "Saan ba rito yung cr?"

Tumawa naman sya sa tanong ko.

"Hoy! Ba't ba natatawa ka? Baliw ka boy?" Mas lalo lang syang tumawa sa tanong ko.

Baliw nga talaga. Muli syang umayos ng upo at tumingin sa akin. "Bahay mo 'to pero hindi mo alam kung saan dito yung cr?"

"Ha? Anong bahay ko? Sinasabi mo dyan?" Nagtataka kong tanong.

"Kung sa bagay, di ka pa pamilyar sa bahay natin. Sige na ituturo ko na sayo." Lumapit sya sa akin ng kaunti at itinuro yung pinto. "Sa paglabas mo sa pinto na iyan ay kakanan ka at sa dulo ay may pinto. Iyon na ang banyo. Bilisan mo magbihis para makakain na tayo."


Tuluyan na syang lumabas ng kwarto. Habang ako naman ay muling pinagmasdan itong kwarto. Hindi ko kaagad napansin na ito yung kwarto na ipinakita sa akin ni Zane. Ang dami na kasing nagbago. Yung kulay ng pader ay purple na at halos lahat ng makita ko may shade ng purple. Nag ningning ang mga mata ko sa nakikita. Matagal ko ng gusto na magkaroon ng kwarto na ganito. Pero hindi ito ang oras para mag drama ako dahil nag aalburoto na ang sikmura ko. Ewan ko pero pakiramdam ko kaya kong kumain ng isang buong lamesa sa sobrang gutom. Tumayo na ako at nag unat saka  binuksan ang pinto at dahan-dahang sumilip. Lumingon ako sa kanan at kaliwa bago tuluyang lumabas. Walang ibang nandito kaya sobrang tahimik.




Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon