Dream 27

110 57 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-Hilary-

Napapangiwi naman ako habang dahan-dahang inaangat ang ulo para makita kung sino yung nakabangga ko. Para nang nagkakarera ang puso ko  dahil sa kaba na baka mga kakilala 'to ni Zane tapos isumbong nila na nandito ako. Tatayo na sana ako at naghahanda na para tumakbo pero  natigilan naman ako ng makita si Zack.


"Naku! Pasensya na Hilary. Hindi ko sinasadya," nag aalalang wika ni Zack saka ako tinulungan na makatayo.


"Ang tagal na nating hindi nag kita. Kamusta ka na?" Tanong ni Zack sa akin habang ako naman ay kabadong kabado.



Kinakabahan ako dahil baka may sumulpot na dreambots sa paligid. Kahit naman suot ko yung singsing na binigay sa akin ni Zane. Baka naman kasi huluhin pa rin nila ako.



"Ah..okay lang naman ako. Sige bye na," nginitian ko sya saka akma na sanang aalis pero hinawakan nya ang braso ko.



"Teka lang, ang tagal nating hindi nag kita. Magkwentuhan naman tayo. Kahit ngayon lang.." Tumingin sa'kin si Zack at yung mga mata nya parang nakikiusap sa akin.




Napahinga naman ako ng malalim saka tumango. "Oo na sige na nga. Pero baka may ibang makakita sa'tin. Lalo na yung mga maid nyo. Baka pagchismisan nila ako." Bumulong pa ako kay Zack pero tumawa lang sya.




"Ano bang nakakatawa?" Nakataas kilay kong tanong.


Tumingin naman sya sa akin at muling ngumiti. Sheteng malupet naman oh! Ang cute ng ngiti nya kasi nawawala yung mata nya sa sobrang singkit!



"Sorry sorry, sige magtago na muna tayo rito sa likod ng puno tapos lumabas na lang tayo kapag tapos sila mag dilig at maglinis," wika ni Zack at naupo sa lilim ng puno.




Tumabi naman ako sa kanya pero syempre may space pa rin sa pagitan naming dalawa. Nakatingin lang si Zack sa bughaw na kalangitan. Ang ganda pala talaga ng ganitong view. Napaiwas ako ng tingin dahil biglang lumingon sa'kin si Zack. Ba't naman lagi na lang akong nahuhuli ng tingin nitong magkapatid na 'to. Pakiramdam ko tuloy nahuli ako pero di kulong.




Ilang sandali pa kaming naupo sa lilim nitong malaking puno. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Pero nakakarelax pakinggan yung tunog ng mga dahon at sanga nitong puno na sumasabay sa banayad na hangin. Sa sobrang nakakarelax parang gusto ko na matulog. Pipikit na sana ako pero bigla na lang pinisil ni Zack ang pisngi ko.







"Wag ka nang matulog. Umalis na sila. Tara na gala na muna tayo," nakangitimg wika ni Zack saka ako hinila para patayuin.




Naglakad lakad kami dito mismo sa Galaxy garden. Napansin ko na may ibang mga halaman na ang nandito maliban pa mga bulaklak na nakita ko noong nakaraan. 





Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon