Dream 17

129 58 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




-Hilary-

Nagulat naman ako ng may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko. Napahawak ako sa kamay ng humila sa akin at nagpumilit akong pumiglas. Heto na ba ang oras para makidnap ako? Pero imposible dahil hindi naman kami mayaman wala rin namang mga pinagkakautangan ang mga magulang ko nagbabayad naman ang mga magulang ko kapag nangutang sila. Pero kung may mga di sila nabayaran na pinagkakautangan ay baka sila nga ang may pakana ng kidnapping na magaganap!





Kahit anong mangyari kailangan kong makawala. Hindi nila ako pwedeng makuha dahil wala namang maipapambayad ang magulang ko. Mas lalo lang magiging komplikado ang sitwasyon kapag nakuha ako ng kidnaper. Hindi 'to pwede! Hindi na ako makahinga!




"Uy ako 'to. Si Zane," saad nya kaya natigilan ako.



Paulit-ulit kong hinampas yung kamay nya kasi nauubusan na ako ng hininga. Narealize nya siguro na nahihirapan na akong huminga kaya naman mabilis nya akong binitawan.



"Ay sorry," panghingi nya ng tawad saka nag  bow.


Para namang hinahabol ko ang hininga ng bitawan nya ako.

"May balak ka bang patayin ako?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Baka naman kasi sumigaw ka ng malakas. Mahuli pa ako. Ayoko naman na makulong sa lugar na ito. Sorry na," nakahiwi nyang wika saka muling nag bow.


"Hindi ka pwedeng makulong dito pero pwede kang makulong sa puso ko," nakangiti kong bulong habang  nakatingin sa malayo.

"Hilary..May sinasabi ka ba? Pakiulit naman. Hindi ko narinig," wika naman ni Zane pero tiningnan ko lang sya ng seryoso.



"Wala! Wala akong sinabi! At saka paano ka pala napunta rito? Ang alam ko bigla ka na lang nawala sa cr ng bahay namin. Tapos ngayon bigla ka na lang susulpot dito," nakakunot noo kong wika at dinuro-duro ko sya.



"Gaya mo, hindi ko rin alam paano ako napunta rito." nakayuko nyang saad at nararamdaman ko na nagsasabi sya ng totoo.



Napabuntong hininga naman ako at sumilip sa gilid dahil muli kong narinig yung boses ng mga kapatid ko. Kahit kailan napakaingay talaga.


"Teka lang, dyan ka na muna. Magpapaalam lang muna ako sa mga magulang ko." Mabilis akong nagpunta sa pwesto ng tricycle






Nagsabi ako na aalis na muna ako kasi may bibilhin ako para sa project namin. Noong una ay ayaw pang pumayag ni mama kasi nga mag-isa lang daw ako. Pero sinabihan naman sya ni tita na kaya ko naman basta huwag lang masyadong lalayo. Yung ibang mga store naman kasi rito ay school supplies. Sasama pa sana si mama sa akin pero umayaw na ako. Hindi nya pwedeng makita si Zane dahil siguradong magkakagulo. Sa huli ay pumayag na rin si mama gano'n din si papa.





Fangirl In DreamLandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon